Fourth Letter for 'K'

17 1 0
                                    

Dear K,

GooodMorning my Kups. Char! Hahaha kakaiba 'tong araw na to ee. Not the usual day. Halata bang masaya ako? Hahaha napanaginipan kase kita kagabi. Siguro dala narin ng sobrang pag-iisip ko sayo. Ang swerte mo ah? Iniisip kita kahit wala kang ibang ginawa kundi ang saktan ako. Okay enough. Paulit ulit na naman ako. Baka makabisado mo na lahat ng pinagsasabi ko ee. Haha Sorry kups. Sadyang masaya lang talaga ako ngayon dahil napanaginipan kita. Ang galing nga eh. Alam mo ba kung bakit? Kase sa panaginip OKAY tayo. Sobrang okay. Kung pwede nga di na ako magising dahil sa panaginip na yon ee. Kaso may mga bagay lang talaga na kailangan ng tapusin para hindi na masaktan pa. See? Kahit sa panaginip di parin tayo pwede. Haha funny.

Kaya ngayon, Kups. I've decided to let my feelings go and just move on. Kaya nga ang saya ng gising ko ngayon ee. Kase ngayong araw ko balak mag umpisa. Mag umpisa ng buhay na wala ka. Alam ko namang hindi ganun kadaling mag move on. Alam kong isa yon sa pinakamahirap gawin. Pero kakayanin ko. Kaya ko!

Nakakatawang isipin na dati sa tuwing tinatanong ako ng bestfriend ko, kung bakit ako nasasaktan. Ang lagi ko lang sagot "Hindi ko alam. Siguro dahil gusto ko siya?" Haha kashitan lang ang sagot ko diba? At sa tuwing sinasabi ko yon. Ang lagi naman niyang sinasabi sakin "Hindi mo siya gusto lang. Mahal mo siya ayaw mo lang aminin." Natatawa nalang ako sa tuwing naaalala ko yung mga times nayon ee. Lagi pa kaming nagtatalo dahil lagi niyang pinipilit na mahal nga kita at ang tanga tanga ko para pakawalan kapa. Hahaha see? Bestfriend ko na yon. Lakas mo sa mga kaibigan ko kups. Lahat sila boto sayo. Isa lang kasi talaga ang hadlang ee. Hahaha dejowklang.

Alam mo ba kung ano ang pinakanakakatawa na part neto? Yun yung sinabi ko na magmomove on ako. Alam kung matatawa ka. Siguro sobrang lapad ng ngiti mo once na mabasa mo 'to. Nakakatawa kase katangahan ko ee noh? Alam kung walang naganap na "TAYO" para mag move on ako at para sa pagiinarte ko. Pero kasalanan ko ba? Hahaha wala ee. Kahit sa crush mo lang kailangan ng mag move on. Ganito na panahon ngayon. Haha di kita crush kups. Hindi rin kita gusto. Kase mahal kita, kups. Mahal na mahal....

Kaya kahit masakit. As in sobrang sakit. Kailanagan na kitang pakawalan. Kase habang minamahal kita, mas lalo lang nadudurog ang puso kong iniwan mong sugatan.

Pang apat na sulat ko na 'to sayo. Kailan ko kaya magagawa yung panghuling sulat? Gusto ko, pag ginawa ko yon. As in OKAY nako. Ayoko kasing lokohin ang sarili ko na...

I'M PERFECTLY FINE kahit ang totoo, sobrang wasak na wasak ang puso ko. Diba nga, if you Love someone. You know how to let go. Now, i realized how you mean so much to me, Kups. I stilL in Love with you, K. But, i need to let you go..No scratch that!

... I AM LETTING YOU GO....

-Yanah </3

A letter for 'K' (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon