Fifth Letter for 'K'

8 0 0
                                    

Uy Kups?!!! HAHAHHAHA di ako makatulog boy! Alam mo kung bakit? Masakit tenga ko eh. Hahahaha kala mo naman puso ko ang masakit huh? hahahah asa! char! Oo masakit din 'to pero mas masakit talaga magpadagdag ng butas sa tenga eh. Wag kang magagalit ah. Pero kasi may pangalawang butas na tenga ko. HAHHAH ang baliw ko na ba? Eh ikaw kasi ee. HAHHA Jowk! Ansakit kuos pero mas masakit parin yung iniwan moko. Char jowk HAHAHA 

Alam mo namang matagal ko ng gustong magka piercing pero wala lang akong guts na gawin yon kasi takot ako kila Mama. Pero dahil sayo nawala yung takot ko. Sobrang sakit na kasi eh. Kaya naisip ko nalang na magpalagay ng piercing. HAHAH char! Ginamit pa kita sa pagaadik ko eh noh? Pero jowk lang yon. Matagal ko na talagang gustong mag pa piercing eh. 

Kasama ko pala si Gelatin non. Kilala mo na naman siya diba? Yung laging maganda "kuno" The F HAHAH xD Gaga yon Kups. Habang binubutasan na tenga ko sabi ko sa kanya hawakan niya kamay ko eh. Lokaret ang gaga nagselfie lang sa salamin. Mygaaawd stressed ang Lola mo! Pero mahal na mahal ko parin yung bruhang yon. Pagkain buddy ko yon eh. Kaya kawawa ka pag naging tayo dahil hindi lang ako ang ililibre mo kundi buong barkada ko. HAHAH Siguro kung nandon ka kups baka binatukan mo nako. HAHAH wala eh! Mahal lang talaga kita. Ang sakit lang. Ang sakit sakit.....

....ng bagong butas sa tenga ko. lol HAHAH si manong drayber pa sinagi nya kanina kaya mas lalong sumakit. Hayuuuuf lahat nalang sinasaktan ako. Pati ikaw na minamahal ko nananakit din. AHHA char jema lang eklaboo kemberloo Excited nako gumaling 'tong butas nato. Baka sakaling gumaling na din 'tong puso kong winasak mo. HAHAH chos! Pero excited nakong isulat ang huling sulat ko sayo eh. Konting kembot nalang move on na!

Miss na kita sobra. Sana okay ka jan. Maging okay ka ah? 

-Lubusang nasasaktan
BABA mo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A letter for 'K' (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon