Third Letter for 'K'

14 1 0
                                    

Dear K,

Heto na naman ako. Hahahaha di kase ako makatulog ee. Alam mo namang may insomia ako diba? Kaya instead of make titig to my ceiling in my kwarto. Mas mabuti pang isulat ko nalang lahat ng nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Haaaayst ano nga bang nararamdaman ko? Hahahaha ano pa nga ba? Pakshet ka talaga kups. Pati pagtulog ko ginugulo mo. Kupal ka talaga ee noh? Wala kaba talagang ibang pwedeng gawin kundi ang saktan lang ako? HA-HA-HA funny -.- Bat kapa kase babalik kung aalis ka din naman pala. Okay na okay nako nung six months na nawala ka ee. Nasanay na ang sarili ko na wala ka non. Pero bumalik ka. Nabalik na naman ung dating friendship natin. Back to normal ang lahat. Parang walang nangyari. Mga ganern?!!

Alam mo bang dahil sayo, magkagalit kami ng bestfriend kong si Rasty hanggang ngayon? Hahaha sira ulo din kase yung mokong na yun ee. Pinapapili ba naman niya ako. Boyfriend daw ba o Bestfriend. Hahaha paksheet talaga yon. Ee hindi naman kita boyfriend. How i wish. Hahaha chos! Diba sabi ko naman sayo, K. Alam mo na naman ang pipiliin ko diba? Ewan ko ba sa mga bestfriend ko. Lakas maka packing tape ee. Si Rasty ayaw sayo. Masyado nyakong pinagdadamot.  Dahil pagnaging bf na daw kita iiwan ko na siya. See? WTF! Seloso ang unggoy HAHA Pero doncha worry Kups. Dahil si Mericel, yung bestfriend ko na lagi kong kinikwento sayo. Ayy nakooo kups sobrang boto yun sayo nung sinabi ko ung tungkol satin. Infact binubugaw nya ako sayo ee. Haha Char lang yung SATIN na word. Hahaha Kaso wala na namang silbi ang botong yun diba? Kahit pa boto ang bestfriend ko sayo. Wala paring magbabago. Hindi ka na naman kase babalik diba?

Pero paksheeet, Kups!

Bakit kapa ba kase bumalik non? Tas aalis ka din naman pala? Anong kashitan ba kase ang gusto mong patunayan huh?! Okay na okay nako nung nawala ka ee. Tas ngayon babalik ka then aalis kung kailan na fall nako sayo? Packing tape ka pala ee!

Okay I'm SORRY. I know it's my fault. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit ka umalis. Kasalanan ko kung bakit ka nawala sakin. At kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Kasalanan ko bang magmahal ng isang tulad mo? Naiinis ako,  Kups! Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako sa tadhana! Naiinis ako sa lahat! Paksheet this kind of feelings! Sarap magwala ee! Puro padamdam yan, para dama mo!

Sa tuwing nagiging ganito ako. Gusto kitang makausap. Gusto kung sabihin sayo ang lahat lahat. Ang lahat ng hinanakit ko. Ang lahat ng nararamdaman ko sayo. Basta as in lahat. Pero pano ko ba masasabi sayo? Kung wala ka naman sa tabi ko. I don't even know your full name. Siguro, iisipin ng iba. Kahibangan lang ang feelings natin para sa isat isa. Pero diba? Pareho tayong naniniwala na hindi nman ang pangalan natin ang tinitibok ng mga puso natin. Kundi ang buong pagkatao na ng bawat isa.

Alam mo, K. Perfect match na tayo ee. Ikaw na yung hinahanap ko. Ang dami nating pagkakapareho. Kaya mong sakyan lahat ng trip ko. Ganun din naman ako sayo. Pero bakit ganun? Haha di parin tayo pwede. Sobrang daming pagkakapareho natin pero hindi natin kayang talunin ang isang kaibahan natin. Ayy mali pala. Ako lang pala ang hindi kayang tumalo sa pagkakaiba natin. Hahaha patawa naman kase kung ikaw lalaban pero ako hindi lumalaban diba? ...

.

.

.

.

.

.

.

...Bakit naman kase ako lalaban. Kung alam ko namang, kahit anong gawin kung paglaban ee matatalo din naman ako. Sorry, K. Sobrang sorry kung hindi ko kayang ipaglaban ka...

Ipinanganak lang ako para mahalin ka. Pero hindi para ipaglaban ka, Kups!

-Baba </3

A letter for 'K' (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon