Prologue

96 4 1
                                    

January, Year 2013

Franco Blanco ay kilalang isang business tycoon sa buong Asya dahil na din sa malago niyang kompanyang iBlanc, ang kompanya na nagma-manufacture ng high quality gadgets na siya namang isa sa nagpapaunlad ng teknolohiya sa bansa, sa ngayon ay mayroon siyang dinedevelope na software program na makatutulong upang mas lalo pang kilalanin ang bansang Pilipinas bilang isang maunlad na bansa sa larangan ng teknolohiya. Ang Blanco Weapon Manifacturing Company (BWMC) naman ay isa sa kompanya ni Mr.Blanco na nagma-manufacture ng iba't ibang klase ng high-class at upgraded weapon. Dahil sa quality ng mga weapon na naipoproduce ng kompanya niya taon-taon ay mas lalo siyang nakilala bilang isang successful na businessman. In business world, weak can't last longer. When it comes to his business he has this straight and frightened personality, he is responsible and believed that everyone shall have fidelity. But he is different person when it comes to his family, he treasured his queen and princess. He's a great father and husband after all.

"Who wants to have a ginataang munggo later?" Franco ask in a jolly tone. Kasalukuyan siyang nagmamaneho sa kaniyang kotse at kasama niya ang kaniyang asawa na si Shantal Blanco na nakaupo sa kaniyang tabi habang nakaupo naman sa passenger seat si Kyara Blanco, ang kanilang munti at nag-iisang prinsesa.

"Me dadu!!!Me!!!" his princess answered. Kyara is turning 10 years old next month. Only child dahil nagkaroon ng komplikasyon si Shantal sa panganganak sa kaniya kaya naman nag-aalangan na silang bigyan ng kapatid si Kyara.

"Aw, milka you told me you're already full." Franco said with sad tone when in fact he's just teasing his milka. Nanggaling kasi sila sa isang business gathering na isa sa business partner ni Mr.Franco sa BWMC ang nag-host, may mga nanggaling pa na mga bigating tao sa iba't ibang bansa patunay na hindi lang ito basta-basta party lalo na at kilalang tao si Mr.Devin Lanuza, ang nag mamay-ari ng sikat na group company. Hindi sana isasama ni Franco ang kaniyang mag-iina dahil siguradong mabo-bored lang sila pero nagpumilit si Kyara dahil gusto daw niyang makita kung paano nangyayare ang business gathering. Sa katunayan nga ay parang nag-enjoy pa si Kyara sa party.

"Dadu, I don't remember saying that." Inosenteng pa-cute ni Kyara sa kaniyang ama, alam kasi niya na hindi siya matitiis ng ama lalo na at spoil ito sa kaniya.

"Aww. My milka." nasabi na lang ni Franco habang nakatingin sa rear view mirror dahil sa ginawa ng anak.

"Oohh, sino na nga pala ang nagsabe na huwag mang-spoil ng bata para hindi masanay?" Shantal ask while innocently looking outside the car pero alam ni Franco na pinaparinggan siya ng asawa. Bigla namang ngumiti ang mag-ama na parang hinihingi ang basbas ni Shantal sa gagawin ni Franco na pang i-spoil nanaman.

"Love, pwedeng pass muna ngayon?" tanong ni Franco na ginaya ang pagpapa-cute ng kaniyang anak sa kaniya kanina. Pero saglit niya lang ginawa iyon dahil nagmamaneho siya.

"It's fine with me love..." pagkasabi niya iyon ay humagikhik na sa tawa ang mag-ama pero si Shantal ay ngumiti lang ng peke.

"As long as hindi ako ang magluluto." dagdag naman ni Shantal sa sinabi niya sakaniya kaya napa-frown na lang ang anak..

"Don't worry Milka, I'll cook it for you then." Franco said pero himbis na matuwa si Kyara ay mas lalo pang nalukot ang mukha nito.

"Dadu you know that I love you right?" Kyara ask out of nowhere.

Kahit nagtataka si Franco sa itinatanung ng kaniyang anak ay tumango pa din ito at sumagot.

"Of course Milka, I'm your only and favorite Dadu after all." Franco said with confidence like stating a fact.

"I love you Dadu but your cooking is bad. I love Mamu more." Derederetsong sinabi ni Kyara sabay lapad ng ngiti sa ama nito.

Because of what she said her Mamu burst in laughter like there's no tomorrow. While Franco just gave his wife a deadpan look. Nag-pout naman si Franco sabay tingin muli sa rear view mirror.

"Milka, you're hurting your Dadu." May bahid ng pekeng lungkot sa boses ni Franco.

Bigla namang tumayo sa kinauupoan si Kyara at lumapit sa ama.

"Dadu, truth's hurt. I love you both but when it comes to food, Mamu have my side." Lambing naman ni Kyara, kahit na inasar pa niya ang ama sa una nitong sinabi ay ngumiti pa rin si Franco habang si Shantal na tumigil na sa pagtawa ay napatingin na lang siya sa kaniyang mag-ama. Malaki ang pasasalamat niya dahil nagkaroon siya ng anak na kahit straight forward kung magsalita ay iba naman magparamdam ng pagmamahal. Sa araw-araw na nilikha ng diyos, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng di pagkakontento. Alam niya sa sarili niya ang pagkakamaling ginawa nila ni Franco bago nila mahantong ang ganitong punto ng buhay nila, nagpapasalamat siya at hindi naapektuhan ang kanilang unica ija ng kanilang pagkakamali.

"Mamu, napatulala ka?" / "Are you okay love?"

Sabay na tanong ng kaniyang mag-ama. Bakas ang pag-aalala nila kay Shantal pero ngumiti na lang ito para hindi na sila mag-alala.

"Fine, Milka is right. Your cook is bad so it's better kung ako ang magluluto." Pag-iiba ng atmosphere sa loob na kanilang sasakyan dahil sa bigla nitong pag-iisip ng malalim. Napa-yey naman ang mag-ama. Ginataang munggo ang paboritong dessert ng mag-ama, naalala pa niya ay sarap na sarap siya sa luto ni Franco noong naglilihi siya kahit na sinasabi na niya na hindi masarap ang pagkakaluto niya, pero sa totoo lang saka lang narealize ni Shantal na hindi nga masarap ang luto ng asawa matapos niyang maipanganak noon si Kyara. Nagagawa nga naman ng paglilihi. Napailing na lang si Shantal sa naalala.

"Dadu, when I grow up I want to be like Mamu. A Best of the best Mamu in the whole world, and also like you too Dadu, a known and smart businessman." Natawa na lang ang mag-asawa sa sinabi ng kanilang anak. Kahit na may halong pambobola ay alam nila na totoo si Kyara sa kaniyang sinasabi, Shantal knew her daughter in adoring her Dad so much. Ni napakabata pa pero nagpapabili na ng mga books na medyo komplikado na sa pag-intindi ng utak ni Kyara.

"Just believe in yourself milka." Sabi ni Franco sa anak.

Masaya sila ng mga oras na iyon. Masaya at nawala sa isip ni Franco ang trahedyang nakaamba sa buhay ng kaniyang pamilya.

Napansin ni Kyara na pamilyar na siya sa daang tinatahak nila kaya naupo na lang siya at niyakap ang teddy bear niyang si Ice Bear.

Malapit na sila sa boundary ng kanilang lupain nang walang ano-ano'y biglang bumagal ang lahat ng pangyayare, hindi alam ni Kyara kung ano na ang nangyayare sa kaniyang paligid, dahil bigla siyang nahilo at lumabo ang kaniyang paningin.

Hindi akalain ng isang inosenteng bata na mamumulat na lang siya isang araw na marami na ang nagbago. Nang dahil sa isang pangyayare sa kaniyang buhay ay biglang mababago ang takbo ng kaniyang masaya at inakalang payapang buhay.

The Revenge of HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon