Gian's POV
Naglalakad ako ngayon sa gitna ng ulan. Naubos kasi yung gasolina ko. Wala akong ibang choice kundi ang maglakad. Ayaw ko namang don nalang ako matulog sa parking lot dahil mukang matagal pa itong titila. Di man lang ako inalok ni Dieb na sumakay. Bwiset. Sigurado akong magkakasakit na naman ako neto bukas. Kasalanan mo to Dieb ehh. Sobrang basa ko na.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay biglang may bumusina.
'Priiiiitttttt~priiiiitttttt'
"Manang sumakay kana basa ka na ouh!" Alam ko kung sino ang nagmamay ari ng boses non kaya hindi ko siya nilingon. Naiinis ako sa kanya.
"Manang!" Binuksan na niya ang kotse niya.
"Walang manang dito" I answered him without giving a glance. Wala naman talagang manang dito. Ako lang andito walang manang. Or manang yung tawag niya sa akin. Ikaw talaga kumag ka. Bwesit ka talaga.
"Gian! Sumakay kana" Sa kauna-unahang pagkakataon na tinatawag niya ang pangalan ko. Pero hindi parin ako tumingin sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Iwan ba naman ako.
Pinaandar niya yung kotse niya. Akala ko aalis na siya pero Inihinto niya ito sa tapat ko.
Lumabas siya at nagdala ng jacket at payong. Hindi niya ipapayong yan sayo self siya magpapayong niyan at pipilitin kalang papasukin sa loob.
Naramdaman kong hindi na ako nauulanan, tumingin naman ako sa ibabaw at nakita kung pinapayungan ako ni Dieb. Isinuot niya sa akin ang kanyang jacket. Himala.
"Tara na baka magkasakit ka niyan" Sambit niya. Hindi pa kami nalalakad. Magkakasakit naman talaga ako nito ehhh, alam ko na takbo ng bituka ko. Maulanan lang ako ng konti, sakit agad.
"Sorry kanina ahh iniwan kita sa parking lot mag isa" Buti naisipan mong mag sorry. Anong kinain mong bakla ka. Baka natatae ka lang.
Ngiti nalang ang iginanti ko sa kanya. At nag umpisa na kaming maglakad. Hindi kayang magsalita ng bibig ko. Nahihilo ako. Ang sakit ng ulo ko. Bigla nalang akong ma out of balance dahil sa hilo. Naramdaman kong sinalo pala ako ni Dieb. Itinapon niya ang payong at kinarga ako. Tumatama ang mga butil ng ulan sa aking mukha. Minamasdan ko ang mukha ni Dieb, para siyang nag aalala. Pero bakit naman siya nag aalala sa akin.Isang Dieb na bully mag-aalala sa isang Gian na nerd. Ginutom lang siguro ako. Or just assuming.
Tugdugtugdugtugdug
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganito? Ngayon ko lang ulit na feel ang ganitong feeling. Ito yung feeling na naging kami ng ex ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito. No. Don't tell me Im inlove with him? No, hindi pwede. Ayaw ko nang masaktan pa. Ayaw ko nang paglaruan pa.
Ipinasok na ako ni Dieb sa kanyang kotse. Tinapik tapik pa ang mukha ko.
"Gian Gian why are you smiling? " Hindi ko namalayang ngumiti pala ako. Si Dieb naman ay nataranta dahil sa ngiti ko. Ooh gulat ka noh?
Tinapik tapik na naman ako ni Dieb."Gian what's happening to you? " Tanong ni Dieb na mukhang nag aalala. Ganon na bah talaga ka pangit ng mukha ko na pati smile ko nagugulat sila? Kung pwede ko lang tanggalin tong makapal na eye glass ko. Nganga kayo sa beauty ko.
"Wala" Umiwas naman ako sakanya at ngumiti. Shit bakit ganito? Ayaw kong masaktan ulit.
Bigla niya akong hinila at niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya hindi ko alam na magagawa niya sa akin iyon dahil alam kung di siya magkakagusto sa isang katulad ko.
Hindi naman ako nakagalaw dahil sa gulat.Tugdugtugdugtugdug
Ouh here's my heart again. Anong nangyayari sa akin. Putek naman ouh. Ayaw kong magmahal ulit.

BINABASA MO ANG
When Ms.Nerd Meets Mr.Bully
RomanceNa-in-love ka na ba? Nagka-crush ka na ba? Pano ko malalaman kung gusto ko siya? Paano kung nag-umpisa ito sa isang araw na una ko palang siyang nakita... Paano kung siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pagkatao ko, nararamdaman ko, o sabihin...