Dieb's POVMabilis akong naka punta sa bahay ni Manang. Malaki ito pero parang walang tao. Nagdoorbell ako pero walang bumubukas. Ilang ulit na akong nagdoorbell pero wala pa rin. Pumasok nalang ako dahil hindi rin naman nakalock ang kanilang gate. Pagkapasok ko hindi rin sarado ang pinto. Hindi niya ba alam kong paano Ito I lock?.
Pumasok na ako at tumambad sa akin ang isang babaeng natutulog sa sofa. Sobrang kalat dito. Wala ba siyang maids? Or relatives na nakatira dito?
"Manang!manang! gising" Tawag ko sa kanya pero hindi parin siya gumigising. Nagpuyat siguro to ka gabi.
"Manang! Gising! " Hindi parin siya gumigising. Tulog mantika ba siya? Bakit ang hirap niyang gisingin.
Tinapik tapik ko yung mukha niya pero bakit ganun? Ang init niya? Inilagay ko yung palad ko sa noo niya. May lagnat siya sobrang taas ng lagnat niya. Kinabahan naman ako kaya tumingin ako sa paligid. Parang siya lang nakatira dito ah.
Pumunta ako sa kusina nila hindi naman ako naligaw kahit malaki ang bahay niya dahil may mga sign. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bumalik na.
Binasa ko ang panyo at ipinunas ko sa mukha niya. Pagkatapos ay inilagay ko ito sa kanyang noo. Tatalikod na sana ako ng napansin ko yong braso niya. May dugo. Agad ko namang hinanap ang health kit nila. Kahit san ako dinala ng paa ko ng napadpad ako sa isang kwarto. Sobrang laki ng kwartong ito. Mukhang kwarto ito ni Manang Gian. May mga drawings sa dingding na nagpapadala ng ganda ng kwartong ito. Nakita ko na ang kit sa kama niya at pumunta na ako sa sofa.Nilinis ko na ang braso niya. Pagkatapos kong linisin ito ay inilagay ko ang palad ko sa noo niya. Hindi na siya sobrang init.
Bumalik ako sa kusina nila at nagluto ng lugaw para kay Manang. Hindi ko to ginagawa dahil gusto ko siya ginagawa ko lang ito dahil baka mamatay siya diyan. Naluto na ang lugaw at inilagay ko to sa maliit na table at nilagyan ng note ang side nito.
Nilinis ko ang mga kalat dito. Sobrang kalat naman nitong babaeng ito. Pati kinainan niya. Tsk. Tsk. Tsk.
Bakit ba ako nanghihimasok sa life niya? Hindi ko naman siya gusto. At hinding hindi ko siya magugustohan eww. I Don't like this ugly manang.Lumabas na ako at nag drive pabalik sa school. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kumag na yon.
Gian's POV
Pagkagising ko ay nawala na yung sakit ng ulo ko. Nabigla ako ng may puting tela na naka lagay sa noo ko. Sinong nag alaga sa akin? Natulog ako kanina ng subrang kalat, ngayon pag kagising ko ang linis na. Malinis na rin ang sugat ko.
Tumayo ako para malaman na hindi na ba talaga ako nahihilo. Pagkatayo ko ay nahagip ng mata ko ang isang lugaw sa center table. Kinain ko ito at pagkatapos kong kumain ay ililigpit ko na sana ang pinag kainan ko ng may nakita akong isang note, kinuha ko ito at binasa.
Dear Manang Gian,
Magpahinga ka diyan baka hindi ka makapasok bukas. Hindi kaba marunong mag linis? Ang kalat kalat ng bahay mo. At saan naman nanggaling yung sugat mo sa braso? Pagkakita ko niyan dumudugo pa yan. Ano bang nangyari sayo? At isa pa hindi mo ba alam kung paano mag lock ng gate at pinto? Baka pasukin ka niyang katangahan mo ehh. Sa susunod huwag ka nang mag pa ulan.
Magpaliwanag ka sa akin kung anong nangyari sa braso mo.
Ipinanganak na gwapo, Dieb
Ano ba yan magsusulat na nga lang ng note I memention talaga yung gwapo. Sige ikaw na yung gwapo. Pero wala pa ring tatalo sa kababata ko. Asan na kaya siya ngayon. Miss na miss ko na siya.

BINABASA MO ANG
When Ms.Nerd Meets Mr.Bully
RomanceNa-in-love ka na ba? Nagka-crush ka na ba? Pano ko malalaman kung gusto ko siya? Paano kung nag-umpisa ito sa isang araw na una ko palang siyang nakita... Paano kung siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pagkatao ko, nararamdaman ko, o sabihin...