Chapter 5:Punishment

1.1K 58 0
                                    

Bigla siyang tumalikod at naglakad papalayo. Bakit ako kinakabahan sa kanya? Hindi naman siya nakakatakot sadyang cold lang siya. Hindi ko nagawa yung plano kung asarin siya. Bwesit naman ouh.

Nakita ko si Hanna kaya agad kong tinawag ito. Mukhang may kausap siya sa phone niya. Nakangiti ito habang may kausap sa phone. Ngayon ko lang ulit nakita ang ganyang ngiti. Ngiti na parang inlove. Pero hindi dahil sa akin.

"Hanna!" Tawag ko sa kanya.
Nataranta si Hanna ng marinig niya ako. Mabilis na ibinaba ni Hanna ang phone niya. Parang may itinatago si Hanna sa akin.

Your acting weird, Hanna. Tell me what is your problem. Para kang may itinatago sa akin na ayaw mong malaman ko.

"Uy Dieb sabay na tayo"

Tumango nalang ako sa kanya. Sabay kaming naglakad ni Hanna. Hinatid ko muna si Hanna sa room nila bago ako pumasok sa room  namin.

"Good bye Hanna" Pagpapaalam ko sa kanya.

Hahalikan ko na sana ang noo niya ng lumayo ito at mabilis na tumakbo sa loob.

Now what's happening to you Hanna? Palagi ka nalang may kausap sa phone mo at ngumingiti ka pa. I didn't see your sweetest smile if you are with me, pero kung may kausap ka sa phone mo ay parang sobrang kilig ang bigay ng kausap mo. Bakit kapag kasama kita iiwasan mo ako huh?. Ang sakit.Hindi mo ba alam kung gaano ka sakit?

Gian's POV

Naglalakad ako patungo sa classroom ng nakita ko si Dieb, may kasama siyang isang babae huminto ako at hinintay kung anong sunod na mangyayari. Nakita ko ang kirot sa mata ni Dieb matapos siyang layuan ni Hanna. Yun yung narinig kung tawag ni Dieb sa kanya.

Nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. Nataranta naman ako nung lumingon siya sa akin.

Patay ako neto. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko nalang na dadaan sana ako ng nakita kung umiiyak siya,ahh oo tama tama.

"Anong tinitingin mo diyan?" Nagpupunas na si Dieb sa kanyang mata.

"Dadaan sana ako ng nakita kung umiiyak ka" Pagdadahilan ko dito.

Dumiretso siya ng daan mukhang papunta siya sa locker . Anong problema non? Bakit yun umiiyak?.

Pumunta na rin ako sa locker dahil naalala ko na magpapalit pala ako ng white shoes dahil PE namin mamaya.

Nongpapalapit na ako sa locker ko ay may tumulak sa akin. Pagkakita ko sa mukha nito. Si Dieb.

"Huwag mo nga akong sundan!" Sigaw niya sa akin habang nakahawak pa sa kwelyo ko.

"Hindi kita sinusundan" Pilit kong pinapakalma ang boses ko. Ang sakit ng likod ko. Shit.

"Bakit andito ka huh, yun ba yong hindi mo ako sinusundan!"

Hindi ako nagsalita dahil alam kung saan ito patungo kung papatulan ko pa.

"Huh magsalita ka" Inihampas na naman niya ako sa locker.

Pag ito naging lima hindi na talaga ako magpipigil kahit apo kapa ng Dean.

'Dalawa' tatlo nalang talaga papatulan na kita.

'Tatlo' puta inuubos mo talaga pasensya ko.

"UUgh" Isa nalang talaga Dieb ika apat nato.

'Lima' aray! Nagpipigil lang ako na magpalabas ng salita sa bibig ko.

Tinulak ko si Dieb at ihinampas amg likod sa locker.

When Ms.Nerd Meets Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon