CHAPTER SIX

27 1 0
                                    

*year 2018 month of August day 5

"What if we broke up?" I asked him through text, ilang minuto rin akong naghintay ng reply nito hanggang sa tumunog ang phone ko

'Bakit? May balak ka ba?' Balik na tanung nito na ikina bigat lalo ng loob ko, naiipit ako sa sitwasyong hindi ko alam kung paano ko lusutan o paano ako makapag desisyon dahil sa nangyari sa buong araw, nag simula ito kanina  na nag simba ako sa Ministry and the word for me was 'if you really want to grow in Christ, to grow your relationship in Christ if you're in a relationship BREAK IT UP..' Mabigat ang loob ko habang umiiyak kanina at dumadalangin na kung ganito ang gusto ni God na gawin ko, na igive up ko, I will do it kasi naniniwala ako na may 'Gods perfect time for everything' nasa sitwasyon ako na kailangan kong mamili between my 'relationship with him or my relationship with God' and I made may decision, buo na pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Kaya through text, I typed those words na halos kada letra ay dahan dahang sinasaksak ang puso ko,

'Lets break up.'
A minute had passed my phone rang again

'Sigurado ka?' He asked, I explained na hindi ko din alam pero buo na ang desisyon ko, mahal kita Bah pero MAS mahal ko si God, kung Gods will na tayo talaga, tayo talaga. Then you just said,

'Okay.'
Sobrang iyak ko na halos hindi ako maka hinga sa sobrang sakit, saksi ang kakambal ko sa mga luha at sakit na nararamdaman ko and I told her everything, then she adviced me na 'pwede naman yun na hindi mo siya hiwalayan habang nag serve ka kay God, as long as mas priority mo si God at hindi siya naging hindrance sa pag serve sayo eh.' Until my friends, board mates gave me some same thought also kaya kinaumagahan, I explained to him na ganoon I need to choose between him and God. I did my best, I called my friend Justin dahil same boarding house lang sila and tell him na kung pwede pakinggan niya yung explanation ko pero matatapos lang yung buong araw, wala akong natanggap and Im loosing hope until my phone rang again and I received two messages that comes from him saying,

'Para ganun lang, makikipag break ka na?'
'Akala mo ba, matatanggap ko yun?'
It gives me hope, I explained again but this time everything changed.
I asked him kung pwede pa ba naming ibalik ang lahat then he replied,

'Para sa anu pa?'
'Tinapos mo na diba?'
'Hindi ako ang nag text nun, board mate ko yun, pinakealaman ang phone ko'

I beg him and tell him that I loved him

'Sabihin ko na sayo ha, wala na akong nararamdaman sayo noon pa, tinry ko lang na mag work out pa pero wala na talaga.'

This message totally break me. Hindi ko alam kung saan ba ako nag kulang para mawalan siya ng pagmamahal sa akin. For almost six years that he had waiting for me sa isang iglap, nawala na ang lahat. Ganoon na ba talaga ako ka daling i-unlove? Posible nga talagang ma fall out of love ang isang tao no? Dahil pinatunayan na nito.
Months had passed, I still want him to comeback na kahit nagmumukha na akong desperada sa pag chat ng una sa kanya ay nilunok ko na, until I have a Spoken poetry competition and my piece was made just for him na gusto kong ipamukha sa sarili ko na WALA NG KAMI pero martyr ako eh, sobra. Yung kahit na hindi na kami pero umaasta parin ako na parang kami, at nagsasabi parin ako ng 'I love you' kahit ang sagot niya ay 'okay' almost half year I am blind with my feelings for him na hindi naman ako ganito, sinumpa ko pa noon na HINDING HINDI ako magkakagusto sa kanya pero anung nangyari Ann, 'ang taong isinasawalang bahala mo noon, hinahabol mo na ngayon.' He seems so cold at sobrang insensitive sa feelings ko kaya hindi niyo naman siguro ako masisisi diba kung, natuto na ako and at the same time, natatakot na rin. Because the most scary game in human nature is LOVE. Its up on you, kung susugal ka ba para sa isang desisyon na magiging masaya ka nga pero, masasaktan at masasaktan ka din, kung sa bagay, wala namang love kung hindi ka masasaktan diba? Diba Ann?

*present year

"Hoi! Tulaley ka diyan girl, any problems?" Pukaw sa akin ni Justin mula sa aking pagbalik sa nakaraan

"Ewan ko ba Coco, writer nga ako at alam ko na ang mga banat lines, feelings, character and aware naman ako sa mga possible outcomes ng mga pa twist sa love pero bakit ang hirap parin mag figure out kung, inlove ka nga ba o inlove ka ulit." Pagod kong saad habang naka higa sa aking coach at yakap yakap ang kulay pink kong laptop

"Alam mo girl, kahit anu ka pa ka talino sa lahat pagdating sa love nagiging bobo ka talaga kasi nga, its not your brain which is working, its your heart kaya kung anung nagpapasaya sa puso mo, kahit anu pa ang magiging outcomes nito ay mananalo at mananalo pa rin ito, ganun ang pag-ibig. Kahit sobrang sakit nung ginawa niya noong una pero siya pa rin talaga, your heart will always win to choose that man again."
Napa isip ako sandali, bakit kaya anu? Kapag love ang pag uusapan eh nagiging makata at maraming dahilan maging explanations ang tao, dahil ba puso na ang nagsasalita o dahil ito talaga ang demand sa human nature?

"Hoi, natahimik ka ata diyan? But by the way girl, may keke na naghahanap sayo sa labas and you know what--" putol na saad ni bakla ng bumangon ako bigla

"Kanina pa ba siya?" Paglilinaw ko

"Hmm..yup! Eh sa tinatanong ko kung sino yung hinahanap ang sagot niya ay ikaw, pinapapasok ko pero ayaw eh kasi hihintayin ka daw." Anu? Kaagad ko namang nilapag ang laptop ko sa aking table at dali daling lumabas ng offce, palinga linga pa ako and there I found him na naka yuko habang naka upo at may bitbit na paper bag, I took a deep breath at nilapitan ito

"Kanina ka pa?" Nag alala kong tanung na ikina tingala nito

"Hai? I brought some foods kasi sabi ng kambal mo hindi ka nakapag breakfast, kaya ito." Nakaramdam naman ako ng guilt dahil sa mukha nito na sobra ng walang buhay

"Nag abala ka pa, pero dali pasok ka." Aya ko

"No hindi na--" hindi na natapos nitong excuse ng pinandilatan ko ng mata na ikina ngiti nito ng alangan  at wala ng nagawa kundi ang sumunod sa akin. The Queen always win over the King.

"Luto mo?" Tanung ko habang isa isang binuksan ang mga tupperware na may lamang pagkain

"Hindi eh, binili ko lang." Nahihiya pa nitong sagot, napa tango nalang ako na may kasamang disappointment, ang sabi kasi ni Kambal masarap daw itong mag luto kaya ganun nalang ang eagerness ko na matikman ang luto niya.

"Upo ka na, lets eat." Utos ko, syempre nag pray muna kami bago kumain, this is my first breakfast na kasama siya. For our seven months relationship noon, ni minsan hindi kami nag sama kahit isang University lang kami dahil nga sa mga priorities namin na dapat unahin.

"May trabaho ka later?" Tanung ko sa kanya

"Wala naman--"

"Good. Samahan mo ako." Napa tigil naman ito sa pagkain at tumingin sa akin ng nagtatanung

"Where are we going? Tanung nito

--
*Parlor

"Love.." Nag aalangan na tawag nito sa akin

"May reklamo ka? Para din naman sayo to eh kaya isipin mo nalang na treat ko to. Okay?" Naka ngiti kong saad at may magagawa pa ba ito? I decided to bring him here dahil sa konsensya ko sa kabuuan nito, konting haircut and facial chuchu lang naman ang gawin sa kanya at okay na. Almost half an hour akong naghintay sa kanya at sa wakas ay natapos din, napa ngiti naman ako sa kabuuan nito and Im right!

"You look fresh and handsome bah." I teased him that makes his face turn into a tomato one.

"Nagpupuyat ka ba lagi?" Tanung ko dito ng papalabas na kami ng parlor

"Ha?" Tila bingi nitong tanung

"Ka lalaki mong tao, nauutal ka pa?" Kunot noo kong saad

"Punta tayo ng Condo mo." Pag iiba ko

"Ha?" Diyan na naman tayo sa ha na yan

"Narinig mo naman ako diba? Gusto kong pumunta ng Condo mo."
Pag uulit ko pa

"Why?" He asked again

"Bawal ba? Don't worry hindi kita gagahasain dun maliban nalang kung.. Kusa mong isuko ang sarili mo sakin." Naka ngisi kong sambit na ikika lunok nito

Oh yeah, matakot ka bah, matakot kang mawala ulit ako.

2GETHER and 8FINITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon