Sa nobelang "Tears of Joy", ang magkababatang sina Jer at Vine ay lumaking magkasama ngunit dahil sa isang insidente, kinamuhian ni Jer si Vine kahit na alam nyang lubos syang mahal nito.
Masaklap pa rito'y inibig nya ang babaeng palaging nananakit at nagpapahiya kay Vine at laging kinakampihan ito.
Bukod pa doon, itinakwil ng kanyang mga magulang si Vine dahil siya ang sinisisi ng mga itong may kagagawan ng pagkawala ng isa pa nyang kapatid. Bagamat ganun, patuloy paring naging mabuti sa kanila si Vine kahit na ang totoo'y dinadaing niya ang sakit sa puso...
Sa bandang huli, nanaig ang kapangyarihan ng kanyang lubos na pag-ibig dahilan para sya'y mahalin din ni Jer at ng kaniyang mga magulang at naging masaya silang lahat.
***One Reader's POV
"At badtrip. Sa totoo lang, ayoko talaga ng ganitong klaseng mga nobela..."
😑- (taong nauto ng title na akala ang kwento ay masaya)
"Lalo na kapag kapangalan ko pa ang bida...🤦" (-Divina ang pangalan)
Divina = Vine for short
"And truth be told may mas lalala pa sa sitwasyong ito..."
(Tinutukoy nyang sitwasyon ay yung pagbili niya ng librong 'Tears of Joy' dahil hindi na ito pwedeng ibalik kaya nagtiis syang tapusin ang kwento.)
TRANSMIGRATION + Tears of Joy + Vine
= Napunta ako mundo ng libro at naging si Vine!!! 😱😭😭😭
BINABASA MO ANG
Kapag Naging Kontrabida Ang Bida
RomanceShe was the devil of all tragic story authors. Never had been a fan of any tragedy so once she comes across one... (when she read a novel that she had loved after intense screening to make sure it's not tragic but the plot ends up turning into one...