Matangkad.
Mistiso.
May muscles.
Gwapo.
Ok ok. Kalma muna. Hindi ko kadate to. 😐
Pero naman...
Pagbukas na pagbukas kasi ng pinto tapos eto ang sasalubong sayo. Abah, EHEM 😏 (a/n:parang hindi sinilip kanina ah)
"Uhm, Jer? Anong ginagawa mo dito? 🙂" Oh diba, ang sweet pa nang tono ko dyan.
Kaya naman nang magsasalita na sana siya, tinikom niya ulit yung bibig niya.
Tas bubuka at sasara ang bunganga.
Ang saya-saya~ bumtiyaya bumtiyaya bumyeye.~
Sa ganda ko wala siyang masabi bhe-bhe😜✌️At mukang natauhan siya bigla matapos ang ilang segundong pagtitig. Hah 💁 what can I say, maganda eh.
"Anong--bakit ganyan ang suot mo?" Says the Jer~K. Hehe 😄 genius ko ah, magandang nickname niya yun.
"Bakit may problema ba? May lakad ako." Ganda ko noh?
"P-pero teka--" at huminga muna siya nang malalim na parang kinakalma ang sarili.
"Kanina pa ko katok nang katok at tumawag na din ako sayo, hindi mo ba nadidinig?"Syempre dinig ko asungot. Ayoko lang sagutin.
"Ha? Tumawag ka pala? Sorry, nagmamadali kasi ako ngayon eh 😄. Hindi ko narinig."
Tapos tiningnan niya ko mabuti na para bang sinasabing: Nagmamadali? Kanina pa ko nandito, sa tagal mong iyon, nagmamadali? 😕
Pero syempre wala siyang say nakangiti ako eh na parang sinasabing: May sinasabi ka ba?😄
"Sige na, may lakad pa ko eh." And sinara ko yung pinto at naglakad palampas niya in 3,2,1...
"Saglit." At hinablot ng kumag ang maganda kong braso. 😡 Abah. Ayoko talaga ng hinahawakan ako. I had never dated people. So I am very uncomfortable with any physical contact maliban lang kung magaabot ka ng bayad sa jeep.
Glaring at his hands as if it was something disgusting, I stared daggers at him and inalis ko yung braso ko from his dirty claws sabay nagcross-arms. Wala akong planong makipagplastikan sa kumag na to. Tapos na yung kanina. You can look but not touch.
"Bakit?" Sabay taas ng kilay. Wala akong pake kung isipin niyang hindi ako yung Vine na kababata niya. Tapos na ko makipaglokohan. Hindi naman ako natutuwa dito eh.
Tinitigan niya ko mabuti na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Tama. Hindi nga siya ito.
Ang Vine na kababata mo, hindi ka paghihintayin ng matagal, magiging masayang-masaya kahit na simpleng text lang ang matanggap niya mula sayo. Maghihintay nang pagkatagal-tagal at magtitiis ng mga pang-iinusulto mo at kahit subukan niyang magpaliwanag sayo, ititikom niya na lang ang bibig niya dahil iniisip niyang maiintindihan mo siya balang-araw. Ang Vine na iyon, kahit na nabubully, umiiyak lang sa loob ng kwarto at iniisip parin ang nararamdaman mo--kung saan ka magiging masaya. PWES HINDI AKO YON.
"Vine? An-anong problema mo?" At dun parang naguguluhan na talaga siya sa nakikita niya kasi halata naman di ba?
Di ko siya gusto. Samantalang ang Vine niya, mahal at patay na patay sa kanya.
"Bakit? Ano ba dapat ang problema ko?" Hindi ko na kailangan ng thermometer para sukatin dahil sure akong cold response yun.
Ilang segundo siyang natahimik na para bang binabasa ang isip ko at kinukulatis ako mabuti. From the looks of his face, mukang hindi niya matanggap na ganito siya pakitunguhan ng babaeng patay na patay sa kanya. It's impossible. So he went to another conclusion.
"Sino ka?"
"Bakit sa tingin mo sino ba ko?"
"Hindi ganyan makipagusap sakin si Vine."
"Bakit paano ba ako makipagusap sayo?"
"...."
"Iniisip mo ba na magiging masaya akong makita ka tulad ng dati? Nahulog sa hagdan si Xianne. Sino ang una mong pinuntahan? Sino ang una mong sinisisi?"Sinasabi ko to habang humahakbang ako palapit sa kaniya. Dapat ayon sa storya, siya ang gagawa nito ngayon kay Vine. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto, sampal ang bubungad sa kanya. Tapos mga paninisi. Paninisi na wala namang basehan.
Tapos ngayon para siyang kinuryenteng biglang sumabog sa galit.
"IKAW ang may tanging dahilan para gawin iyon. At hindi ito ang unang beses na nangyari ito!"
"Ah so naging kriminal na kaagad ako dahil lang sa ako yung pinagsusupetsyahan mo?"
"Ikaw lang gumagawa nito! PWEDE BA TANTANAN MO NA--PAKK!!"
And he went stiff.
Ang sarap sa feeling sampalin ang taong wala sa katinuan. Seriously, I should do this often. 😄He stood there unmoving. Shocked. He hadn't expected that. Never from his Vine. Hinding hindi yun gagawin ng Vine niya. But oh well, better wrap this up kundi ako din ang kawawa.
Slowly I got near him. Lumapit konti sa muka niya para makita niya sa mata ko ang katotohanan ng mga ibubulong ko. At saka dahan-dahang nagsalita...
"Tingin mo... Ganun ako kababa para lang makuha ang atensyon mo?" I whispered with a hint of malicious mocking in his ears then I slowly moved away. Then slowly I moved his chin to make him face me.
"Inaamin ko minahal kita. Pero iyon din ang pinakamaling bagay na ginawa ko... Kaya pinagsisisihan kong nagkagusto pa ko sa isang tulad mo alam mo ba yon?!" I stated sounding and looking hurt, with anger like the victim of a betrayal.
Then with made my eyes and voice turning cold I said
"Kung hindi mo ko kayang irespeto at pagkatiwalaan kahit bilang isang kaibigan. Pwes hindi ko na kailangan ang atensyon mo. At hinding-hindi ko na din kailangan ang pagkakaibigan na to!"
Kinuha ko yung singsing na laging tinatabi ni Vine mula nung bata pa siya na ginagamit nila tuwing naglalaro ng kasal-kasalan. Simbolo ito nang pagkakaibigan nilang pangwalang hanggan at binato ko ito sa kanya.
And with pure hate, coldness and malicious mocking I said "Sayo na yan. Wag ka mag-alala. Sisiguraduhin kong hindi na kita maaabala. At sana, ganun ka din."
Ngayon wala na siyang ipangaalaala sayo.
And Walk Out!!! Perfect! 😂😂 With tears pa yun ha.
BINABASA MO ANG
Kapag Naging Kontrabida Ang Bida
RomanceShe was the devil of all tragic story authors. Never had been a fan of any tragedy so once she comes across one... (when she read a novel that she had loved after intense screening to make sure it's not tragic but the plot ends up turning into one...