10.07.10-Continuation

13 0 0
                                    

October 7, 2012. Sunday. 18:40

Dear Diary, 

Simula kahapon, palagi na akong nabubuhay ng may takot. Yung takot na pwede kaming maghiwalay ng mahal ko any time. Natatakot akong mareceive yung sagot niya dun sa tanong ko. Lagi kong hinihintay yung sagot niya pero lagi din akong kinakabahan sa tuwing naiisip ko na iiwan niya na ako. Natatakot akong masaktan. Feeling ko hindi ko makakaya yun. Hindi talaga. Nangako ako sa sarili ko ka kung hindi siya yung makakasama ko, hindi na lang ako magmamahal ulit. I know it's too early for that pero kasi, siyang-siya yung ideal guy ko. I swear he's the one. Ramdam kong siya na yung binigay sa'kin ni Lord na magiging kabiyak ko. Kasi ang dami-dami naming in common, tapos he's been to my hometown, he's half-korean and half-filipino. He's fluent in Tagalog, English and Korean. Di ba? Tapos yung attitude niya, gustung-gusto ko kahit makulit siya. As in. Yun nga pinakagusto ko sa kanya eh, yung pagiging makulit niya. Ang lungkot nga eh kapag matamlay siya tapos tahimik. Nakakapanibago. I love everything about him and I'm taking back everything I've said earlier today. I'M NOT READY TO LET GO OF HIM. I'M REALLY NOT. I love him too much that I can't afford to lose him. I swear I can't. Not talking to him kills me inside. I'm missing him as days passes by. I just want to be with him, that's all. Was that so hard? Lord, siya lang naman po yung gusto kong lalaki eh. Hindi po ba pwede na siya na lang yung magiging asawa ko sa future? Hindi po ba pwedeng ipaubaya at ipahiram Niyo siya sa'kin? Siya lang naman po gusto ko eh. Sana naman po wag Niyo siyang ipagkait sa'kin kasi mahal na mahal ko po siya. Alam Niyo po yan. Hindi ko po maimagine na iba yung mamahalin ko pag hindi po kami nagkatuluyan. Please po Lord, pagbigyan niyo naman po tong wish kong to. Eto lang naman po yung gusto ko eh. Sana po matupad po tong hinihiling ko sa Inyo. Please po Lord. Mahal ko po siya mashado at hindi ko na po kaya siyang pakawalan. Willing po talaga akong mag-sacrifice for him, wag lang siyang magsuffer. Please po Lord, nagmamakaawa po ako sa Inyo.

Sincerely, 

ME.

A Girl's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon