CHAPTER ONE

4 0 0
                                    

PAGSAPIT niya sa syudad ng Baguio,  ay huminto siya sa  tapat ng isang bakery upang bumili ng mineral water bago ipinagtanong kung saan ang daan patungo sa Villa of Pines.

     "Kilala ko ang may-ari nitong Villa, Ineng." sabi ng may-edad na babaeng may-ari ng panaderya.

     "Talaga ho?" nakangiting bulalas ni Shine.

     "Oo Ineng, subalit pribado ang lugar na iyon, Ineng." Sagot ng matanda rito. "At bawal ang turista roon." Dugtung na saad ng matanda.

     "Hindi naman po ako manggugulo sa Villa of Pines at hindi din po ako pipitas, gagalaw o puputol ng puno ng pines. Promise po! Basta sabihin niyo lang po saakin kung paano makakapunta roon." pagmamakaawa nito sa matandang babae.

     "Muka ka naman mabait, Ineng. Bakit ba gusto mong pumunta roon, Ineng?"

     "Magtatago po sana  Mag----" muntik niya ng masambit. "Mamasyal lang po sana. Mayroon po kasing nakapagsabi saaking matandang babae na maganda mamasyal doon."

     "Maganda nga ang Villa'ng iyon, Ineng subalit napaka pribado para sa mga turista."

     "Mahal, sabihin muna kung saan ang daan dito sa magandang dalagita." bulalas ng matandang lalaking kakapasok lang sa loob ng panaderya. "Malayo layo ang Villa'ng iyon dito sa syudad, Ineng. Diretsuhin mo lang iyang kalsadang iyan, Ineng. Dire-diretso lang at may makikita kang  signboard at hindi ka maliligaw."

     "Malayo-layo po talaga?  Mga ilang oras po kaya ang byahe, Manong?"

     "Mga tatlo't kalahati din, Ineng. Kaibigan kaba ni Doc.Thunder?"

     "Hindi ho." sabi niya. Ni hindi ko nga po kilala ang taong iyon.

     "Siya ang may-ari ng Villa of Pines, Ineng."

     "Doctor po ang may-ari?"

     "Oo, Ineng." sagot ng matandang babae. Bakit ba siya laging napapaligirang ng mga Doctor ang kanyang ama, nakakatandang kapatid at lolo ay pawang mga Doctor, siya at ang kanyan Ina lamang ang hindi.

Kung sino man ang Thunder na tinutukoy ng mga ito ay wala siyang pakiilam. Sa mga ngiti ng matandang babae ay parang alam na niya ang iniisip nito. Nagpaalam at nagpasalamat siya sa mga ito at bumalik sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Malayo layo daw ang Villa. "Mahaba-haba na namang byahe ito Shine." bulalas niya sa kanyang sarili.


MAG AAPAT na oras nang bumabiyahe si Shine ay wala pa rin siyang nakikitang signboard na nagsasabing nasa Villa of Pines na siya. What the heck! Akala ba niyay tatlo't kalahati lang ang biyahe patungo sa Villang iyon. Nang napagpasiyahan niyang huminto muna upang makapagpahinga sa pagmamaneho. Pagbaba niya ng kanyang sasakyan ay may namataan siyang signboard na gawa sa plywood at malinaw paring nababasa ang mga katagang Villa of Pines sa kabila ng kumukupas na pintora. Agad sumakay si Shine sa kanyang sasakyan at iniliko ito kung saan nakaturo ang arrow sa signboard.
    
Madilim na ang kaulapan nang makarating siya sa tapat ng gate ng Villa of Pines. Malayo nga ito sa syodad ng Baguio. Bumaba siya sa loob ng kanyang kotse dala-dala ang backpack nito na naglalaman ng kanyang mga gamit. Iniwan nito ang sasakyan sa may tabi at walang atubiling pumasok sa loob ng Villa. Malawak at maraming puno ng pine sa paligid at mayroon din mga ligaw na bulalak na lalong nagpaganda ng kapaligiran.

Gusto pa sana niyang gumala-gala sandali sa Villa pero halata ang pagbabadya ng malakas na ulan at wala siyang dalang payong. "Your such a fool Maria Sunshine, dapat ay nagdala ka ng payong o di kaya'y pinasok mo nalang ang sasakyan mo." bulong niya sa kanyang sarili. "Kailangan munang maghanap ng masisilungan kung hindi, basang sisiw ang labas mo pagnaabutan ka ng malakas na ulan Shine." muling bulong niya sa kanyang sarili. Nagmadali ng naglakad si Shine, hanggang sa makita niya ang isang bahay sa di kalayuan. Doon siya mabilis na nagpunta. Tamang-tama ng pagtapak niya sa front porch ng bahay ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. "Thank God,  di ako naabutan ng ulan." bulong niya sa kanyang sarili.

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon