CHAPTER 4: AMOY NG DUGO ( PART III )

12 13 1
                                    

CHAPTER 4: AMOY NG DUGO ( PART III )

( Albert P.O.V )

Nagising ako sa ingay ng mga bumadaang sasakyan.

Kagabi, matapos ang gulong nangyari sa aming ni Leon, nagpakalayo-layo muna ako para magpalipas ng sama ng loob. Dahil nalidang ako sa pagmamaniho, hindi ko na namalayan nasa labas na pala ako ng San Pablo City. At dahil malalim na ang gabi, nagpasya ako na sa loob na ng kotse magpalipas ng magdamag.

Bumili ako ng almusal sa isang fast food chain. Pagkatapos kumain, nagpasya ako na bumalik sa San Pablo City. At paglilinaw, hindi ako babalik doon para makipagbati kay Leon. Gusto ko lang tapusin ang misyon na ibinigay sa amin, at wala akong pakialam kung ako lang mag-isa gagawa nito.

Habang nagda-drive ako, biglang nag-ring ang aking cellphone – may tumatawag sa akin. Nagtaka ako dahil hindi pamilyar sa akin ang number ng kumatawag. Sino naman kaya ito?

"Hello... Sino ito?" tanong ko ng sagutin ko ang tawag.

"Si Swallow ito, 'yung kaibigan ni Leon. Albert – tama ba? – natatandaan mo ba ako? Nagkakilala tayo doon sa anniversary ng SCI" paliwanag niya.

"Ah oo natatandaan kita. Pero anong dahilan at napatawag ka?"

"Kagabi ko pa kasi tinatawagan si Leon, kaya lang hindi siya sumasagot. Iniisip ko baka busy kayo kaya hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ko, o sadyang ayaw niya lang" sabi niya. "Kung nandiyan siya sa tabi mo, pwede bang ibigay mo sa kaniya ang telepono. Gusto ko kasi siyang makausap ng personal. Importanti lang ang pag-uusapan namin."

"Pasensya na pero hindi kasi kami magkasama ngayon."

"Ganon ba, sige. Pakisabi nalang sa kaniya na tawagan niya ako."

"Makakarating sa kaniya."

Matapos niyang magpaalam ibinaba ko na ang aking cellphone.

Medyo nagtataka ako. Pano kaya nakuha ni Swallow ang number ko? Sinabi kaya 'yon ni Leon sa kaniya? Speaking of Leon, ayaw ko munang marinig ang pangalan niya. Naiirita kasi ako pagnaaalala ko siya, lalo na 'yung mga inasta niya kagabi. Akala mo kung sino siyang magaling.

Nang makabalik sa San Pablo City, agad akong dumiretso sa tinuluyan naming hotel. Nandoon pa kasi ang mga gamit ko.

Ipinarada ko muna sa harap ng hotel ang kotse, pagkatapos tinitigan ko ang basag na salamin nito. Kagabi pa ako hanap ng hanap ng talyer kung saan pwede kong ipaayos ang kotse ito kaya lang wala na akong nakitang bukas, lahat ng pinuntahan ko sarado na. Dapat nga si Leon ang nag-aasikaso nito kasi ang dahilan kung bakit nabasag itong salamin ng kotse. Ang kaso lang pagnalaman ito ni Chief siguradong damay din ako – Nakakainis talaga.

Nagdadalawang-isip pa ako noong una kung papasok ba ako sa hotel. Baka kasi nasa loob si Leon, pero dibali na, hindi ko nalang siya papagsinin.

Pagpasok ko sa entrada ng hotel agad akong binati ng guwardya. Nginitian ko naman siya.

"Sir, kayo lang po ba? Nasaan po 'yung kasama ninyo?" tanong ng guwardya.

"Bakit hindi pa ba siya umuuwi?" at sinagot siya ng isa pang tanong.

Sabi ng guwardya hindi pa raw umuuwi si Leon simula pa kagabi. Ano 'yon? Pinagpatuloy niya ang pangha-hunting ng aswang ng mag-isa. Pero dibali na, at les hindi ko makikita ang pagmumukha niya ngayon.

Pagpasok ko sa tinutuluyan kong kwarto, agad akong pumunta sa banyo. Hinubad ko ang lagi kong suot na gloves at inilapag ito sa lababo. Inilubog ko sa malamig na tubig ang aking mga kamay, pagkatapos, naghilamos ako. Dinampi-dampi ko ng malamig ng bimpo ang aking panga na nananakit pa rin dahil sa mga suntok na tinamo ko ng mag-away kami ni Leon. Pagkatapos noon naligo na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Supernatural Case InvestigationWhere stories live. Discover now