CHAPTER 4: AMOY NG DUGO ( PART I )

16 13 2
                                    

CHAPTER 4: AMOY NG DUGO ( PART I )

Habang nagda-drive si Albert ng kotse, ako naman ay kain lang kain ng burger na binili namin kanina sa isang past food chain.

Habang ngumunguya naalala ko ang bagay na kanina ko pa gustong itanong kay Albert. Gusto ko kasi siyang tanungin kung anong ng rango niya. Dahil baguhan lang si Albert inakala ko na isa lang siya'ng Trainee, pero mukha hindi naman siya Trainee dahil sa ipinapakita niya. Siguro magkaparehas lang kami ng rango.

Kinuha ko ang isang baso ng softdrink at ininom ito gamit ang isang straw.

"Albert ano bang rango mo?" tanong ko.

"Rango ko? Hindi mo ba nakita sa profile ko" sabi niya.

"Gaya ng sinabi ko dati sayo tamad ako magbasa."

Napabuntong-hininga nalang si Albert. "Isa akong Special Agent Level - 3."

Naibuga ko bigla ang iniinom kong softdrink. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko -- Level 3!

"Huwag ka namang magkalat sa kotse ni Chief" reklamo niya. "Bakit parang nagulat ka ng malaman mo ang rango ko?"

"Level 3 ka na? Eh diba baguhan ka pa Lang?!" giit ko.

"Masyado raw kasing advance ang skills ko kaysa sa iba kaya inilagay nila ako sa posisyong ito" sagot ni Albert. "Ikaw, ano ng rango mo?"

"Special Agent Level - 1" pabilong kong sambit.

Dahil sa gulat sa sinabi ko biglang naihinto ni Albert ang sasakyan.

"Ano? Level 1 ka pa lang? Diba dalawang taon ka na sa serbisyong ito, dapat Senior Agent ka na."

"Pwede ba huwag mo ng ipamukha sa aking ang tungkol d'yan" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana, ibinabaling sa iba ang inis ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Level 3 na agad si Albert pero ako matagal na sa serbisyo level 1 pa rin. Nakakainis naman sila! Hindi patas!

Sinabi ko pa naman ang magigi lang pabigat sa akin si Albert dahil akala ko trainee lang siya pero ang totoo mas mataas pa pala ang rango niya sa akin. Hindi talaga patas!

Napatingin nalang si Albert sa akin dahil sinasabunutan ko ang aking sarili.

"Okey ka lang Leon?" tanong niya na mukhang nababahala sa kinikilos ko.

Nang makarating kami sa San Pablo City, agad kaming natungo sa isang morgue kung saan nakalagak ang bangkay ng lalaking natagpuan gutay-gutay ang katawan.

Pagdating namin sa morgue agad kaming nagpakilala bilang pribadong agent ng pamahalaan - dahil sikreto ang tungkol sa S.C.I hindi namin ito pwedeng sabihin sa ibang tao, para na rin sa kapakanan nila.

Sinamahan kami ng imbalsamador sa kwarto kung saan naroroon ang bangkay.

Natulala nalang ako ng makita ang bangkay. Para kasi ito kinawawa talaga. Wala na ang ulo nito, ang kaliwang braso at dalawang paa wala na rin, butas ang dipdip at wala ang puso, tatad ng sugat ang katawan at para pang binalatan at kinain ang laman.

"Grabe naman ang ginawa nila sa lalaking ito" pabilong kong sambit.

"Tingin ninyo po, sino ang gagawa nito?" tanong ni Albert sa imbalsamador.

"Hinala ng mga pulis sindikato ang gumawa nito, at yung mga sugat naman sa buong katawan ng bangkay ay kagagawan ng mga galang aso, may nakita kasi kaming marka ng mga kagat sa bangkay, hindi lang namin alam kung magma-match ito sa ngipin ng aso" paliwanag niya.

Supernatural Case InvestigationWhere stories live. Discover now