CHAPTER 4: AMOY NG DUGO ( PART II )

15 13 1
                                    

CHAPTER 4: AMOY NG DUGO ( PART II )

( Leon P.O.V )

Pumunta ako sa department store na katapat lang ng gas station para bumili ng bagong lighter, mukhang wala na kasing karga ang lighter ko kaya hindi nagumagana. Paglabas ko ng department store, natanaw ko agad si Albert, palakad-lakad lang siya sa harapan ng restaurant at mukhang aligaga. Maya-maya bigla siya nagtungo sa isang maliit na eskenita papunta sa likuran ng restaurant. Dahil nag-aalala ako na baka gumawa ng gulo si Albert agad ko siyang sinundan.

Habang nagtatago sa likuran ng basurahan, pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Nakita ko na binuksan niya ang pintuan sa likud ng restaurant at pumasok rito. Agad ko siya sinundan.

Pagpasok ko sa loob nakita ko si Albert na nakatayo lang at pinagmamasdan ang kumukulong sabaw. Kung ganon ito ang kanilang kusina. Maganda at maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit, malinis ang lugar at hindi mukhang dugyot katulad ng ibang restaurant.

"Albert ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko. "Ang mabuti pa umalis na tayo bago pa may makakita sa atin."

"Sandali lang Leon, may gusto lang ako alamin" sabi niya. Nalakad siya papunta sa isang cabinet at binuklat ito.

"Hay nako Albert, iniisip mo ba na nagtatago sa lugar na ito ang aswang? O iniisip mo na si Jannet ang aswang?" sarkastiko kong tanong.

"Pareho" sagot niya.

"Pero wala tayong ebidensya" sabi ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Ebidensya lang ba? Kung ganon tingnan mo ito." Binuksan niya ang cabinet para ipakita sa akin ang natuklasan niya.

Lumapit ako at tiningnan kung anong nasa loob. Walang ibang laman ang cabinet maliban sa isang bagay. May kung anong bagay na nasa loob. At ng ilapit ko ang aking tingin doon lang naging malinaw sa aking kung ano ang bagay na ito. Isang pala itong "dalire?" Isang ng tao, at sariwa pa ang dugong pumapatak dito.

"Ano, naniniwala ka na ba?" pabilong na tanong ni Albert. Dimampot ni Albert ang dalire at isinilid ito sa isang capsule.

Maya-maya biglang bumukas ang pintuan. Isang matandang lalaki ang pumasok sa kusina. Nabitawan niya ang dala niyang bayong dahil sa gulat ng makita niya kami.

"Sino kayo?! Anong ginagawa ninyo rito?!" sigaw niya.

Lumapit ako sa matanda para pakalmahin siya at sabihin huwag siyang sumigaw pero hindi pa man  ako masyadong nakakalapit sa kaniya bigla na agad niya akong sinuntok sa ilong. Napaatras ako at napahawak sa balikat ni Albert. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko akalaing may lakas pa pala ang matandang ito para manuntok.

"Ano hijo masakit ba? Gusto mo surusuntukan muna tayo rito" panghahamon ng matanda.

"Hanga rin ako sa inyo lolo. Gusto ko sana kayung patulan kaya lang may respe–" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla niya akong sinuntok sa magkabilang pisngi.

"Ano hah, lalaban ka pa?!" sabi ng matanda habang naka-fighting position pa.

"Leon! Huwag mo ng patulan si lolo. Kailangan na nating umalis" sabi ni Albert, at tumakbo siya palabas sa exit door. Dahil tumakas na si Albert wala na akong ibang choose kundi sumunod sa kaniya, kahit na gusto ko pa sanang gantihan ang matandang ito.

"Hoy! Bumalik kayo rito!" sigaw ng matandang lalaki.

Dali-dali kami sumakay sa kotse. Pinaandar agad ni Albert ang kotse at pinaharurot palayo sa lugar.

Pasado ala-shete kami nakarating sa tinutuyan naming hotel. Pagkatapos kong mamumog ng tubig at masigurong wala ng dugo'ng naiwan sa bibig ko lumabas na ako ng banyo. Nagtungon ako sa sala at kinuha ang isang  case. Nasa loob nito ang ilang mga magazine ng baril at mga bala.

Supernatural Case InvestigationWhere stories live. Discover now