CHAPTER 3: BALIK SA DATING GAWI

18 11 1
                                    

CHAPTER 3: BALIK SA DATING GAWI

Nagmamadali kaming pumunta ni Albert sa S.C.I building para makibalita sa mga nangyari.Pagdating namin sa 3rd floor ,hindi namin sinasadyan mapadaan sa office ng grupo ni Swallow na kasalukuyang nagmi-meeting.Nandoon din si Chief at ang Master Agent-in-charge ,si Captain Lucas Salvador.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng office,kabastosan man ang gagawin ko wala na akong pakialam.

Sinudukan pa ni Albert na pigilan ako pero nabigo lang siya.

Pagpasok ko sa loob nabigla siya ng makita ako.

"Leon?"sambit ni Swallow.

"Anong ginagawa mo dito?!"bulyaw ni Captain Lucas."Hindi mo ba nakikitang may pinag-uusapan kaming importante."

Lumapit si Albert sa akin at pilit niya hinihila ako palabas.Nagpupumiglas naman ako.

"Ilabas mo nga ang isang yan dito"pag-uutos ni Captain.

"Hindi okey lang,hayaan mo na ang isang yan.Isa pa lalo yang magwawala pagpinaalit mo siya"kalmadong sambit ni Chief.

"Pero Chief"pagtutol ni Captain.

Itinaas ni Chief ang kaniyang kanang kamay na ang ibig sabihin ay tahimik.

Hindi na nakapalag pa si Captain,nanahimik nalang siya at naupo sa tabi ni Chief.Ganun pa man hindi pa rin nawala ang masamang titig niya sa akin na parang pinanggigilan ang mukha ko.

Hindi ko nalang siya pinansin,sanay na naman ako sa kaniya.Lagi talagang mainit ang ulo ng lalaking ito sa akin - siguro dahil lagi akong tutol sa mga gusto niyang mangyari.

Lumapit ako sa mesa kung nasaan silang lahat.Inilapag ko ang dalawa kong kamay sa mesa at nagsalita.

"Chief ano ng balita sa lalaking namaril kahapon?"seryoso kong tanong.

"Hindi pa siya nahuhuli,wala kasi kaming ideya sa kaniyang pagkakakilanlan.Wala ring fingerprint na naiwan sa baril na ginamit niya,tanging ang peke'ng mukha lang na nakuha mo ang hawak naming ebidensya.Ini-examine na yon sa lab ngayon,baka sakaling may makuha kaming clue tungkol sa totoo niyang pagkatao"paliwanag ni Chief."Itinalaga ko ang grupo ni Swallow sa misyon ito,sila ang tutugis sa lalaking yon."

"Si Director po, kamusta siya?"tanong ni Albert.

"Nasa maayos ng kalagayan si Director Stephen, natanggal na ng mga doktor ang bumango bala sa kaliwang dipdip niya. Sa ngayon nagpapagaling pa ang director" sagot ni Chief.

Nag-uusap pa sana sina Albert at Chief ng bigla akong sumingi sa usapan nila.

"Chief gusto kung tumulong,italaga ninyo rin kami ni Albert sa misyon ito."mukahe ko.

"Hindi pwede"agad na pagtutol ni Captain."May ibang misyon kayo'ng gagawin dalawa."

"Pero Captain kailangan kong makausap ang lalaking yon,siya lang ang makakapagturo kung nasaan si Bartholomew Cross!"paliwanag ko.

"Kung ganon si Cross pala ang dahilan kung bakit intirisado ka sa lalaking iyon"sabi ni Chief na nakatitig sa mga mata ko na parang nababasa niya ang nasa isip ko ngayon."Pasensya na talaga Leon pero hindi ka namin pwedeng pagbigyan sa gusto mo."

"Bakit naman Chief ?!"

Biglang tumahimik ang lahat.Walang nagsasalita sa kanila, hanggang sa basagin ni Captain ang katahimikan.

"Ang mabuti pa lumabas na kayo"sabi niya na parang nagtitimpi.

Hinila ni Albert ang kamay ko palabas,pero bago kami makarating sa pinto nagpumiglas uli ako.Sapilitan ko inalis ang kamay ni Albert sa kamay ko at nagsalita."Bakit ba ayaw ninyo ako payagan?!"Bakas na sa boses ko ang pakainis.

Supernatural Case InvestigationWhere stories live. Discover now