Chapter 1

16 2 0
                                    


"Grace bilis na, ang bagal mo maglakad," sigaw ni Freya na isa sa mga kaibigan ko.

Nasa isang bundok kami ngayon at naghi-hiking. Sa tingin ko ay mga apat na oras na kami dito at hindi pa rin namin nakikita ang sinasabi nilang falls.

Binilisan ko na lang ang paglalakad para makahabol ako sa kanila.

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. Sina Freya, Brandon at Hanny. Apat lang kaming magkakaibigan at dahil summer ngayon, naisipan naming magbonding at ito na nga ang naisip namin.

"Sa'n ba kasi 'yang falls na sinasabi mo Brandon," sabi ni Hanny habang naglalakad at bahagyang umiiwas sa mga sangang nakaharang sa daanan nya.

Tinitingnan ni Brandon ang compass na nasa kamay nya. "Basta, magugulat ka na lang pagnakita mo." Sya ngayon ang gumagabay sa amin habang nakasunod lang kaming tatlo sa kanya.

"Sabi nga dun sa blog ni Sam, mga dalawang oras daw sya at 'yong mga kasama nyang naglakad bago nila natagpuan 'yong falls," sabi nya pa at proud na proud na binahagi sa amin ang experience ng favorite nyang blogger na si Samantha.

Sikat si Samantha sa mga ginagawa nyang blogs. Isa syang hiker at mahilig mag explore ng mga bagong lugar na nakikita nya. Nakakalungkot nga lang na mahigit 3 weeks na syang hindi nagpo-post ng mga bago nyang updates kasi nga nasa vacation daw sya ngayong summer.

Eksaktong twelve o clock nang umaga kami nagsimulang umakyat sa bundok. Hindi na kami nagpaumaga kasi nga akala namin ay dalawang oras lang talaga ang itatagal at makakapunta na kami sa falls na 'yon, but it looks like naliligaw na kami.

"Wait guys, baka nagkamali lang tayo ng daanan, malay nyo baka may pathway talaga papunta dun sa falls pero hindi na nilagay ni Sam sa blog nya para ma surprise 'yong mga mag ta-try na pumunta." Tumalikod na si Hanny at maglalakad na sana para bumalik sa dinaanan namin kanina.

"Sabi dun sa blog, diretso lang daw tayo sa north, kaya, tara na guys. Ang KJ nyo eh, malay nyo baka malapit na talaga tayo," sabi ni Brandon at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala namang nagawa si Hanny at sumunod na lang sa amin.

Wala namang problema sa akin ang lahat, I trust Brandon at kung sakali mang abutin kami ng gabi, edi, mas masaya 'yun at naexperience na din namin sa wakas ang totoong hiking. May dala naman kaming mga gamit kaya no problem.

---
1 hour later

"Alam nyo guys, suko na talaga ako." Tumigil sa paglalakad si Freya at tinaas pa ang mga kamay.


"Look guys, four fifty-five na, didilim na mamaya," sabi ni Hanny at nilibot ang tingin sa paligid.

Halata namang napaisip si Brandon. Ngayon nya pa siguro narealize na mali ang blog ni Samantha or kami lang talaga ang hindi sumunod sa directions.

"Ano nang plano natin ngayon Brandon?" tanong ko at binaba sa lupa ang malaki kong backpack. Ini- stretch ko ang mga braso ko dahil ramdam ko ang pananakit ng mga ito dahil sa matagal na oras na paglalakad.

Ginala ni Brandon ang paningin nya sa buong lugar na para bang may hinahanap.

Inutusan nya kami ni Freya na i-set na ang tent at umalis silang dalawa ni Hanny para maghakot ng mga kahoy dahil gagawa raw sya ng bonfire.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin namin ni Freya ang pag s-set sa mga tent namin. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid at sakto namang dumating na sina Brandon at Hanny pero nagtaka kami nang wala man lang silang dala.

Patakbong lumapit si Hanny sa direksyon namin. "Guys, may nahanap kaming bahay."

"At guess what, mukhang wala nang nakatira doon," sabi ni Brandon na parang papalakpak na sa sobrang tuwa.

18th People (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon