Chapter 2

7 2 0
                                    


Sya yung lalaki sa video. Nakatingin sya ng seryoso sa amin habang nakahawak ng mahigpit sa kutsilyo na nasa kanan nyang kamay.

Tumayo si Brandon at biglang sinugod ang lalaki ngunit itinulak lang sya nito at natumba sya sa harap namin. Nilapitan sya ng lalaki at winasiwas ang kutsilyo sa katawan nya na para bang isang artist na gumagawa ng isang abstract painting.

Napako ang mga mata ko sa kanila, hindi ako makagalaw. Rinig na rinig ko kung paano sumigaw sa sakit si Brandon at kung paano nya pilit na pinapatigil ang lalaki ngunit wala syang nagawa.

"Mukhang masarap ang pagkain namin bukas," lintaya ng lalaki habang nakangisi at patuloy lang sa pagwasiwas ng kutsilyo sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Brandon.

Nang hindi na gumalaw ang kaibigan ko ay mabilisan syang lumapit sa amin at hinatak na lang bigla si Freya. Hinawakan nya ito sa kamay ngunit nagpupumilit ang kaibigan ko. Wala sa sarili ko syang inagaw mula sa lalaki.

"Huwag please, 'wag mo kaming saktan." Nakahawak din si Hanny sa kabilang kamay ni Freya habang umiiyak.

Malaki ang katawan ng lalaki kaya walang kahirap hirap nyang hinila pa nang malakas ang kamay ni Freya sabay tinutok ang kutsilyo nya doon at  pinutol ang kamay ng kaibigan ko na parang isang lubid lang.

Napasigaw sa sakit si Freya at sumirit ang dugo mula sa naputol nyang kamay. Kitang kita ko kung paano kabilis ang pag iiba sa kulay ng bedsheet na dati ay puti pa.

"Ayaw nyo syang ibigay, hati na lang tayo." Hawak hawak ng lalaki ang naputol na kamay ni Freya na bahagyang nanginginig pa ang mga daliri.

Hinawakan nya sa buhok si Hanny at tinutok sa leeg nito ang kutsilyo. "Patahimikin mo 'yang kaibigan mo kung ayaw mong tuluyan ko itong isa mong kaibigan!" sigaw nya sa akin. Agad naman akong kumilos at pilit na tinatakpan ng kamay ko ang bibig ni Freya na hindi pa rin tumitigil sa pagsigaw.

Ngunit hindi ito sapat upang matahimik sya.

Nilaslas nya ang leeg ni Hanny at mas dinidiin nya pa sa bawat pagpalahaw ni Freya. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang at pakinggan ang masakit na sigaw ng mga kaibigan ko.

Tinakpan ko pa ng isa kong kamay ang bibig ni Freya ngunit huli na ito dahil laslas na ang leeg ni Hanny at hindi na sya sumisigaw.

Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit sya namatay.

Mga ilang segundo lang din nang tumigil na si Freya sa kakasigaw at hindi na sya nagpupumiglas.

"Pinatay mo sila!" sigaw sa akin ng lalaki at binitawan si Hanny. Bumagsak ang kaibigan ko sa lupa na parang isang lantang gulay.

Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pag-iyak. Puno ng dugo ang katawan ko, ganun din ang kama at ang damit lalaki.

Bigla nyang hinawakan ang paa ko at hinila ako palabas ng kwarto. Sigaw ako ng sigaw at pilit ko syang sinisipa ngunit wala pa ring akong nagawa.

Kumapit ako sa pintuan para patigilin sya pero hinila nya lang ng malakas ang paa ko at mabilis kong nabitawan ang pintuan. Parang nabali na ang mga kamay ko sa ginawa nya.

Nasa hagdan na kami at wala syang paki-alam kahit na napapalo ang ulo ko sa bawat pagbaba nya.

Sobrang sakit. Nanghihina na ang katawan ko at wala na akong lakas para sumigaw o gumalaw man lang. Nang makababa na sya ay hinagis nya ako ng malakas sa sahig.

Pakiramdam ko ay nabasag ang bungo ko sa lakas ng pagkasalampak ng ulo ko ngunit nag ipon ako ng lakas upang makatakas, nasa harapan ko lang ang pintuan palabas ng bahay.

Sinubukan kong tumayo ng dahan dahan at nang mabalance ko na ang katawan ko ay tumakbo ako ng mabilis.

Ngunit ang bilis na 'yon ay hindi sapat.

Naramdaman ko nanaman sa paa ko ang kamay na pamilyar sa akin. Hinila nya papasok sa bahay ang paa ko at ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit nang tumama ang mukha ko sa edge ng pintuan.

Nagpumiglas ako at hinayaan lang ang likido na unti-unting dumadaloy mula sa noo ko. Humarap ako sa kanya at nag ipon ulit ng lakas para sipain ang kamay nya na nakahawak sa paa ko.

Nabitawan nya ito at dali dali akong lumabas. Medyo nahihilo ako ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalayo ako sa kanya.

Napahiga ako sa lupa, bigla na lang akong natumba at ilang segundo bago ko naramdaman ang isang mainit, maliit at matigas na bagay na nasa kaliwang balikat ko.

Hinawakan ko ito at tiningnan. May dugo. Dun ko lang naramdaman ang sobrang pagkirot ng balikat ko na bumabalot sa buo kong katawan.

Nabaril ako.

Naging blur ang paningin ko at mas lumala pa ang aking pagkahilo. Tiningnan ko muna ang direksyon kung saan ko narinig ang pagputok bago sumara ang mga mata ko.

Nakita ko doon ang isang matandang lalaki na may hawak ng isang pistol at nakangiti sa akin.

---

Wakas

18th People (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon