Mind Trip

168 10 8
                                    

Mind Trip, ito ay hindi basta-bastang trip lang. Paano?

Random question, if you don't mind answering this, ano ang unang pumapasok sa isipan niyo matapos basahin ang title nating 'Mind Trip'?

×.×.×.×.×

Mind Trip (Short Story)

Icy

Nilapitan ko ang lalaking nakaupo sa may bench. Nakatungo lang siya at hula ko ito ay nag-iisa. Lumapit ako sa kanya na nakakrus ang dalawang daliri. Humahangad na mapansin niya ang isang Icy na lihim na humahanga sa kanya. It's as if my dream finally came true. Na makalapit sa kanya at ngayon nga kausapin siya.

Umupo ako sa tabi niya at kahit awkward man nagbabasakali na lamang ako. Walang imik ko munang pinakiramdaman ang nangyayari. Tunog lang ng mga taong lumalakad paroo't parito. Mga tunog ng pagtakbo, paghingi ng limos, usap sa telepono, pagchi-chismisan at ano pa.

Lumingon ako sa lalaking katabi ko na nakatungo pa rin. Huminga ako ng malalim bago binuga 'yon. Nakakakaba rin pala. Napatingin ako sa unahan.

Paano ako napunta sa tabi niya at bigla-biglang napagdesisyonan na kausapin siya?

Simply, because I want to know him and get close to him. Alam kong sobrang babaw lang ng rason kong ito but for almost four years of admiring this guy and finally got the courage to sit beside him and maybe talk to him. I think I'll take this shot.

Napakamao ako. But I'm not strong enough. I'm coward like what I truly am. Coward.

Huminga ulit ako ng hangin at kasabay ng pagbuga no'n ay tumayo na ako. Mas maganda naman sigurong 'wag kong pahiyain ang sarili ko. Mas magandang wala rin akong gagawin para kahit papaano hindi siya mailang sa akin. Makokontento na lang sa pagnanakaw ng tingin sa kanya.

Magsisimula na sana akong humakbang kaso napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"W-Wait. Kilala kita. N-Natatandaan kita."

Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakatayo at nakatingin din sa akin. Ang kanyang mga mata na kahit ang ganda ng korte at nakakahipnotismong tsokolateng kulay ay halata namang puyat na puyat at may pinagdadaanan. Napakunot ang noo ko sa kanyang pahayag. Tinamaan din ako ng matinding kaba. Kilala niya ako?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Naalala kita."

"N-Naalala?" Hindi maari. Sinisigurado kong sa tuwing tumitingin ako sa kanya ay hindi niya ako mahahalata. Paano niya ako maaalala? Napapansin kaya niya ang panaka-naka kong pagtitig sa kanya sa loob ng tren?

"I-Ikaw 'yong babaeng kasama ko noon."

Lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Babaeng kasama niya noon? Paano naman mangyayari 'yon e ngayon niya lang ako napansin at nakausap. Paano? At bakit ganito ang kilos niya?

Naririnig ko na ang malakas na tunog ng riles ng tren hudyat na papalapit na ito rito. Ang tren na sasakyan ko pauwi na sasakyan rin niya papuntang ewan ko kung saan.

Napakunot ang noo ko sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang ulo niya at umupo pero hindi sagad sa lupa. Malakas siyang sumigaw na siyang dahilan upang magulat ako at pati na rin ang mga taong nasa paligid namin.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam! Wala akong natatandaan!"

Nagulantang ang lahat ng pagkatao ko sa kanyang sinabi. W-Wala siyang natatandaan? 'Di kaya... 'Di kaya may amnesia siya? Totoo ba 'tong hinala ko?

×.×.×.×.×

Short! I know. I already have the plot about this, it's twisted actually but don't expect too high. 'Yan ah, nakabold na 'yan. Hehe.

Favor lang...|Comment| naman kayo at saka|Vote|na rin. |Thanks for reading.|

Mind Trip (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon