Mind Trip- part 3

88 9 10
                                    

continuation…

Nandito na kami sa train station nakalabas naman kaagad kami sa ospital dahil kahit may amnesia si Ivan at pasa na malapit na ring mawala, wala namang iba pang iniinda si Ivan, kaya kaagad kaming napahintulutan ng doktor na lumabas. Pero bago 'yon ay pinagbilinan niya muna kami na pumunta daw sa mga polis. Umoo naman kami kaagad para wala nang hassle.

Nakatayo lang ako sa tabi niya habang inoobserba si Ivan na panay lingon at tingin sa mga taong palakad-balik at usually sa mga upuan.

Narinig ko na ang mga ugong at ingay mula sa tren hudyat na paparating na ito. Kinalabit ko siya. Nag-alala ako, papalapit na kasi ang tren at nasa may yellow line siya nakatapak baka mahagit siya o matamaan. Ewan ko kung ano ang rason niya kung bakit doon siya pumwesto. Ito naman kasi palagi ang napapansin ko sa kanya noon pa. Pero akalain mo nga naman ang hobby niyang 'to ay nananatili pa rin kahit na wala siyang naaalala.

"Papalapit na ang tren baka mahagip ka."

"Oo salamat. Papasok tayo?"

"Oo at hahanapin natin ang upuang sinasabi mo baka kung mahanap natin 'yon ay may maalala ka."

"Okay."

Tumigil ang tren sa harap namin, bumukas ang pinto at doon parang may kung anong alon ang bumungad sa amin. Unti-unti akong napapatulak at napapalayo kay Ivan. Napapikit ako nang may umapak sa paa ko. Ang sakit tsaka subrang naipit na talaga ako at tuluyan pa akong naitulak kaya mas lalo akong napapikit. Mawawala pa yata ako. Nako, sayang sa oras nito.

"Icy!"

Napadilat ako at naramdaman ang kamay na humawak sa braso ko. Nakita ko siyang nag-aalala sa akin.

"Humawak ka lang sa akin," sabi niya tapos tumingin sa harap. "Padaan!! Padaan kami!" sabi niya at hinatak na ako papasok sa tren. Sa panahon na iyon nakatingin lang ako sa likod niya at kung paano niya ako hinahawakan sa braso. Kumabog ng malakas ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib at oo ramdam na ramdam ko ang pagtibok nito ng malakas. Napatingin din ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko yung tyan ko hindi ko na maipaliwanag.

"So saan tayo?" tanong niya. Doon ako parang nagising. Akala ko guni-guni 'yong nangyari pero totoo pala. Ang saya saya ko!

Napatingin ako sa kanya. Para naman akong nakonsensya heto ako masayang-masaya samantalang siya e hindi na alam ang gagawin maibalik lang 'yong alaala niya. Hindi man siya vocal pero halata naman.

"E huh?" napatanga ako.

Ako yata ang dapat magtanong sa iyo e! Napakamot ako sa ulo ko. Ay oo nga tanga wala pala siyang memorya. Napatawa naman ako sa kakagahan ko.

"Ano… sa usual seat mo," sabi ko sabay turo sa may unahan pa. Tumango siya. Sinimulan na naming maglakad papunta doon. Tinatahak namin ang lugar ng walang binabanggang tao. Sa dami ba namang taong lumabas kanina ay siya namang kaunti ang sumakay. Maganda na rin 'to sa katunayan nga minsan lang ito mangyari. Himala kung ituring.

So iyon nga, 'yong usual seat na sinasabi ko? Ito kasing si Ivan hindi talaga pumapalit ng pwesto kahit meron nang nakaupo doon tatayo siya sa harapan ng upuan. Kung merong nakaupo at may nakatayo ay maghahanap siya ng pwesto basta malapit lang talaga siya sa upuan o makikita niya lang sa lugar na kanyang kinatatayuan. Weird nga e pero ewan parang espesyal sa kanya ang upuan. Dati nga gusto kong mainggit doon sa naturang bagay.

"Dito oh," sabi ko sabay turo. Umupo naman siya kaya sumunod na rin ako. Sana may matatandaan siya. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakaisang linya lang ang kanyang mga kilay.

"May naalala ka na?"

Umiling siya kaya napatango nalang ako. Ilang minuto ang nakalipas tahimik lamang siya kaya sinabayan ko nalang din. Nagsimula na ring tumakbo ang tren na kapwa kaming hindi nagkakaimikan. Nakatingin lang si Ivan sa labas ng bintana na parang pinapamilyar ang mga lugar na dadaan. Kinuha ko na lamang ang earphones ko at pumikit.

Mind Trip (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon