Mind Trip- part 2

97 7 9
                                    

Nakatulala lang ako sa harapan niya. Tinitingnan ang bawat paghinga na kanyang ginagawa. Lalo akong napalumbaba no'ng nakita ko ang mga mata niya na nakapikit pa rin.

Nawalan siya ng malay matapos niyang magwala sandali roon sa train station. Naguguluhan man ako sa oras na 'yon may hinala naman ako kung anong pwedeng ipahiwatig sa kanyang inasta kanina. As a medical student at anak ng isang neurologist agad kong natantong may mali sa utak niya. Dali-dali akong napatawag sa malapit na hospital at agad naman siyang naisugod.

Umupo ako ng direkta at inalala ang sinabi ng doktor na tumingin sa kanya. Sabi niya may temporary loss of memory daw siya. Pero kahit sabing temporary 'yon walang kasiguraduhan kung kailan babalik ang kanyang memorya. Pwedeng ilang araw, linggo, buwan o taon ang aabutin kung gano'n nga. Anong gagawin ko? Kung i-report kaya sa polis tiyak makakatulong sila.

Napalingon ako sa bandang ulohan ng kama dahil sa narinig kong ungol mula sa taong nakahiga sa harapan ko. Nabuhayan ako ng loob matapos kong makita na gumagalaw ang kanyang mga mata. Salamat naman sa Diyos at gising na siya. Lumapit ako sa kanya ng kaunti.

"Okay ka lang?" mahinahong tanong ko. Tumingin siya sa akin na parang enaksamina ang bawat anggulo ng mukha ko. Nakaramdam ako ng kaunting ilang kaya parang uminit ang aking mukha. Hindi kasi ako sanay na may tumitingin sa akin ng gano'n at sabayan mo pa na may lihim akong pagtingin sa kanya.

"B-bakit ako nandito? 'Di ba nasa station一 argh!" Sabay hawak niya sa ulo niya. Napahawak naman ako sa kamay niya dahil sa gulat at reflexes yata. Gano'n ako sa mga kaibigan ko at kay kuya kaso noon 'yon. Napatingin ako sa kanya kaya mahina ko siyang binitawan at pasimpleng iniwas ang aking mga mata mula sa pagtingin sa kanya. Nakakailang!

Dinaanan ko siya ng tingin at pagkatapos makitang nakatingin siya sa akin ay mataman ko itong nginitian. Hindi ko muna papansin itong puso kong panay talbog ang ginagawa ang dapat ko munang unahin ay ang kalagayan niya. Alam kong kailangan nito ng aking tulong.

"Huminahon ka. Kailangan mong huminahon," sabi ko.

Napahawak siya sa ulo niya ngunit kahit hindi siya umuungol ay kitang-kita naman sa mukha niya ang sakit na kangyang nararamdaman at pagkalito. Lumayo ako at napatingin lang sa kanya. Normal na magkakaganito ang pasyente na may amnesia. Sabi nga ni papa noon may posibilidad na bumabalik ang alala naturang pasyente. H-hindi kaya...

Nakikita kong unti-unting nawawala ang pagkakunot ng noo niya at mahigpit na ekspresyon sa mukha. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Inusog ko ang aking upuan upang mas lalo akong makalapit sa kanya. May sasabihin ako sa kanya at siguradong makakatulong ito sa nalilitong pag-iisip niya.

"A-ang sakit ng ulo ko."

"Normal lang yan, Ivan."

"Ivan?" tanong niya sa akin. "'Yan ba pangalan ko?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot sa kanyang tanong. Sa loob ng apat na taong lihim na humahanga sa kanya minsan maririnig ko ang mga makakausap niya sa telepono o 'di kaya'y sa tren. Hindi man pwede pero hindi ko maiwasan. 'Yong Ivan na tinawag ko sa kanya ay kampanteng-kampante ako na 'yon ang pangalan niya. Saka kahit papaano rin may isang bagay naman siyang alam sa pagkatao niya.

"Bakit wala akong maalala? Wala akong natatandaan sa nakaraan ko. Saka sino ka? Ikaw ba 'yong babaeng 'yon?"

"H-huh? Babaeng 'yon? K-kanina lang tayo nagkakilala Ivan at saka pwede mo akong tawaging Icy kung gusto mo."

"Icy?"

"Oo," sabi ko at ngumiti. Ang sarap pakinggap mula sa bibig niya ang pagbigkas ng pangalan ko. Gusto ko nalang ngayon ay ipaulit sa kanya ang sinabi niya kanina ngunit kahibangan na iyon. At isa pa hindi nga pwedeng 'yon ang aatupagin ko kailangan ko pa syang tulungan. "Pero wala kang natatandaan 'di ba?"

"Oo. Pero may larawan akong... nakikita? Ngunit blur ang mga 'yon. Ilang araw na rin akong nalilito."

"Ivan..." Bumuntong hininga ako. "May amnesia ka kaya wala kang natatandaan at nandito ako para tulungan ka."

"Amnesia? P-paano…?" Tiningnan niya ako pero umiling lang ako sabay pikit pagkatapos. Napakamalas ko naman kasi ngayon na nga lang ako lumapit at makipagkaibigan sa kanya heto naman at may sakit siya. Pero kaawawa siya kitang-kita sa mga mata niya na gusto niyang ibalik muli ang bagay na nawala sa kanya.

"Pasensya na hindi ako makakasagot diyan kaso lang no'ng natutulog ka may napansin akong mga pasa sa braso mo. May ilang sugat na mataas din sa may noo kaso unting-unti na iyong gumagaling. Hula ko ilang araw kang gumagala na walang natatandaan, tama ba?"

"Oo... yata. Kaso hindi ko natatandaan."

"Okay lang 'yan. Naitanong ko na rin pala sa doktor kung ano 'yong mga pasang nasa katawan mo at kung may koneksyon ba."

"T-tapos? Ano daw sabi?"

"Baka daw sa araw na nawalan ka ng memorya bago 'yon may nangyaring masama sa iyo. Baka daw nasangkot ka sa gulo at nabagok ang ulo mo kung saan. Tsaka sabi ko nga sa 'yo gusto kitang tulungan kaya kung maging maayos na ang pakiramdam mo at pwede na tayong i-release. Sasamahan kita sa polisya. Doon tayo hihingi ng tulong."

"Pero... pero 'di ba sabi mo baka nasangkot ako sa gulo kaya nawalan ako ng memorya ayos lang ba talaga na pumunta tayo na ganito ang lagay ko?"

Napahinto naman ako roon. Oo nga 'no? Baka kaysa na matulungan ko si Ivan ay mas lalong maguguluhan lang ang utak niya sa pagtatanong ng mga otoridad na wala namang mapapala kasi wala nga siyang natatandaan.

"Ah sige mas maganda sigurong tulungan muna kitang ibalik ang alaala mo. Teka sa sinabi mo kaninang larawan anong nakikita mo roon? May nakikita kang pwede nating mapakinabangan?" tanong ko. Tumingin siya sa akin ng diretso at kahit naiilang ako nilakasan ko na lamang ang loob ko para matingnan siya ng diretso rin.

"Meron."

"Ano 'yon?!" malalaki ang mga matang sabi ko.

Halo-halong excitement, saya, gulat, at lungkot. Excitement kasi ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong pasyente without any consent or companion with any professor or blockmate. Ako lang. Masaya kasi pwedeng maalala na niya ang lahat at hindi na mahihirapan. Gulat kasi ang dali lang at naalala niya na pala kasama na rin pala ang pagkahinayang doon. Lungkot kasi pwedeng hindi na naman niya ako pansinin at magiging invisible na naman ako.

"Anong natatandaan mo?"

"M-may ano… nakikita akong upuan. Mga upuan kagaya sa loob ng tren."

"Ng tren?"

"O-oo."

Kung 'yong tren ang ibig niyang sabihin maaring isa 'yon sa mga importanteng bagay sa kanya kasi 'yon agad ang natatandaan niya. Sabagay din apat na taon na rin noong nakita ko siya doon at pwedeng gamit gamit niya na ang tren bilang transportasyon kung saan man siya pupunya noon pa man. Posible rin sa oras na napasigaw at naging histerikal siya sa train station ay dahil nagtrigger ang utak niya sa pag-aalala sa tunog ng tren na papalapit.

Pero ang tanong bakit doon sa tren specifically sa upuan. Anong meron doon? Ugh! Tinatanong ko ang sarili ko ngunit kahit anong gawin ko walang sagot ang lalabas mula sa akin. Pangalan lamang ang alam ko ni hindi ko nga alam kung ano ang apelyido niya so basically hindi ko talaga siya kilala.

"S-sige. Pagmakalabas na tayo rito punta tayo doon. Baka may maalala ka kung pupunta tayo."

"Maraming salamat."

Napangiti ako at tumango. "Wala yon," sagot ko. Nakita ko siyang ngumiti kaya lalo akong napangiti. Kahit anong mangyari tutulungan ko siya. Tutulungan ko si Ivan na maibalik ang alaala niya kahit na pagkatapos nito ang presensya ko naman ang hindi niya maalala.

to be continued...

Mind Trip (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon