Mind Trip -EnD-

113 11 18
                                    

continuation...

It was so sudden. Magsasalita pa sana siya kaso bigla siyang nawalan ng panimbang at sabay ng pagbagsak ng katawan niya sa lupa ay siya namang pagkawala ng kanyang malay. I was so afraid baka natamaan ang ulo niya or something. Baka lalong lumala hindi maaring mangyari 'yon. I heard a lot of murmurs. Later I knew lots of people started to make a crowd.

"Please, tulong. Tumawag kayo ng ambulansya," sabi ko. Nagmamakaawa. I know I'm not really obligned to take care of Ivan like this. Acting like his girlfriend or such even though we aren't really in that kind of relationship but I feel that he needs me. That I need to help him. Help from a stranger but for me I considered myself as a friend of him. A friend he needs rights now. A friend that will help him.

"Paparating na ang tulong hija. Huminahon ka na," sabi ng manong at lumapit na akin. I felt a little relieved when he slowly patted my back. A little comforting gesture won't hurt kahit stranger pa 'yon. At least they know how to show sympathy to their own kind.

May narinig akong sirena then came after that I saw a white car with red lights flickering above it.

"Anong nangyari?" tanong ng lalaking nakawhite uniform. Nakalapit na siya sa amin taranta ito at may kasama pa siyang dalawa na nakahawak sa isang stretcher both sides.

"He collapsed," sabi ko habol hininga. Still now kinakabahan ako.

"He just collapsed?"

Napatingin ako sa kanya and there I saw his eyes. Hindi siya makapaniwala gusto ko siyang saktan. Sobra! It's not just just!

"Pwede bang gawin mo nalang ang trabaho mo?!" bulyaw ko. 'Yon naman parang natauhan siya. Hindi ko maimagine na may ganyang tao na nag-tratrabaho sa ospital. People who works there needs to think first to their patient before anything else. Nakakahiya siya. Kaya nga tinawagan siya kasi kailangan siya.

Nawala naman ang inis ko ng maihatid si Ivan sa ospital ng walang nangyaring masama. Ngayon nasa tabi ako ng higaan niya. Room na siya lang ang gumagamit. Private kum baga.

Napalingon ako matapos kong madinig ang pagcreak ng pinto. Bumubukas ito at hula ko may nurse na papasok para tingnan ang kalagayan ni Ivan. He's still unconcious though but he's now okoy.

"Mr. Tiago?" the doctor asked. True may mga nurses na pumasok pero kasunod nila ay isang doctor pala. Tumayo ako as a respect and welcome him a timid smile.

"Yes doc."

"Oh right. Sabi mo bigla siyang nagcollapsed and by your suggestion na kumuha ng CT scan. Yes, nakita kong may temporary loss of memory nga siya. Tama ka nga doon ija pero sa pagcollapsed niya. Don't worry it's a sign na unti-unting bumabalik ang mga alaala niya. 'Yon kasi ang kadalasang nangyayari but lets just pray. For now, maghintay nalanh tayo," he said. Tumango ako. He gave me a warm smile kaya ngumiti ako. Nag-usap usap kami ng kaunti at pagkatapos iniwan na rin niya ako. Umubob ako sa tabi ni Ivan pero nakatingin ako sa mukha niyang payapang nakapikit at natutulog. Naramdaman kong tumibok ang puso ko ng subrang bilis. Crush ko siya noon, oo. Pero ngayon parang nalilito ako. Crush o more than that? I don't know. Unti-unting pinikit ko ang mga mata ko and just then I fell into the dark.

===

PAGMULAT ko ganoon pa rin ang posisyon ko pero may nakatalukbong na sa akin na kumot. Napatingin ako kay Ivan pero pagkatapos doon napatayo ako ng direkta. Napatingin ako sa may paanan ng higaan and there may nakatuping uniform ng pampasyente. Bigla akong kinabahan.

Ivan!

I directly went to the desk kung saan may mga nurse na nakaduty. I asked them but to no avail I failed. Napatingin ako sa orasan na nakadikit lang sa dingding. 4:36 palang ng umaga at hindi pa nga lumalabas ang araw e. Saan kaya 'yon pumunta? Sinabihan ko sila at umokay naman sila na tulungan ako. Lumabas ako sa ospital hoping na makita siya. Pagtingin ko sa kabilang daan bumungad sa akin ang pangalan ng lugar na nakalagay sa taas ng mga shrub na kitang-kita na alaga ito sa gupit. Sa likod nito ay may plaza na bukas sa public araw man o gabi at may parte doon na may playground. Napatingin ako sa kabilang gilid. Walang sasakyan. Ewan parang feel ko na nandoon siya. Tumawid ako nang makitang walang sasakyan ang tumatakbo mula sa magkabilang daan. Naghanap-hanap ako sa lugar at maski may pagkamalawak iyon hindi ako sumuko.

Mind Trip (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon