Ken’s P.O.V
Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. kamukhang-kamukha niya talaga si Julia, ang kaibahan nga lang, si Julia dalagang-dalaga. Itong isang to lalaking-lalaki. Si Julia mahinhin eto makabasag pinggan. Si Julia mala maria clara, etong isang to mala Adonis. Haaay. Pero talagang magkamukha silang dalawa. Kahit saang anggulo mo tingnan. Juliang Julia.
“Hijo eto ng order mo.”
“ahh ehh salamat po Ma’am”
“nako wag mo na akong ma’am-in. Lola Carmela na laang. Ako ang lola ni Jam. Teka nga Hijo san ba kayo nagkakilala ng apo ko? ngayon lang kita nakita eeh”
“nakita ko po si Jam kanina sa may kalsada.”
“ano namang ginagawa ni Jam sa kalsada?”
“may nakaaway po siya nun”
“Hijo, nakipagbasag-ulo ba ang apo ko kanina?”
“ahh ehh opo.”
“lokong bata to. Sabi niya di siya nakipag-away. JAMINICAAAAA.”
O________O ako yan. Nagulat lang naman ako sa pagsigaw ni Lola Carmela.
“Bakit La?”
“sabi mo di ka nakipag-away kanina.”
“ahh ehh oo nga po.”
“bakit sabi nitong si Hijo nakita ka daw niyang may kaaway at nakipagbasag-ulo ka pa daw.”
“ahh ehh Lola…” sabay tingin sakin ni Jam.
Parang ganto ohh. >: - <
Hala. Ano na namang ginawa ko?
“Jaminica sinabi ko na sayong wag na wag ka ng makikipag-away”
“pero lola si BullDog ang nagsimula nun.”
“kahit si BullDog pa o ikaw dapat umiwas ka na agad”
“La. Di pwede yun, akalain ng BullDog nay un natatakot ako sa kanya.”
“yun ba ang mahalaga? Edi ba hindi. Ang mahalaga ay yung kaligtasan mo.”
“La naman. kaya ko na ang sarili ko.”
“oo kaya mo na ang sarili mo. eeh kami ni Tiya Luisa mo. kaya ba namin ang sarili namin pag nalaman namin na may nangyari sayong masama?”
“haay, opo na Lola. Pasensiya na po. di na po uulit.”
“nako kang bata ka. Lika nga.” Sabay yakap ni Lola Carmela kay Jam.
Nakakatuwa silang tingnan. Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Napakaswerteng bata nitong si Jam. Napakabuti ng pamilya niya.
Ilang oras din ang lumipas at nandito pa rin ako sa may lomi haus nila.
“Hoy lalaki. Wala ka bang balak umalis? Gabi na ohh”
“so? May sasakyan naman ako.”
“eeh kasi po magsasara na kami. Nakakahiya naman sa amin kasi hindi namin yun magawa dahil nandito ka pa.”
![](https://img.wattpad.com/cover/26169432-288-k391121.jpg)
BINABASA MO ANG
Me Against My Reflection
Novela JuvenilPaano kung malaman mo na isa ka palang anak mayaman? Paano kung malaman mo na may kakambal ka pala? Paano kung malaman mo na ang mga nag-alaga sayo ay hindi mo pala kaano-ano? Paano kung malaman mo na inilayo ka ng isang babaeng naghihiganti sa mga...