Almost one week na din ang lumipas at hindi ko namalayang nawalan na ako ng oras para bisitahin sila Tito at Tita. Kaya naman para makabawi. Isang buong araw akong magiistay sa kanila.
“Tito, Tita?”
“oh Ken. Buti naman napadalaw ka” sabay yakap sakin ni Tita Jessica
“tagal mo ding di pumunta ditto ahh”
“sorry po Tito, Tita. Medyo nagging busy po kasi sa school at may inaasikaso lang din po ako”
“ganun ba. Dumaan ka na ba sa cemetery? Ayos naman ba dun? Di ba madumi ang puntod ni Julia?”
“opo. Dumaan ako kanina dun before ko pong pumunta ditto. okay naman po dun. Araw-araw po akong pumupunta dun and I think inaalagaan naman po ng care taker ang place ni Julia.”
“naku buti naman. masyado kasi kaming nagging busy sa trabaho. Pinipilit namin na magtrabaho ng magtrabaho para naman di namin masyadong isipin si Julia and for us not think na wala na siya.”
“ahm. Tita. Tito. May gusto po sana akong sabihin sa inyo.”
Napatigil sa pag-inom ng kape si Tito at tumingin sakin.
“what is that?”
“kasi po. ano. May nakilala po akong isang babae sa palengke.”
“kayo na ba?”
“po? hindi po. si Julia lang po ang babae para sakin.”
“hahaha. Just kidding. So, what about that girl?”
“Tita. Yung babae. Kamukhang-kamukha po siya ni Julia. Akala ko nga po nung una si Julia siya pero sobrang laki po ng pagkakaiba nila.”
Napatunganga sakin si Tita habang si Tito napakunot ang noo.
“are you sure about that?”
“opo. Tito. Sa katanuyan nga po. kaya po hindi na ako nakakapunta ditto ay dahil lagi po akong nasa kanila.”
“san siya nakatira?”
“sa may palengke po. may Lomi Haus po sila dun.”
“may picture ka ba niya?”
“sorry po Tita pero wala po eeh. Kung gusto niyo po sasamahan ko po kayo papunta sa kanila para makita niyo po siya.”
“Moises. Is that possible?”
“I don’t know honey. Pero wala namang masama kung pupunta tayo diba?”
Ngumiti na lang si Tita nun sabay harap sa akin.
“sige Ken. Samahan mo kami sa kanya. Gusto ko siyang makita. Nabobother ako kung bakit sila magkamukha ni Julia at kung magkamukha ba talaga sila.”
“sige po Tita”
Wala pang isang oras on the way na kami papuntang palengke. 30 minutes din ang biyahe papunta sa palengke kaya medyo matatagalan kami.
“Honey. Kinakabahan ako.”
“I feel the same Honey. Pero kelangang lakasan natin ang loob natin. Pareho naman nating gustong makita yung babaeng sinasabi ni Ken” sabay hawak ni Tito sa kamay ni Tita.
BINABASA MO ANG
Me Against My Reflection
Novela JuvenilPaano kung malaman mo na isa ka palang anak mayaman? Paano kung malaman mo na may kakambal ka pala? Paano kung malaman mo na ang mga nag-alaga sayo ay hindi mo pala kaano-ano? Paano kung malaman mo na inilayo ka ng isang babaeng naghihiganti sa mga...