By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
---------------------------------
Wow, sister, este pare... heaven na heaven ang feeling nung makita ko ang ngiti ng hinayupak. Kaya pala nababaliw ang kung sinu-sino dito sa ganda ba naman ng lips, ngipin, at mata pag nakangiti. Talagang ma-mesmerize ka.
"Jerry Rodriguez...? Hanep! Artistang-artista ang dating a!" ang excited kong sagot sa kanya. "Kilala mo ba si Mike Rodriguez?" dugtong ko.
"Hindi e..." sagot naman nyang nangingimi pa rin. "Sino ba iyon?"
"Ah... Si Mike, ako yun. At si Rodriguez naman... ikaw yun!" sabi kong nakangiti.
Napatawa sya at siguro napansin na rin na hindi ako galit, "Sige Mike tulungan na kitang linisin tong kalat ng asukal sa semento."
"Hindi... ok lang. Ako na ang maglinis dito."
"Hindi... tulungan na kita para makabawi naman ako sa iyo" pag iinsist nya.
"Ok, kung mapilit ka talaga" sagot ko. "'Epektib' ang drama ko, hehe" ang tawa ng utak kong nademonyo.
So, pinagtulungan naming linisin ang kalat. Pagkatapos ng paglilinis namin, niyaya ko syang mag-meryenda ng paborito kong pagkain – puto-pan, yung sliced bread na ang palaman ay putong malagkit na may kaunting asukal at ang kapares ay hot chocolate. Pumayag naman sya. At take note, ako ang nilibre nya... Nadugasan ko iyong kaunti niyang kita. Mapilit kasi e! Sabi ko nga sa sarili, "Himala! Nakikipag-usap at sumama ang mokong sa akin?" xxx
Simula noon, naging magkaibigan na kami ni Jerry, at hindi lang basta kaibigan, best friends pa. Pag hindi kami nagtitinda nyan, namamasyal na kaming dalawa lang, nanonood ng palabas sa video house, nagpi-picnic sa farm namin o naliligo sa ilog na katabi lang. Minsan din dinadala ko sya sa school at pinapakilala sa iba ko pang mga kaibigan at kakalase na tuwang-tuwa namang nakikipagkaibigan sa kanya lalo na ang mga babae na kinikilig. At mejo nagseselos din ako ng konti dahil sa halos hindi na ako pinapansin ng mga kaibigan ko, panay na lang sa sya (hehe). At sa tingin ko, unti-unting nagkakaroon sya ng trust at confidence sa sarili.
"Alam mo, Jerry, nung una kitang mapansin dun sa pagtitinda mo ng soybeans, parang ang supla-sulado mo. Gusto sana kitang kaibiganin e, kaso umiiwas ka pag tinitingnan ko. Parang ang sarap mong sipain talaga, hehe?" sabi kong patawa.
"Nahihiya kasi ako e, sensya ka na."
"Pero..." pag-aalinlangan kong tanong, "Gusto mo rin ba sana akong kaibiganin?"
"Sana... kaso di ko alam panu e, mukhang salbahe ka kasi" sabi nyang naka-ngiti. "Di biro lang, alam ko mabait ka. Buti nalang nabundol ko yung asukal nyo. Dahil kung hindi, hindi pa sana tayo magkakakilala".
Mukhang na-guilty ako sa sinabi nyang yun kaya naisip kong sabihin na sa kanya ang totoo. "OK... May aaminin ako." Tiningnan ko sya. "...Alam mo bang sinadya ko talagang ibundol ang sarili ko sa iyo at ilaglag yung asukal?"
"Ano?" Tanong nyang parang na-surprise. "Bakit mo naman ginawa yun?"
"Para takutin ka... Joke! Hindi... para makausap ka at maging kaibigan syempre".
"Hahahahaha!" Tumawa sya ng malakas. "Talaga? Dahil... alam mo, may aaminin din ako sa yo." Sabi nyang tiningnan ang reaction ko "Sinadya ko rin namang dumaan sa harap mo e... para mapansin mo sana ako at mag 'Hi!' ka. Pero nung makita kong tumalikod ka at kinuha yung asukal, sinadya ko nalang magpabundol!"
"Hah? Langya ka, pinahirapan mo pa ako?" (at sinayang ang isang kilong asukal) Sabi kong mejo na-shock din. "Sa mala-anghel na mukha na yan... may pagka-salbahe pala! Kala ko, ako lang ang salbahe! Sabay kaming nagtawanan.