By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
---------------------------------
Si Jerry, nakatayo sa may likuran ko at mejo groggy.
"Hey! Lasing ka ba?"
"Hindi naman tol, nakainum lang..."
"Halika nga rito, mag-usap tayo" sabi kong pasigaw at may halong pagka-inis." Tumabi sya sa inuupuan ko, nakayuko na parang batang mangungumpisal. "Ibig mong sabihin, hindi mo ako sinipot dito sa tamang oras dahil may kainuman ka? At sino naman ang kainuman mo? Sya ba yung nag-turo sa iyong humithit ng marijuana?"
Hindi sya sumagot.
Parang napikon ako sa hindi nya pag-imik. "Ok, isang tanong lang ang gusto kong sagutin mo: importante ba sa yo ang pagkakaibigan natin?" sabi kong nakatingin sa kanya na hindi pa rin natinag sa pagyuko. "Dahil sa side ko, napaka-importante ng pagkakaibigan natin, at napaka-importante mo sa akin at yung mga pinagsamahan natin, yung mga masasayang samahan natin, at lahat-lahat sa pagkakaibigan natin. Iyong mga araw na hindi tayo nag-uusap, nato-torture ako eh, ansakit-sakit ng nararamdaman ko, alam mo yun? Gusto kitang kausapin at ibalik yung dating closeness natin ngunit nag-aatubili akong gumawa ng hakbang dahil hindi ko alam kung galit ka sa akin o ikaw pa rin ba yung best friend na nakilala ko... parang hindi na kasi kita kilala eh. Parang hindi na ikaw yung nakilala kong napaka-mahiyain at napakabait na Jerry. Pero kahit ganun pa man, heto, gumawa pa rin ako ng paraan, kinapalan ko ang mukha ko sa pagpunta sa pwesto mo kangina at ibagsak yung asukal, hindi ko pinansin kung may makakakita man sa ginawa ko at kung meron man wala akong pakialam. At ngayon heto, naghintay ako sa iyo ng isa't kalahating oras, nagmukhang tanga, nag-iisa habang ang hinihintay kong 'best friend' ay nakikipag-inuman kasama ang ibang tao. Ganyan ba ang isang matalik na kaibigan? Iiwanan ka, pinapabayaan ka dahil mas importante ang inuman"
"Tama na Mike, tama na, please... nasasaktan ako" pagmamakaawang sabi nyang tumutulo na pala ang luha.
"Bakit? Hindi ba ako nasaktan din, ha?"
"Alam kong nasaktan ka, Mike, alam ko yun.... At kung ano man ang sakit na nararamdaman mo, ganun din ako. At hihingi ako ng tawad jan. Mali ako... Pero pwede ba, pakinggan mo naman ako?"
Hindi na ako kumibo.
"Una, pasensya na, late ako at nakainom. Hindi ko kasi alam kung paano haharap sa iyo..." Huminto sya, nag-isip ng sunod na sasabihin. "Marami kang hindi alam sa pagkatao ko, Mike... Magkaiba tayo ng mundo. Nasa itaas ka, samantalang ako ay nasa ibaba lang. Hindi nga lang nasa ibaba eh, nasa putikan pa" sabi nyang nakayuko pa rin at pinakawalan ang napakalalim na buntong-hininga. "Alam mo, nung namatay ang papa ko, ten years old lang ako nun, dun ko naranasan ang tindi ng hirap ng buhay at ang magalit sa mundo. Sa tinutuluyan naming bahay, tito ko mismo ang umabuso sa akin. Lumayas ako at nagpalaboy-laboy sa kalye, natutong suminghot ng rugby, hangang sa drugs na kung minsan, kasama ang mga tambay at batang lansangan. Nakulong ako dahil sa pagnanakaw at sa kulungan naranasan ko ulit ang maabuso ng pulis at mga kapwa preso. Nung makalabas ako, tuloy na naman ang pakikibaka ko. At nung may isang beses na inalok ako ng panandaliang aliw para magkapera, naisipan kong gawin yun dahil na rin sa hirap at pangangailangan ng pamilya ko. 13 years old lang ako nun... Nung malaman ng mama ko iyon netong taon lang, nagalit sya at nagdesisyon na sumama na kami ng mga kapatid ko sa kanya sa pagbenta ng soybeans... Kaya ganyan na lang ang galit ko sa mundo at sa sarili. Ang sumisiksik palagi sa utak ko ay yung pagbababoy nila sa pagkatao ko. Wala e... Wala akong maipagmamalaki, wala akong kwentang tao. Siguro kung hindi sa mukha kong to, walang pumapansin sa akin. Ito lang naman ang habol ng mga tao sa akin e, ang mukha at katawan ko...." at tuluyan na syang humahagulgol.