Popcorn at Ice Cream

9 0 0
                                    

Before reading,

gusto ko lang ipaalala na yung mga paniniwala ng mga tauhan sa kwento ay dapat irespeto. Iba-iba tayo ng pananaw sa buhay, and so ng mga tauhan. Kung may mga opinyon mang hindi niyo nagustuhan o hindi nasang.ayunan, problema niyo na po iyan. Tandaan, iba-iba po tayo ng pananaw sa buhay.  Kaya walang huhusga o magagalit. Thanks po! ;)))))

MisFragile

__________________________________________________________________________

Karen's POV

Ano kayang magandang gawin ngayon?

Ang boring naman kasi. Pagkain lang ang ginagawa ko. Di naman ako makalabas.

Tinaas ko yung paa ko at pinatong sa lamesa. Nanonood ako ng spongebob eh. Sabay kain ng  popcorn.  Day off ko sa trabaho. Hospital Pharmacist nga pala ako .

Yeah. I'm still watching spongebob squarepants. Got a problem with that?

"Huy.. KAREN! Di mo ba yun papansinin? Kanina pa siya jan nag.aantay sa labas oh!"

Si Mich, bff ko. Magkasama kami sa iisang house. Parents niya nasa States kaya nagdecide kami na tumira sa iisang bahay. Pareho din naman kami ng trabaho.

Kanina pa yan nag.aalala dun sa lalaking nag.aantay sa labas. Nabubwisit na nga ako eh. Ayaw akong tantanan. Gusto daw manligaw. Nyeta.

Nilingon ko si Mich "Sabihin mo umuwi na siya kung ayaw niyang habulin ko siya ng itak." asar kong sabi.  Pero bago pa makatayo si Mich ako na ang lumabas. Ayaw ko sanang makipag.usap asar naman.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang nakangiti sakin mula sa gate.

"Nginingiti mo?! Basagin ko ngipin mo eh!"  joke. Di ko sinabi yun. May puso din naman ako noh!

"Ka-karen.. " pinagpapawisan pa siya niyan na bigkasin yung pangalan ko. Actually, gwapo siya. Kaya lang mukhang mas babae pa sakin. Ang payat payat pa. Sus! Lakas ng loob pumunta dito. Sana kumain manlang muna siya. Mukhang ililipad na ng hangin oh.

Alanganin siyang kumaway at ipinakita ang bouquet niyang hawak. 

"Hindi mo ba talaga ako tatantanan? Alam mo kahit hanggang magunaw na yung mundo hinding hindi kita sasagutin kuha mo? Nagsasayang ka lang ng oras! Umuwi ka na nga! At wag ka ng magpapakita sakin!" Sabay talikod ko at pumasok na sa bahay. Pero bago ko isinara nilingon ko siya. 

"Oh," binato ko yung popcorn at nasalo naman niya na mukhang naguguluhan. "Kainin mo. Mukhang di ka pinapakain ng nanay mo."

PAK~! (sound effect ng pintong sumara.)

Nakita ko si Mich na umiiling iling..

"Grabe ka talagang lola ka. Ang lupit mo!" Sabay bato sakin ng popcorn. 

Binato ko nga ng sweetcorn. 

Deh! Joke lang. Malagkit naman yun noh. Unan lang hinagis ko sakanya.

"Sana huwag na siyang bumalik.." sabi ko sabay kagat sa mais.

"Natural. Sabihan mo ba naman ng ganun yung tao. Man hater!" saka niya ako inirapan.

Bigla kaming natahimik. NAubusan na yata ng topic. Kinuha ko yung remote at nilakasan yung sound.

"Alam mo patawarin mo na yung tatay mo. Hindi matatahimik yung kaluluwa ng nanay mo sa ginagawa mo eh."

The Mysterious Case of Destiny -CACTUS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon