CHAPTER FOUR

5 0 0
                                    

IAN'S POV

Tinignan ko lang siya habang naglalakad pabalik sa sasakyan niya. Nandito parin ako nakaupo. Kita ko kasi siya mula dito. Nakaplace kasi ang Mini Resto sa ibabaw ng hill. Man made lang to. Sinadyang ielevate ang pwesto dahil dito ang center ng Huelo.

Hmmm.. Paano ko ba uumpisahan ang paliwanag ko?

Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko para sa babaeng yun. I'm not that sure if I love her. Pero sigurado akong gusto ko siya. Since College pa.

Oo, tama kayo ng basa.

Enrollment palang ng makita ko siya. Sa Clinic. Nakasabay ko siya magpamedical.  May kasama siyang lalaki. Daddy niya siguro. Nahagilap siya ng mata ko dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Teka. Ang bakla ko na magsalita ah.

Anyway. To make the story short. Crush ko siya sa noon. Pero gayon gusto ko na siya. Ang simple niya kasi eh. Pero dahil doon kay siya gumaganda. Nagkaroon ako ng chance na mameet siya noong initiation. Dahil sa college of management napunta ang college nila. College of Pharmacy. Kami ang bahala bumili ng magiging slave namin. Oo, binibili sila. Nakipag.agawan pa.nga ako kay Bryan dahil mukhang type niya rin s Karen. 50,000 tuloy napakawalan ko. Di naman na siya umangal. Yung pera na yun idinodonate sa charity. Kaya hndi naman masasayang yun. Talagang hindi masasayang yun.

Sinadya k talagang pahirapan siya. Para di niya ako makalimutan. Aside sa kiss na accident nangyari.

Pero i must admit. Napakasarap halikan yung labi ng babaeng yun.  Nadala nga ako eh. Kaso pumalag siya. Na nakakagulat kasi walang tumatanggi sakin.

Ang sarap niyang asarin. Naaaliw ako. Kaya lang mukhang galit talaga siya lalo na nung makakain siya ng maanghang. Di ko naman alam na allergy pala sya sa maaanghang. Hindi nga ako pinapansin simula noon kahit anong gawin ko.

Nabadtrip ako ng malaman ko na sa states ako magpapatuloy ng pag.aaral ng management. Ipinaahandle din kasi ni Dad yung business namin dun. Kaya wala akong choice. Hindi ko tuloy naligawan. Akala ko nung una makakalimutan ko siya. Lalo na at madaming paglilibangan sa states. Pero kahit anong gawin ko siya parin ang nasa isip ko.

Pero ngayon, di ko na palalagpasin to. Ngayon pa at vibes kami ni tadhana.

Liligawan ko talaga yun. Nakucurious din ako sa pagkatao niya. Gusto ko siya makilala. Kakaiba kasi eh. Di man lang natitinag sa kagwapuhan ko. Kahit anong papogi ko di parin nakakapuntos sakanya. Susungitan at susungitan parin ako. Pambihirang babae.

*****************

FRANKENSTEIN HOSPITAL

MICH'S POV

"Pst. Huy.." siko ko kay Dona na nagngungutngot ng skyflakes. Nakaupo kami mlapit sa compounding area.

"Anu??" Nakangusong tanong niya.

Tinuro ko ng nguso ko si Karen na nakatunganga. Namimilagrohan na ako sa babaeng yan.

"Anyareh?" tanong ni Dona. Nagkibit balikat ako bilang sagot.

"Kanina pag pasok niya dito ganyan na siya. Akala ko nga di na papasok kasi masakit daw ang ulo." Nagulat nga ako kasi pumasok na siya.

Ano bang nangyayari sa besty ko??

"Nasapian kaya siya?" natanong ko si Dona.

"Huy! Baliw. Kung nasapian yan dapat nagwawala yan!"

Oo nga noh?

"Ipatingin kaya natin sa albularyo? Baka nasagi ng lamanglupa?" tanong ko pa.

"Eeeh? Baka naman nausog mo?"

The Mysterious Case of Destiny -CACTUS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon