/ADAM/

7 0 0
                                    

"Tumawag na si Adam sa akin papunta na siya kaya ayusin niyo na mga gamit niyo" biglang saad ni Georgia, nagulat naman ako.

Bakit kasama si Adam?!

Kung minamalas ka nga naman oh!

"Oh nandiyan na pala ang mahal na prinsipe eh" Natatawang sabi ni Harvey. Pati si Kathy at Ariesa napatawa nalang.

Naka wayfarers si mahal na hari at hawaiian shirt with his faded jeans, kailan pa siya naging fuckboi ha? Feeling pogi talaga. Pero nabiktima ka naman Evee. Shit ka talaga Adam. Shit as in tae.

Agad lumapit sila Harvey, Kenneth, Reggie at Jasper para batiin ang kaibigan nila. Oo kabigan nila hindi ko kaibigan yan eh. Bwisit talaga siya eh. Ang magkaibigan nagmamahalan, hindi nangangway at ako lang ang nagmahahal noh.

Agad lumapit na rin sila Kathy, Ariesa, Belle at Georgia napatingin naman ako sa sarili ko. At tinapik ko ang sariling balikat dahil hindi ako nagpakarupok at nakiisa sa kanila. Very good Evee

"Ikaw Evee hindi mo man lang ako ibebeso? Or babatiin?" Biglang sabi niya. Napataray nalang ako sa kawalan at pumunta sa compartment ng kotse.

He's annoying me AGAIN!

"Hoy Evee ano?" Patuloy niya sa pangungulit.

"Hindi ka ba kinikilabutan?" I said glaring at him nakayukom na din ang palad ko sa inis.

Ba't ba siya andito? Kung alam ko lang hindi na ako sasama eh.

Bigla niyang hinawakan ang siko ko at hinarap ako sa kanya. Napatitig naman ako sa kilay niya na kinaiinggitan naming mga babae sa kanya.

"Hoy Adam kung akala mo madadaan mo ako sa ganyan mo. Hindi!" Singhal ko na ikinatawa ng unggoy.

"Nako Evee alam ko naman kung gaano ka kapoging pogi sa akin" Natatawa niyang saad habang hawak pa ang tiyan sa katatawa.  Tumaray nalang ako at pumasok sa loob ng kotse.

Narinig ko naman ang paghigikhik niya. Ano ba siya baliw? Oo baliw siya Evee matagal na.

Bwisit na Adam yan.  Wala na siyang ginawa kundi iritahin at galitin ako. Ginagawa niya akong makasalanan at ahas sa barkada na 'to.

"Ba't sa akin ka tatabi?" Nagising siya nang maramdaman niya na tatabi ako sa kanya.

"Ang kapal mo Adam. Kung ayaw mo akong katabi sa bubong ka bwisit ka" Sagot ko sabay salpak ng earphone ko sa tenga.

Kanina pa nakasalpak ang earphone ko almost 20 minutes ngayon ko lang napansin at tinignan ko ang ipod ko. Naka unplugged yung earphone nakita naman ng peripheral vision ko na may demonyo na natatawa.

Agad kong sinabunutan ang buhok niya

"Ano ba Evee tumigil ka nga!" Sigaw niya habang tumatawa wala ng mas sasama sa taong 'to.

"Ba't ako titigil ha?" Tanong ko habang patuloy siyang sinasabunutan.

"Kasi ang pangit mo" Natatawa niyang sagot. Napasigaw ako sa inis.

"Harvey itigil mo 'tong sasakyan please!" Sigaw ko agad naman tinigil ni Harvey ang sasakyan habang tumatawa. Pati sila Jasper nakikitawa. Sila Ariesa naman at Georgia clueless pa din dahil tulog sila.

"Ano nangyari?"  Tanong ni Ariesa habang humihikab pa.

"Mag cocommute ako ayoko na 'yan makasama. Bawat sulok ng mundo pag nakikita ko siya puro pambibwiset ginagawa niya" Sumabog na ako sa inis. Nakita ko naman na natatawa pa din siya. Naiinis ako kasi hindi man lang siya nadadaan sa mga ganyan.

"Makapagsalita ka diyan. Naikot mo na ang mundo Evee?" Nanlisik na ang mata ko habang tinitignan siya

"Bakit ba 'to kasama?" Sigaw ko kila Gerogia

One ShotsWhere stories live. Discover now