Yvone's POV
Hindi ko maisip na ganun pala ung nangyari sa buhay ni Andrew. Naawa ako sa kanya, pero hindi naman yun sapat para manloko siya diba?.
Sorry Andrew, pero hindi sapat ung rason mo para saktan at paiyakin ako. Sige pagbibigyan kita, magiging mabait muna ako sayo. Pero hindi ibig sabihin nun pinapatawad na kita.
Sabihin na nating hihintayin ko munang makalimutan mo ung sakit na nardaman mo noong nawala siya sayo.
--------------------------
Andrew's POV
Ang tagal na niyang nawala, matagal niya na akong iniwan, ni minsan hindi ko nakalimutan ang masasaya naming alaala. Pero kahit minsan, hindi siya nawala sa isip ko.
Alam kong naturingan na akong playboy ng mga babaeng nagiging GIRLFRIEND ko. Alam kong marami akong nasasaktan, pero wala ehh dun sumasaya ung pakiramdam ko. Dun nawawala ung sakit na nararamdaman ko. Doon ko lang nararamdaman kung paano sumaya ulit. Alam kong mali ang ginagawa ko, pero gusto kong sumaya. Gusto kong maranasan ulit ung pakiramdam ng buhay ung puso at diwa ko.
Sorry nalang sa mga babaeng niloko ko, alam kong sinusumpa nila ako. Alam kong ayaw na nila ako makita kahit na kailan, pero sama sa tamang panahon matutunan nila akong patawarin.
------------------
Someone's POV
Mahal kita, mahal na mahal. Pero bakit nagawa mo kong iwan, sabi mo FOREVER tayo, sabi mo ako lang ang nagiisang babae na minahal mo. Sabi mo kontento ka na sakin. Pero bakit? Bakit kung kailan buntis ako tsaka mo pa ako iiwan, mahal naman kita. Kaya ko nga naibigay ang virginity ko sayo. Alam ko nung ginawa natin yun mahal mo ko. Nararamdaman ko yun. Pero bakit, bakit, bakit, BAKIT??
3 months na sa sinapupunan ko yung anak natin. Pero ni minsan di mo man lang ako dinalaw, di mo man lang tinignan ung kalagayan naming mag-ina mo. Bakit, para ba sa walang kwentang babaeng yun. Ni hindi nga niya magawang halikan ka sa harap ng maraming tao. Yun ba? Andrew sana maalala mo pa ang araw na iyon, araw na sinabi mo sakin kung gaano mo ako kamahal.
Dadating ang panahon na masasaktan ka ng matindi, yung tipong mahihirapan kang bumangon..
SINUSUMPA KO YAN!!!
*******************
A/note
Hello, sorry ahh matagal akong di nakapag update. Nawalan kc ako ng ideas ehh..
Bawi nlng ako..
VOMMENT :))
Plagiarism is a crime
REMEMBERBTHAT!!
BINABASA MO ANG
My REVENGE
Teen FictionSOMEONE'S POV Hindi naman ako laruan na pwede mong itapon kapag pinagsawaan mo na. Parang Barbie, kapag ayaw mo na itatapon mo na. Hindi ako makapapayag na ginaganito mo lang ako, hindi ako laruan. TANDAAN mo yan. Maghihiganti ako. I will start.. MY...