Kabanata 1

42.1K 373 22
                                    

Miss na kita Juanito, masaya ako na natapos ko yung misyon ko na mailigtas ka pero parang mas gugustuhin ko na kasama nalang kita.

"Carmela Anak, kumain kana muna nagluto kami nila Jenny at Emily" sabi ni Dad habang hinahagod ang buhok ko.

"Dad, Busog pa..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang dumating si Jenny at Emily at dinaganan ako.

"Ang drama naman ni ate, nag-report ka lang ng history sa school pag-uwi mo hindi kana okay" Sabi ni Jenny

"Nakakaiyak ba mag-report ate? Siguro bagsak ka noh?!" sigaw naman ni Emily

"Hayyss. Ewan ko sa inyo tara na nga kakain na tayo" sabay tayo ko at bumaba na kami para kumain

Pag-upo namin tinignan ko yung ulam, afritadang manok.

"Dad?"

"yes nak?"

"Bukas po ng umaga ako nalang po magluluto bago pumasok ng school para yun nalang din ibabaon ko for lunch" tanong ko kay dad.

Nagkatinginan muna silang tatlo bago sumagot si Dad

"Sure. Eh ano ba lulutuin mo?"

"Kaldereta Ala-Montercarlos po" nakangiti kong sagot

"Ha? Marunong ka ba magluto non?" tanong naman ni Jenny

" Ah. Eh may nakita kasi akong recipe ni Mommy oo tama may recipe si mommy Hehe"

"Osige may mga gamit naman dyan, ikaw na bahala bukas"

"Thanks Dad."

Pagkatapos kumain toka dapat na si Jenny ang maghugas ng pinagkainan pero nag-volunteer na ko na ako na lang ang gagawa.

Pagkatapos nun umakyat na ulit ako sa kwarto. Naisipan kong gumawa ng Diary since na-miss ko rin ito na dati kong ginagawa sa diary ni Carmelita.

Sa pagkakataon na ito, nakabalik na ko sa panahon ko kapiling ang tunay kong pamilya. Pero sobrang sakit din isipin na hindi ko na sya makikita pang muli.
Ang bigat sa pakiramdam alalahanin lahat ng araw na kasama ko pa sya.
Sana Makita pa kitang muli kahit sa kabilang buhay na.

Umaasa
Carmela

Kasabay nun ang pagtulo ng luha sa aking mga mata, hanggang sa makatulog na ako.

I Love you since 1892- In Modern worldWhere stories live. Discover now