Kabanata 12

1.3K 44 20
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, at sa mga araw na yun ay hindi na muna kami nag-usap ni Juanito, hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung anong nangyari sa kanya?

Pero kailangan ko parin mag-ingat, natatakot ako. Paano kung nandito si Leandro at Helena upang maghiganti?

Pero wala akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko dahil maging si Juanito ay hindi na naniniwala sa akin.

"Ready kana ba sa Team Building?" tanong sa akin ni Catherine ngayon ay magkatabi kami sa mini Bus ng company

"Ha? Oo. Ready na ko" binigyan ko sya ng isang matipid na ngiti, at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana habang naghihintay sa iba pa namin kasama

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo? May problema ka ba Carmela?" tanong nito sa akin na hinagod pa aking likod.

"Ah. Wala ayos lang ako"

"Sigurado ka? Basta kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako" sabi nya na ikinagaan ng pakiramdam ko.

Na-miss ko bigla si Shae, dahil dati ay sya lamang ang kaibigan ko na napagsasabihan ko ng mga problema ko, ngayon ay mag-isa na lamang ako

"Good morning Guys, Since we're completed pwede na tayong umalis. Matagal pa naman ang magiging byahe kaya pwede muna kayo matulog alas-3 pa lang ng madaling araw at alam kong inaantok pa kayo" Sabi ni Andrea

Umandar na nga ang mini-Bus, ang iba ay nagku-kwentuhan, ang karamihan naman ay natulog muna ganun din si Catherine sa tabi ko.

Habang ako ay hindi na makatulog, nakatingin lamang ako sa labas at hindi mawala-wala sa isip ko ang isang malaking pag-subok na ito.

Maya't-maya ang tingin ko sa aking cellphone, nagbabaka-sakali na nag-message sa akin si Juanito ngunit kahit isa ay wala.

Makalipas ang ilango oras ay nakarating na kami sa isang isla sa Batangas, kung saan gaganapin ang aming Team Building.

"Ang ganda naman dito"

"Pwede po bang 1 month na tayo dito"

"Pagbaba palang ng bus, nakaka-relax na dito"

Iyan ang ilan sa mga puna na maririnig sa aking mga kasamahan, maganda ang isla, tahimik at payapa ang dagat.

"Ang ganda dito Carmela" sabi ni Catherine habang nagta-talon sa tuwa.

Napangiti naman ako sa kanya

"2 sa isang rooms ang gagawin natin okay? Meron na kaming ginawang list at kung sino ang makakasama nyo ay yun na din ang magiging buddy nyo okay ba yun?" anunsyo ni Andrea

At buti nalang ay si Catherine ang aking kasama sa kwarto.

Pagdating sa kwarto ay meron itong 2 kama at isang CR, inayos na namin ang aming mga gamit dahil mamayang 8 ay kailangan na namin bumaba.

"Tahimik ka ba talaga Carmela? Parang lagi kang walang kibo" sabi ni Catherine habang nagtitiklop ng mga damit.

"Ah. Hindi naman siguro ay bago palang tayo magkakilala kaya ganito ako" sagot ko naman.

"Diba sabi ko sayo wag ka mahihiya lalo na sakin, pwede mo akong maging kaibigan"

"Salamat"

Pinilit ko munang kalimutan ang problema ko at nakipag-kwentuhan kay Catherine

"So. May boyfriend ka ba Carmela?" kinikilig na tanong nito

"Ha? Wala pa eh"

"Ha? Bakit naman? Ang ganda ganda mo tapos wala kang boyfriend?"

Napatawa naman ako sa sinabi nya

"Sabihin nalang siguro natin na hindi pa siguro ngayon yung oras"

"Wow may pa ganun?" sabay kaming natawa sa sinabi nya

"Eh ikaw ba may boyfriend ka?" balik tanong ko sa kanya

"Meron. Actually 5 years and counting na kami" Kinikilig nyang sabi

"Wow. Congrats. Buti naman at masaya ang lovelife mo"

"Hayaan mo hahanapan kita Hahaha parang bagay kayo ni Mr. Kyle"

Nagulat ako sa sinabi nya

"Naku. Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend ayos lang ako"

"Hindi. Magkaka-lovelife ka rin" sabi nito at nagtatatalon sa kama.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang problema ko hay naku

I Love you since 1892- In Modern worldWhere stories live. Discover now