kabanata 11.1

6.4K 138 24
                                    

Kinagabihan ay dumalaw si Juanito sa amin

"Kamusta ang pag-apply mo?" tanong nito sa akin

"May Good news at may Bad news" sagot ko rito

"Bakit? Anong nangyari?"

"Good news, hired ako and mag-start na ko sa monday"

"And ano yung Bad news Binibini?" tanong nito sabay hawak sa mga kamay ko magkaharap kami nakaupo dito sa Garden

"Si Leandro i mean si Kyle. Sya ang CEO ng Lopez Group of Company" sabi ko

Maging si Juanito ay nagulat

"Pagkakataon lang ba talaga? O may ibig sabihin kaya lumiliit ang mundo natin sa kanya?" tanong ko

Napahawak bigla si Juanito sa kanyang Dibdib

"Juanito, ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako binibini, sumakit lang bigla ang dibdib ko"

"sandali. Ikukuha kita ng tubig" sabi ko rito

Dalian naman akong kumuha ng tubig at iniabot sa kanya

"Binibini, huwag mo na lang muna intindihin ang pagdating nya. Pero, mag-iingat ka parin palagi at hindi ko rin hahayaan na may mangyaring masama sa iyo" sabi nito

Napangiti nya ako at biglang gumaan ang kanina ay mabigat na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako

"Bukas 5 p.m sunduin kita dito, lalabas tayo" sabi nito

"Bukas?" tanong ko

"Oo at ipinagpaalam na kita sa Daddy mo kaya hindi kana pwede tumanggi" sabi nito

Ngumiti ako sa kanya bilang sagot

Mga 9 na ng gabi nang nagpasya si Juanito na umuwi.
Pagkarating ko naman sa kwarto ay kinuha ko ang aking Diary at nagsulat

Sana ay walang masamang epekto ang pagdating ni Kyle sa buhay namin ni Juanito, ayaw ko na maulit ang nangyari sa nakaraan. Ang pananakit ni Leandro kay Juanito. Ang paghadlang nya sa pag-iibigan namin ni Juanito

Nakikiusap,
Carmela

Kinabukasan ay maaga ako nagising, nagluto na ako ng almusal at sabay sabay kami kumain.

"May lakad pala kayo ni Juanito?" tanong ni Dad

"Yes Dad, pero mamaya pa naman po 5 ng hapon"

"Ate Pasalubong ha?" sabi ni Emely

"Bakit sumasahod na ba ako?" natatawa kong sagot

"Edi sige basta pag sahod mo, doble agad libre mo sakin ha?" sagot nya

"Pano naman ako?" sabat ni jenny

"Wag ka na" natatawa kong asar dito

"Ang daya. Si Emely meron tapos ako wala?" tanong nito

"Haha Biro lang, syempre sa unang sahod ko treat ko kayong lahat" sabi ko

"Basta mag-iipon ka para sa sarili mo" sabi naman ni Dad

"Oo naman Dad" ngiti ko rito

Pinagpatuloy na namin ang pagkain, si Dad naman ay umalis na rin agad para pumasok.

Naiwan kami nila Emely at Jenny sa bahay na puro bonding ang ginawa, stop muna si Emely sa libro, si Jenny naman stop muna sa panonood ng Kpop.

Nagkwentuhan, Asaran at harutan. Ang saya kasama ng mga kapatid ko, pero bigla ko rin na-miss sila Ate Maria at Josefina na sa kasalukuyang panahon ay mga ninuno ko na.

I Love you since 1892- In Modern worldWhere stories live. Discover now