Chapter 2

18 0 0
                                    

Natapos ang pang-umagang klase namin. " Kristine, mauna na ako sayo ha puntahan ko na muna sila Blair."  sabi ko sa kanya. " Sige no problem, ako rin may pupuntahan naman din ako eh" sagot niya sa akin. " Kita nalang tayo maya ha san pala next class natin after ng lunch? Don nalang siguro tayo magkita." sabi ko sa kanya. " Ito oh picturan mo nalang tong sched para alam mo na mamaya kong san ka didiritso" sabi niya sakin sabay tawa. Kaya kinuha ko na ang papel at kinuhanan ito ng litrato. Pagkatapos nun, naghiwalay na kaming dalawa.

Itinext ko na si Blair kong nasaan sila, at wala pang isang minuto ay nag reply ito."Punta ka dito sa may canteen sa may bandang dulo kami. Dalian mo ha para sabay tayong kumain." Nang nakita ko ang kanyang mensahe ay agad ko siyang nireplyan. "Sige pupunta na ako diyan." Pagkatapos ng pag reply ko kay Blair, ay kinuha ko ang aking earphones. Habang naglalakad ay nagpapa-tugtog ako ng musika.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang may naramdaman ako na may sumasabay sa akin sa paglalakad. Sino kaya to? Si Kristine ba to? Eh may pupuntahan yon eh kanina pa yon umalis. Sabi ko sa aking sarili. Kaya tinignan ko na lamang kong sino ito at nagkamali ako hindi ito si Kristine siya yong lalaking nabangga ko kanina.

Si Terrence.

" H-hi, wala ka b-bang kasabay?" tanong ko sa kanya habang medyo hininaan ko na ang aking lakad. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, habang ako ay hinihintay ang kanyang sagot. Nang lumipas ang halos 20 na segundo ay tinanong ko ulet siya. " T-terrence? " kinakabahan kong tanong sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako, at ganon din ang aking ginawa. " Meron" sabi niya, na hindi ko naman naintindihan. " Ano?" ang tanging nasagot ko na lamang sa kanya.         "Meron akong kasabay" sagot niya sa akin. " Ah meron naman pala, eh nasan sila? " balik tanong ko sa kanya. " Siya" sagot niya naman sakin. " Ha? " balik tanong ko rito. " Isa lang siya, at ikaw yon" sabi niya sa akin habang naglalakad ulit.

Sa di malamang kadahilanan biglang bumilis ang puso ko. Oh my gosh Gail stay calm okay? He's just joking over you okay? Sabi ko sa aking sarili. Nang naramdaman ni Terrence na parang  walang sumasabay sa kanya, bigla itong humarap sa kanyang likuran. " Ano? Di ka ba aalis diyan? Lunch na ah san ka ba pupunta? " Medyo malakas niyang sabi kaya may iba na nakatingin sa amin lalo na mga first year dahil nasa harapan kami ng kanilang building.  Masasabi kong parang naiirita na siya sa akin. Bumalik lamang ako sa tamang huwisyo ng mismong siya na ang lumapit sa akin. " A-ano kasi s-sa canteen ako k-kakain"  sabi ko rito. Wala siyang ibang inakto kundi ang kanyang pagtaas baba ng kanyang ulo at umalis. Habang ako naman ay naiwan ng nakatunganga. Magpapatuloy na sana ako sa aking paglalakad ng biglang tumunog ang phone ko. May tumatawag, shit si Blair! " Hoy san kana madam? Kanina ka pa namin hinhintay!" sabi niya sakin. " O-oo na hintay ito na malapit na" pagkasabi kong iyon at agad na pinatay ang tawag. Tumakbo nalang ako para agad na makarating sa canteen. Pagkatapak ko ng entrance ng canteen namin ay hinanap ko sila. Habang akoy naglalakad ay akin silang hinahanap, ngunit imbis na ang aking mga barkada ang aking makita kundi ang barkada ni Terrence. Nagkatutok kami ng ilang sandali ngunit umiwas ako ng tingin. Diridiritso lang ang aking lakad at nakita ko na sila Blair sa bandang dulo ng canteen.

Saktong uupo na ako ng biglang may lumapit sa amin na grupo ng mga babae. " Alis" sabi ng isang babae sa amin, ahh parang lider nila. Nasa bandang harapan sila nina Rachel at Tracy ngunit parang hindi ito narinig kasi busy sa kapapanuod ng korean drama. " Diba sabi ko alis?!" sabi nung lider nila habang pinagaayog ang ulo nina Tracy at Rachel. Kaya nagulat sila at aktong aalis na sana. " Walang aalis" sabi ko ng mahinahon. " Guys upo lang kayo" tinignan ko sila ng isa isa. Tinignan ako ni Blair na nagsasabibg aalis na kami. " Aba sino ka ba? " tanong ng isang alipores ng babaeng ingrata. Hinarap ko sila nasa pito silang lahat. " Kayo? Sino ba kayo? " balik kong tanong sa kanila. Magsasalita na sana yong isa pang babaeng nasa kanan ng parang lider nila ng

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon