Jane'Pov
Dahil sa pangyayaring yun, di ko aakalaing di na ako nakapasok ng 1st subject. Ano naman kaya sasabihin ko sa bahay? Si Jane Morrison nagka-record sa Detention? Haisst!!!
"Ano ba kasing naisipan ng lalaking yun!!" Nako yari! Napalakas yung pagsasalita ng utak ko.
"Ms. Morrison! Hindi kita binibigyan ng pahintulot para magsalita!"
"I'm sorry po, Mr. Ramos"
"Yan ang mga nababagay sa mga taong mahihilig mag cutting!" Binagsak ni Mr. Ramos yung pinto tska sya umalis ng room.
"Aaarrgghhh!! Bwisit kang lalaki ka!! Dahil sayo nasira image ko sa school!" Sabay sabunot sa sarili.
Last year ko na toh sa college at ngayon pa ako nabiyayaan ng detention? Haisst!! Kung hindi dahil sa lalaking yun hindi ako mapupunta dito.
Maya-maya nakita ko sa bintana si Jason at malayo ang tingin.. Kasabay naman neto ang pagbukas ng pintuan..
"Hoy ikaw na sira ulo ka! Dahil sayo na-" Napatigil ako ng makita ko ang isang lalaking pinaka-ayokong makita dito sa school na toh.
"Jane?"
"Sir Marvin, kayo po pala yan. Pasensya na po."
"Ahm, oo naman ayos lang yun"Bakit ngayon ko pa siya nakita? Dahil sa kaniya nasira ang relasyon nila mom at dad. Kung alam ko lang sana na siya pala yung may ari ng school na toh, di na dapat ako nag-enroll pa dito.
Malayo sya sa kinauupuan ko. Nasa teacher's table sya samantalang ako nasa pinakadulong upuan. Kaming dalawa lang sa room kaya rinig na rinig namin ang bawat isa kahit mahina ang mga boses namin.
"Nabalitaan ko kase sa office na nandito ka raw kaya pumunta agad ako dito"
"Ganun po ba? Sge po."
"Jane, kamusta na ang mommy mo?"
"Ok lang"
"Yung daddy mo?"
"Ok lang din"
"Nagkakausap pa ba sila?"Di ko na napigilan ang sarili ko kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko.
"Pwede po bang wag kana magtanong tungkol sa mga magulang ko? Alam mo naman po siguro na dahil sayo nasira na yung pagtitiwala ni daddy kay mommy.. Dahil pinilit mo si mom na makipagkita sayo.. Ano ngayong malayo na naman sila sa isa't isa, may balak ka na naman guluhin at sirain ang pamilya namin? Kung hindi lang dahil sa scolarship na binigay mo sakin nun matagal na kong umalis dito!"
"Jane gusto ko lang naman kase malaman ang totoo sa mommy mo nung mga oras na gusto ko siyang makipag kita sakin"
"Anong ibig mong sabihin?"
Di pa ako nasasagot ni Sir Marvin, bumukas ang pintuan at dumating na si Mr. Ramos.
"Excuse po Mr. Richmond, Ms. Morrison tapos na ang oras mo dito. Pwede kana mag recess"
"Thank you po Mr. Ramos"
Kinuha ko na agad ung bag ko tska ako umalis ng room. Alam kong may sasabihin na naman siya. Alam kong gusto niya malaman kung may anak sila ni mommy. Pag nagkataon na malaman nyang anak nya si kuya, lalong masisira ang pamilya ko.
*Beep.. Beep.. Beep*
Naramdaman kong nagvi-vibrate yung cellphone ko, pagtingin ko tumatawag sakin si bakla.
"Hello?"
"Hello sis, andito ako ngayon sa volleyball court punta ka dito daliii~"
"Kakalabas ko lang ng detention, bibili muna ako ng pagkain ko tas deretso na ko agad jan..sge na babye na."
"Babush~"Binaba ko na yung tawag ni bakla at nilagay ko na yung cellphone ko sa bag, ng biglang may sumulpot na malaking daga sa harap ko.
"At saan mo naman binabalak na pumunta pagtapos kumain?" Bwiset dumating pa yung Jason na toh.
"Hoy! Dahil sayo hindi ako nakapasok ng first sub ko, dahil sayo na detention ako! Tapos ngayon lakas ng loob mo magpakita na naman sakin? Close ba tayo? Ha? Close tayo?"
Sa dami ng sinabi ko hindi ko na siya hinayaang makapagsalita tinalikuran ko na siya at umalis nalang.
"Jane Morrison kapatid ni Michael Morrison. Anak ni Irene at Dominic Morrison. Tagapagmana ng Dela Moon Incorporation. May hindi pa ba ako nasasabi?" Pagmamayabang naman niya.
Natigilan ako ng marinig ko lahat ng sinabi nya. Grabe? Sino ba tong lalaking toh?
"Sino kaba? Paano mo kami nakilala? Stalker ka noh? Rapist ka noh?"
"Really? Rapist? Ako? Are you crazy? Sa gwapo kong toh pagbibintangan mo ko ng rapist?! Alam mo dami mong tanong eh. Halika! Sumama ka sakin"
"Ara-aray! Masakit, dahan dahan naman"
Sira-ulo nga. Hatakin ba naman ako. Di naman ako kailangan kaladkarin. Hinatak ako ni Jason sa Music room at naabutan namin dun yung apat nyang mga kaibigan. Ang lamig ng room pati mga tingin nila sakin ang lalamig. Pakiramdam ko yung katahimikan na bumabalot sa buong music room may kasamang itim na usok. Pollution. Oo tama Polluted Area kasi kasama ko yung mga tropang polusyon.
"Aray! Ano ba? Bat ba kailangan batukan ako?!"
"Kung ano man yang iniisip mo samin, tigilan mo yan kung ayaw mo masaktan"Napalunok ako sa sinabi ni Jason. Kitang kita mo sa mga mata nya na seryso sya sa mga sinabi nya kaya wala na kong nagawa. Lumapit si Jason sa mga kaibigan nya at nag tayuan ang apat nyang kaibigan.
"Jane, Meet the Hell Five! Ako si Jason Blackwell, ang leader ng grupo." Sabay kindat sakin. Iww!
"Siya naman si Charles Carlson" Sabay turo sa lalaking maraming band aid sa kamay. Mahahalata mo na kagagaling lang sa away.
"Hi babe!" Sabi ni Charles sakin.
"Hoy akin yan! Gunggong! Eto naman si Tyrone Chang" Sabay turo nya sa isang lalaking may cap sa ulo. Nginitian lang ako ni Tyrone at tumuloy na si Jason sa pagpapakilala ng mga kaibigan nya.
"Eto naman si Kevin Vargas" Turo nya sa lalaking may hawak na gitara.
"Nice to meet you, Jane" Bati ni Kevin sakin.
"And last, ang aming bunso at ang kababata ko, si Ken Fernandez" Akbay nya sa chinitong lalaki.
"Konnichiwa, Jane" Japanese pala si Ken?
"Half Japanese, Half Filpino si Ken." Sagot naman ni Jason sakin. Teka di naman ako nag tanong ah? Bat ba ang hilig nito magbasa ng utak?
"Bakit mo ako dinala dito? Bakit mo sinabi sa lahat na fiancé mo ako? Paano mo nakilala ang pamilya ko? Bakit mo-" Tinakpan ni Jason ang bibig ko ng kamay nya.
"Daming tanong, daig pa reporter" Inis na sagot ni Jason.
"Una sa lahat, kaya kita nakilala dahil sa parents ko. Ang pamilya mo ang pinaka kilala sa ibang bansa. Ang papa mo ang may pinaka malaking nakokontrol na mga company sa buong mundo."
"Hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin?" Hindi naman sa mahirap ako maka-gets pero magulo talaga sya mag explain
"Ay bahala ka na umintindi, magulo ako mag explain" Sabi na eh. Buti inamin mo.
"Kaya ka naman dinala dito dahil sa engagement na mangyayari sa inyo ni Jason." Sabat naman ni Ken. Tahimik siya tignan pero nagulat ako sa sinabi niya.
Pero kung may engagement na mangyayari? Bakit hindi agad sinabi sakin ni daddy ang tungkol dito?
Di ako naniniwala na ikakasal ako ng basta basta lang. Alam nila mommy at daddy na hindi ako naniniwala sa pagmamahal na yan pero dapat alam din nila na ayokong magpakasal.
Ayoko pa magpakasal.
Ayoko magmahal ng katulad nya.
Ayokong mahulog sa tulad nya.
AYOKO.
YOU ARE READING
I Don't Believe In Love!
Teen Fiction"What is love? Yan ang laging tanong sa utak ko. Ano nga ba ang salitang love? Nakakain ba yun? Bakit di ko maramdamdaman yung love na yan? Hindi nyo ba alam na karamihan sa mga tao ngayon ay nasasaktan, umiiyak, nagpapakamatay dahil niloko dahil sa...