Chapter 1: I'm Jane Morrison

35 1 0
                                    

"Sabi nila Love is full of Mystery. Walang nakakaalam kung paano, kailan at saan nagsisimula ang love.

Pero ano nga ba ang love? Anong meron sa love?
Bakit lahat ng tao sa paligid ko may jowa?
Mag bebreak din naman sila..

Hindi ako bitter, noh? Sadyang ayoko lang maniwala sa pag-ibig na yan.

Hindi ba nila alam na maraming nasasaktan sa love? Hindi ba nila alam na maraming umuuwing luhaan dahil naloko sa pagmamahal na yan? Hindi ba nila alam na maraming pamilya at mga relasyon na winasak ng pagmamahal na yan?"
-PixieeDust1234

"Ok na muna siguro toh para sa first page ng diary ko."

Ako si Jane Morrison. Single. NBSB at never maiinlove. Maraming nagsasabi sakin na matalino naman ako pero hindi ako naniniwala at walang kaalam-alam tungkol sa love. Ok fine! Bobita na kung bobita pagdating sa pag-ibig pero ano bang pake nila sakin? At least ako masaya sa buhay single at walang problemang iniisip. Tamang aral lang hanggang sa makagraduate at makapagtrabaho ng maayos. Isa pa don sinasabihan pa nila ako na tatandang dalawa daw ako dahil sa pagiging bitter ko. Eh ano naman? Eh ayoko yung nagmamadali ako eh at ayokong matulad sa iba na maagang nabubuntis.

Pero sa bagay wala naman sigurong masama kung magjojowa ako diba? Ay!!!

Erase! Erase! Erase! Erase!

No Jowa Challenge toh.

Marami pang lalaki sa mundo noh hindi ko kailangan magmadali sa mga lalaki. Teka kelan nga ba ako huling nagkagusto sa isang lalaki?

Hmmm...


Flashback story..

10 years old pa ako nung  nakilala ko ang kauna-unahang crush ko at nag-iisang knight and shinning armor ng buhay ko, si Adrian Martinez.

Naging crush ko lang naman sya simula nung pinagtanggol niya ako sa mga nang-bubully sakin noon. Chubby at nerd kasi ako noon kaya lagi akong nabubully sa school. Siya narin ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral para makahabol sa kanya. Sya kse ang Valedictorian mula sa section namin nun.

Pagdating naman sa highschool,nagamit ko ang katalinuhan ko sa entrance exam at nakapasa ako sa isang sikat na university. Sa di inaasahang pangyayari sa buhay ko, nalaman ko na kaklase ko si Adrian at hindi lang yun, 1st year of highschool hanggang 3rd year highschool magkaklase kami sa section 1-A.

Naging close naman kami sa isa't-isa, lagi nyang hinahawakan ung buhok at guguluhin, lagi niya akong nililibre ng cotton candy, lagi rin nya akong pinapatawa sa mga corny nyang jokes, lagi rin kaming pumupunta sa library para turuan ako ng Math dun kase ako nahihirapan lagi.

Minsan pa nga pinagtitinginan na kami ng ibang tao tapos pag-iisipan ng masama, kesho inagaw ko daw si Adrian sa kanila. Famous kasi si Adrian that time at halos lahat ng babae sa campus nagkakagusto sa kaniya.

Kaya di malayong habulin parin ako ng pangbubully dati. Sakeet sa hart!!!

Siya parin naman yung Valedictorian sa section namin. Kahit na hindi ako laging umaabot sa mga with high honor hindi naman ako naaalis sa mga with honor.

4th year of highschool hindi ko na sya naging kaklase, hindi ko narin sya nakikita sa buong university at nabalitaan ko nalang na inilipat na siya ng mga magulang niya sa Europe para doon na tapusin ni Adrian ang pag-aaral niya hanggang kolehiyo at para asikasuhin ang company nila dun..

Di ko aakalaing mahuhulog ako ng husto sa kaniya nung highschool kami at grabe yung pagkalungkot ko nung wala na siya sa Pinas. Hindi ko man lang nagawang umamin sa kaniya nun.

Bago kami mag umpisa ng 2nd Quarterly Exam nakatanggap ako ng sulat sa bahay galing pa raw ng Europe.. At pag bukas ko ng sobre..

"Hintayin mo ako, babalik ako.  -Adrian"

End of flashback..


Pinaghintay nya ako ng ilang buwan at mababalitaan ko nalang na may naging girlfriend na sya at engage na sila. Hindi ko akalain na pinaasa lang pala ako ng mokong na yun!

Haissstt!!!!

Dahil sa kaniya hindi na ako muling nagkagusto sa ibang lalaki. Hindi lang din naman siya yung dahilan kung bakit ayoko maniwala sa pag-ibig eh pati narin yung sa kwento ng buhay ni kuya.

Pero ayoko na hindi ko na babalakin na magkagusto pa sa iba.. Hinding hindi na ako magmamahal ng iba.

3 years na ang nakalipas at kinalimutan ko narin ang mga nangyari noon. Isang taon nalang graduating na ako ng BS in Entrepreneurship. Kailangan ko rin kasing matutunan kung paano imanage yung business company ipapamana sakin ni daddy. Sa dinamirami narin ng napag-aralan ko tungkol sa business hindi ko pwedeng biguin ang lahat ng pinaghirapan nila mom at dad sa company.

Ngayon, magsisimula na ulit ang pasukan at huling taon ko na sa university. At sana magtuloy-tuloy na yung mga pangarap ko hanggang sa pagkagraduate ko.









----

(Narrator: abangan ang mga susunod na kwento at wag kalimutang ifollow si quinn_moonacre)

I Don't Believe In Love!Where stories live. Discover now