Jane's Pov
"Let's Kill This Love! Yeah Yeah Yeah Yeah Yeah..."
Blackpink fan ako pero nakakairita makarinig ng alarm clock.Masipag ako mag-aral pero di ako masipag gumising ng maaga noh.
5 am palang nag aasikaso na ako para pumasok, kailangan kasi nasa school na ako bago mag 7:00 am at sana di masungit prof ko sa first subject namin palagi pa naman akong late..
Bumaba na ako at pumunta na ako sa kusina para magluto ng almusal ko.
Scrambled egg, fried rice, tocino at cereal milk.
Hmmm.. Langhap sarap..Dahil sa sarap ng almusal ko, inabot din ako ng 30 mins kumain at pagtapos ay naligo narin ako.
Para naman maging maaliwalas ako tignan para sa first day of school ko, nagsuot ako ng off shoulder na white, red palda, black stockings at black boots na may heels.
Pagtapos ko magbihis syempre nagtagal ako konti sa harap ng salamin, konti lang naman. Nagkulot narin ako ng mahaba kong buhok. Nagpabango narin ako, konting lip tint sa mukha ko para naman presentable ako tignan..
"Bruha!! Ano na?!! Tanghali na naman oh!! Alas otso na, may balak ka pa bang pumasok o iiwanan na kita?!!" Sigaw ni kuya.
Isa pa tong nakakairita tuwing umaga, sigaw ng sigaw akala mo nasa kabilang ibayo yung kausap.
"Weeeyytt laaaang!!!! Nag-aayos pa ako ng gamit koooo!!" Tumingin ako sa relo ko at saktong 6:15 am palang.
Paglabas ko ng kwarto nasalubong ko sila manang lorry at si mommy na halatang bagong gising palang.
"Ano ba naman kayong dalawa? Hindi na ba talaga kayo magkakasundo kahit tuwing umaga lang? Nakakabulabog kayo ng mga kapitbahay oh!" Pagsusungit ni mother earth samin.
"Tsk! Yan ang sisihin nyo si bruha kupad kupad kumilos!" Ay wow ah?! Ganun ba talaga katagal mag-ayos? Juskooooo!
Tinignan ko si kuya ng masama tsaka ako lumapit kay mommy.
"Mommy talaga aga-aga nakabusangot, sge na mom alis na kami ah. Mwaaps""Sge na mag-iingat kayo ah"
Pumasok na ako sa kotse ni kuya at naabutan ko siyang wala pang ligo at hindi pa nakabihis.
"Bakit ikaw, hindi ka ba papasok?"
"Hindi! Wag ka na magtanong dahil wala ka ng pake don!"
"Tsk! Sungit naman neto.. Pinagmamadali mo pa ako di ka naman pala papasok."
Hindi narin ako magtataka kung bakit naging ganito ugali ni kuya simula nung nalaman niyang sakin ipapamana ni daddy ang Dela Moon Incorporation (inspired by Hotel Del Luna last episode teaser). Nalaman ko kasi na hindi pala totoong anak ni daddy si kuya at step-brother ko lang pala siya..
Ilang taon ko narin toh itinatago kay kuya dahil ayokong masaktan siya at gusto kong sila mommy at daddy ang mag sabi sa kaniya ng katotohanan.
Hindi rin alam nila mommy at daddy na alam ko na yung sikreto nila. Sira na yung relasyon nila mom at dad dahil sa usapang yun kaya ayoko ng dumagdag pa sa kanila. Kung hindi rin dahil kay kuya baka naghiwalay na sila mommy at daddy ngayon.
Kaya kahit wala na yung kuya kong palangiti ayokong mawala siya sa tabi ko.
"Ano ba yan bruha, wag mo nga ako tignan ng gnyan nakakadiri ka! Parang kang asong kalye na naglalaway eh." Panira naman ng emote toh.
"Alam mo grabe ka! Sana bumalik nalang yung dating ikaw! Kainis!"
Magsasalita na sana si kuya kaso bigla ata siyang nawala lalo sa mood. Binilisan niya yung pagdadrive ng kotse at nakarating naman na kami sa West Valley University. Bumaba na ako ng kotse at pumunta ako sa side ng pintuan ni kuya.
YOU ARE READING
I Don't Believe In Love!
Підліткова література"What is love? Yan ang laging tanong sa utak ko. Ano nga ba ang salitang love? Nakakain ba yun? Bakit di ko maramdamdaman yung love na yan? Hindi nyo ba alam na karamihan sa mga tao ngayon ay nasasaktan, umiiyak, nagpapakamatay dahil niloko dahil sa...