Belle's POV
Nagsimula na kaming kumain ni Venice at nakalimutan ko na nga na tatawag pala ang kuya nito. Pero wala naman akong pakialam doon. Mag-usap sila, while me, I will be munching.
May maliit na martilyo doon para sa mga crabs kaya todo pukpok naman ako para madurog yung shell at makain ko ang laman.
"Gosh, this is so yummy. We can order this again." Komento naman ni Venice.
Pareho kaming nakakamay at subo ng subo lang ng rice kasama ang ulam.
"Pero ang mahal nito Venice." Komento ko naman. Alam ko kung gaano kamahal ang lamang dagat. It's more expensive than beef.
"Hindi naman natin araw-arawin. It's fine to have like twice a month." Sagot naman nito sa akin.
Nagthumbs up na lang ako. May sawsawan din doon na sukang pinakurat. A best seller suka made from Iligan. Mahilig din ako sa maaanghang kaya mas lalong masarap ang pagkain dahil spicy crabs and shrimps iyon.
Napapitlag na lamang ako ng tumunog ang laptop nito. It's the facetime thing at nakita ko doon na Kuya Calling ang nandoon.
Ibinalik ko na ang pansin ko sa pagkain. Nagbabalat ako ng sugpo ng sagutin ni Venice ang tawag na ang alam ko ay video call yun.
"Kuya!" Tili kaagad ni Venice.
Ako naman ay tinapos ko muna ang pagtatangal ng damit ng hipon bago ako tumingin sa screen. Hindi ito nakatingin sa camera, but more likely na sa screen din. Hindi kaagad ito nagsalita at nakatingin lang ito sa screen.
"Kuya!" Tiling tawag ni Venice rito.
Nakita ko naman na tila natauhan ito at gumalaw ang mata nito putungong kanan, kung saan ay pwesto ni Venice.
"Brat." Sa unang pagkakataon ay tila nanindig ang balahibo ko dahil sa boses niya. I can see him clearly and it's obvious that he looks like he just woke up. Magulo ang buhok nito but he's undeniably gorgeous and handsome. Minsan lang ako pumupuri ng gwapo, at talagang gwapo iyon.
He's old, Belle. Stop the admiration. Pigil naman ng isipan ko. Muntik ko ng makalimutan na matanda pala ito at malamang, ang tingin nito sa akin ay bata.
"Kuya, I would like you to meet Belle. She's the one I am talking about, so stop accusing me." Saad naman kaagad niya sa kuya niya.
Hindi nagkomento ang kuya ni Venice at nakita ko na lumipat ang tingin nito sa akin.
"Hello...kid." Bati nito sa akin, but he did not smile. More like he's serious.
Kid. Parang ang sakit sa tenga ko ang salitang iyon. Pero wala naman mali sa sinabi ng kuya ni Venice. We are kids compare to him. He's freaking thirty years old for christsake.
"H-hi." Bati ko rito na ikinabulol ko pa.
"Bella?" Tanong pa nito sa akin.
"Ahm, Belle po." Pagtatama ko rito. Hindi naman kasi Bella ang palayaw ko. It's Belle.
"I'll call you Bella. I'm Raizen Ford De Luca." Pakilala nito sa akin at pinigilan kong ngumiwi dahil sa pagtawag nito sa akin na Bella. Hindi ako sanay na tawagin sa ganoon pangalan.
"Okay po, Kuya Raizen." Sagot ko na lang sa kanya.
Nakita ko naman na natahimik ito na tila may sinabi akong mali pero hindi na ito nagsalita at ibinaling na lang ang tingin nito kay Venice.
Sa palagay ko ay hindi na ako nito kakausapin kaya nagpatuloy na ako sa pagkain ko. I don't mind eating while they are chatting. Busy ako sa pagtatanggal ng mga balat ng hipon at subo ng subo naman ako ng kanin.
![](https://img.wattpad.com/cover/205595360-288-k415424.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling To You | Falling Series One |
RomanceThey said, falling is one of the thing that is hard to avoid. Falling for someone, the unexpected one is unstoppable. Especially, when he's much older than you, and a brother you never had... How can she escape the strings of destiny, if fate alread...