3
Matagal-tagal na rin nang maging girlfriend ni Riley si Yana… Matagal-tagal na rin ang pagdaramdam ko. Marami akong gustong sabihin kay Yana kaya lang hindi ako makatyempo. Paano ba naman kasi, palaging nasa tabi niya ang mas obsessed na boyfriend niya na si Riley.
Ewan ko ba.
One day, nasa hallway ako nang may narinig akong mga tawanan ng mga lalaki sa Student Lounge. Curious, huminto muna ako at nakinig sa usapan ng mga lalaking nagtatawanan. Nakilala ko kasi yung isang boses, boses yun ni Riley.
“So, paano ba yan, three months na kami ni Yana.” Sabi ni Riley, pagmamayabang niya.
“Three months nga, hindi pa nakakapagkiss!” tawanan ng mga kaibigan niya.
“Akala niyo hindi ko kayang utuin ang babae na yun? It’s obvious na talagang malambot ang ilong ni Yana. Alam na alam ko na may gusto rin siya sa akin. Noon pa. Hindi magtatagal, makukuha ko na yung matamis na mga labi niya.”
“Grabe pre! Ikaw na! Buti at nakatagal siya sayo!” sabi ng kasama niyang si Clifford.
“Sus! Ako pa. Who do you think am I?” mayabang talaga. “Dude, no girls can resist my charm.”
Sumilip ako at nakita kong may inabot yung kasama niya sa kanya,
“Oh, ten thousand!” sabi ni Kent.
Napangisi si Riley. Nag-init bigla ang katawan ko at parang gusto ko siyang sakalin…patayin. Pinagpupustahan lang pala nila si Yana. Ang sama nila!
“Okay. Next level tayo.” Dare ni Kent. “Get her virginity.”
Napatawa ang iba nilang kasama.
“How much?” tanong ni Riley. Confident na confident siya na makukuha niya si Yana.
“Well… twenty thousand.”
“Deal!”
Nagkamayan sila.
Ano to? Negosyo na ba yung pakikipagrelasyon niya kay Yana?
Dapat kong sabihan si Yana sa nalaman ko.
Nang sinabihan ko siya, hindi siya naniwala sa akin. Nagalit pa siya at sinabing ayaw na niya akong maging kaibigan. Tinaboy niya ako.
At dahil sa ginawa ko, naging mailap na si Yana sa akin at hindi na niya ako pinapansin. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Guitar Man (Short Story)
General FictionIsang boses na palaging nasa ere ng campus namin. Isang boses na nakakapanindig ng balahibo. Yung tipong napaka-swabe sa tenga na hindi ka talaga magsasawa. Yun ang boses na naging isang misteryo sa amin. Kaninong boses ba yun? Walang nakakaalam...