6
Matapos mangyari ang pagkamatay ni Yana, hindi na ako kumanta pa. Kung nagtataka kayo kung paano nagawang lokohin ni Riley ang lahat ng tao sa campus, ganito yun---may recorded songs na ako at si DJ Muncher ang nagple-play nito. Yun nga lang sa araw na yun, tinakot siya nina Riley. Hindi ko masisisi si DJ Muncher. Ma-implwuwensya kasi sina Riley, palibhasa ay miyembro ng isang malakas na fraternity sa school.
Sa di inaasahang pagkakataon, isang producer ang tumawag sa akin. Nagtataka ako kung paano niya nalaman yun. Kasi naman, tong mga kaklase ko ah kumuha ng kopya sa mga recordings ko at in-upload sa facebook. Matagal na rin na hindi ako nagfe-facebook at yun na nga… Dun ko nakita na marami na palang nag-share sa gawa ko. Then, sa e-mail ko, may mga producer na rin ang kumokontak sa akin.
Hindi ako makapaniwala.
They were trying to contact me for more than four months na pala..yun yung mga panahon na nasa cafeteria ako with Gayle and Yana.
Yun yung mga panahon na buhay pa si Yana.
Yun yung mga panahon na hinihintay niya ang pag-amin ko.
Bakit di niya sinabi?
Bakit di siya nagtanong?
BINABASA MO ANG
The Guitar Man (Short Story)
General FictionIsang boses na palaging nasa ere ng campus namin. Isang boses na nakakapanindig ng balahibo. Yung tipong napaka-swabe sa tenga na hindi ka talaga magsasawa. Yun ang boses na naging isang misteryo sa amin. Kaninong boses ba yun? Walang nakakaalam...