Masakit sa loob yung hindi ka pinapansin ng taong gustong-gusto mo. Masama ba talaga ang maging totoo?
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bantayan siya kahit saan man siya pumunta. Ayokong mapahamak siya sa mga kamay ni Riley.
Isang gabi, lumabas si Yana. Alas-nuebe na nang gabi. Nang sumilip ako sa labas, nakita ko na nandun na pala si Riley at hinihintay siya.
Sinundan ko sila sakay sa bike ko pero ano nga ba ang laban ko sa motorbike ni Riley?
Hindi ko sila maabutan.
Binilisan ko pa ang pag-padyak ko hanggang sa may crossing, may nakabanggaan ako.
Paggising ko, nasa Hospital na ako. At agad-agad kong naisip si Yana.
Ano kaya ang ginawa ni Riley sa kanya?
Malakas ang kaba sa dibdib ko. Ayokong isipin na nagtagumpay si Riley sa balak niya kay Yana.
BINABASA MO ANG
The Guitar Man (Short Story)
General FictionIsang boses na palaging nasa ere ng campus namin. Isang boses na nakakapanindig ng balahibo. Yung tipong napaka-swabe sa tenga na hindi ka talaga magsasawa. Yun ang boses na naging isang misteryo sa amin. Kaninong boses ba yun? Walang nakakaalam...