Huling Pasada

7.4K 238 159
                                    

Alas-dos ng madaling araw ay kasama ko siya. Isang matipunong binata na may mabigat na noo at matigas na panga ang may hawak ng manibela. Kitang-kita mo sa kanyang mga mata ang pagod, problema at ang kagustuhan na magpahinga. Kahit kailan ay hindi naging madali ang pagbiyahe nang may tama ang tagiliran.

Tinitigan ko ang tahimik na binatang jeepney driver. Hindi ko makalimutan ang unang beses na nagtagpo ang aming mga mata; ang kanyang malalalim at matatapang na mata. Ang mata ng aking tagapagligtas. Ito na na ang pangalawang beses na niligtas siya ng lalaking ito, pero ano na ba ang nagawa niya para sa kanya?

“Sa ospital na tayo dumiretso. Makakapagintay pa naman ako eh.”

“Huwag na muna,” ang sagot ng binata. Tumatagas na maigi ang kanyang dugo sa kanyang tagiliran. “Ibaba muna kita samin. Baka puntahan at sundan ka pa hanggang inyo…”

“Pero-”

“Idadaan lang naman kita. Tapos didiretso na ko sa ospital…”

Hindi biro maging jeepney driver. Pero alam ba talaga natin kung anong nagpapahirap sa kanila?

“Hindi ko man lang alam ang pangalan mo…”

Sasagot na sana ang driver nang biglang inatake ng ubo ang binata. Kahit hindi na makakilos nang maayos dahil sa pagubo ay pinilit pa rin niyang magmamaneho. Ang gulat na lang niya na sumusuka na pala ng dugo ang driver.

“May sakit ka ba?”

Hindi pa rin tumitigil sa pag-ubo ang driver at umiiling lamang ito. Naiinis ako at napapaluha na. Wala man lang akong magawa para sa lalaking ito. Siguro nga ay kung may nagpapahirap man sa mga driver ay walang iba kundi ang mga pasahero mismo. Kahit mga pasahero lamang ay nagiging parte din sila ng buhay ng driver. Responsibilidad niya ang mga ito sa oras na pumasok sila sa kanyang sasakyan.

“Dito ka na.”

Tumigil na ang jeep sa kanto kung saan maraming nakaparada ding jeepney. Napatingin ako sa kanya.

“’Yung bahay na ‘yun, ‘yung walang jeep sa harapan at may pulang gate…hanapin mo si tito Danny…sabihin mo…pinapunta kita…”

Hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha sa pagaalala. Naalala ko ang pagpasok niya sa kwarto kanina at ang mismong pagligtas niya sakin.

Unang beses akong ikinawarto ng aking customer at unang beses din akong makikipagtalik ulit simula nung makipagbreak ako sa aking nobyo. Ang pagkakaalam ko lamang ay isang mayamang matanda at manager ng isang sikat na mall ang lalaking ito kaya kasama ko siya kwarto ngayon. Utos rin ito ni bosing kaya hindi rin ako nakatanggi.

Nakaupo lang ako at kabadong-kabado. Sa totoo lamang ay ayoko talagang gawin ito. Pakiramdam ko ay magiging sobrang dumi ko kapag pumatol ako sa ibang lalaki. Kahit naman hiniwalayan na ako ni Jeffrey ay nasa kanya lang dapat ang puri ko.

Wala rin naman akong ibang desisyon kundi gawin ito. Ito ang pinasok ko at wala na rin akong ibang mapupuntahan. Itinakwil na ako ng aking mga magulang at itinakwil na din ako ng aking mahal. Ano pa bang natitira sakin? Si ate Pamela lang ang kumukupkop sakin at pinapili niya ko. Ito rin naman ang gusto ko at dapat gustuhin ko.

“Hubad na.”

Nagutos na ang matanda sa aking likuran. Alam ko na kanina pa nakahubad ang matanda. Ang lansa at amoy-alak. Ito rin naman ang gusto ko at dapat lamang na gustuhin ko ito. Hinubad ko na ang aking blouse at humiga na. Nanlalamig ang aking mga tuhod at lumalagabog na aking dibdib. Umibabaw na ang mabahong matanda at pinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Naalala ko ulit ang gabing iyon. Ang gabi kung saan akala ko na makukuha na ulit sakin ang lahat. Bigla siyang dumating, isang matipunong  binata na may malalalim at matatapang na mata. Ang aking tigapagligtas. Darating pa kaya siya ngayon?

Jeepney DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon