Alas-kwatro ng kahapon ay naghihintay siya; isang matipunong binata na may mabigat na noo at matigas na panga ang nakaupo sa magandang sala sa bahay ng mayamang mag-asawa. May plaster ang kanyang kaliwang mata ngunit nakakakita pa naman siya. Unang beses din siyang nagsuot ng maayos damit dahil kaylangan niyang magmukhang matino at hindi nangloloko. Kahit kaylan pa man ay hindi naging ayos ang pagharap sa mga umiiyak na mga magulang.
Panganay at pangalawa sa magkakapatid si Cecille sa kanilang pamilya. Ang kanyang nanay ay nasa bahay lamang at inaalagaan ang bunsong kapatid niya na tatlong gulang pa lamang. Nagkataon naman na walang trabaho ngayong araw ang tatay niya na isang clerk sa bangko. Maganda at napakaayos ng buhay nila. Nagsisisi na rin ang kanyang tatay kung bakit niya pinalayas ang anak. Sa kasalukuyan ay pinapahanap na nila ngayon sa mga pulis ang kanilang anak ngunit hindi pa rin nila makita ang dalaga. Umiiyak na nagpasalamat sa kanya ang nanay ni Cecille at hinawakan pa ang kanyang kamay dahil sa pagbabalik niya ng kanyang i.d. at pagsasabi kung nasaan ang dalaga.
Mababalik pa nga ba si Cecille?
Tinigilan na din siya ng grupo nila Bok. Ni hindi man lang nilalapitan ng mga kabataan ang kanyang jeepney para magtawag ng pasahero. Sobra-sobra na din ang kanyang ipon pero kaylangan niya lang ito itago. Masaya at malusog si tito Danny nitong mga nakaraang araw dahil hindi siya nawawalan ng gamot na iniinom at mga prutas na kinakain. Samantala naman ay patuloy siyang pinapatay ng kanyang sakit, isang beses ay sigurado siya na nawalan siya ng malay dahil sa pagsuka niya ng dugo. Siya lang din yata ang nakakapansin ng kanyang pagkaputla.
Mga ilang gabi pa niya naisakay si Pamela at si Cecille sa kanyang jeepney. Isa. Baka siguro hindi pa kumikilos ang mga pulis. Dalawa. Baka ganun pa rin. Tatlo. Siguro. Apat. Lima.
Anim. Alam niyang meron ng problema.
Sa pampitong gabi ay isinakay niya muli sila Pamela at Cecille. Palaging libre ang dalawa sa pamasahe at palagi ring libre ang halik na natatanggap niya mula kay Pamela. Ngayong gabi ay hindi niya hahayaang bumaba ang dalawa hangga’t hindi niya nakakausap si Cecille nang maayos.
“Ooops, dito na tayo, kuya.”
Itinigil ng driver ang jeepney. Hahalikan na sana siya ni Pamela sa pisngi nang pinigilan niya ang babae.
“Magusap muna tayo.”
Bumaba na si Cecille at pumunta na sa kanilang mga kasamahan sa tapat ng bar. Napangiti naman si Pamela at lalong lumapit sa kanya, “Bakit? Makikipagnegosyo ka na rin ba sakin?”
“Wala bang sumusundong pulis kay Cecille?”
Napatigil si Pamela at nabura bigla ang kanyang ngiti.
“Ano?”
“Kinausap ko ‘yung mga magulang ni Cecille, hinahanap siya ng mga magulang niya.”
“Kinausap mo?”
“Oo. Bakit kasama mo pa rin siya? Wala bang pulis na-”
“Eh gago ka pala eh! Si Cecille? Babalik?”
“Tangina Pamela, magulang niya-“
“WALA KANG PAKIALAM! Masyado ka palang pakialamero eh! Akala mo ganung kadali ‘yun ha? Akala mo parang kukuha ka lang ng pusa tapos ilalagay mo kung saan? Gago!”
Galit na galit si Pamela sa kanya, ang mga mata niya ay nanglilisik at mabilis naman ang kanyang paghinga.
“Ano bang problema? Magulang niya naman ang kukuha ha? Tsaka bakit ikaw ba ang nakikialam?”
“Hindi kasi ganun kadali ‘yun! hayop naman eh! Gusto mo bang mapatay? Kilala mo ba nagpapasweldo samin?”
Walang pakialam ang binatang driver kung sino man ang nagpapasweldo sa kanila.
“Kakausapin ko si Cecille.”
“HOY-”
Bumaba ang driver sa jeepney at humabol naman kaagad si Pamela. Wala na si Cecille sa tapat ng bar at ibang prostitute lamang ang kanyang nakikita. Lumapit ang isang prostitue sa kanya.
“Hi kuya, anong hanap?”
“Andiyan ba si-”
“ROY! HUWAG MONG PAPASUKIN ‘YAN!”
Biglang may lumabas na lalake sa bar, malaking lalake na matipuno ang katawan at may baril sa bulsa. Dumating si Pamela at lumayo ang prostitute sa binatang driver. Nagtinginan sa kanila ang mga tao.
“Bakit Pam?” ang tanong ng kalbong si Roy sa humahangos na prostitute. Itinaas niya ang mangas ng kanyang damit at ipinakita ang mga namumutok na braso.
“Tarantado ‘yan! Hindi nagbabayad ‘yan! Huwag na huwag na mong papapasukin dito ‘yang hayop na ‘yan!”
Tinignan ni Roy ang driver at lumapit ito sa kanya. Nilabas ng malaking lalake ang kanyang baril.
“Par, pasensiya na pero bawal mga gagong katulad mo dito.”
Kumukulo ang dugo niya ngunit wala siyang magawa. Sa likuran ni Roy ay natanaw niya ang ilang pulis na nagbabantay sa may pintuan ng bar, bawat isa ay may kalandiang prostitute. Wala siyang magawa. Nakatitig lang siya at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
“Umuwi ka na, par,” ang babala ulit ni Roy sa kanya. Masama ang tingin sa kanya ng mga prostitute, lalung-lalo na si Pamela na nagaalburoto sa galit.
“Kapag sinubukan nan pumasok dito Roy, alam mo na kung anong gagawin ha.”
Hindi talaga makapaniwala ang driver. Hindi pwedeng mangyari ang ganito.
“ALIS NA!”
Sinigawan at tinutukan na siya ng baril ni Roy. Huling tingin niya kay Pamela at umalis na rin siya. Ang kanyang dibdib ay wala ng laman, ang kanyang mga laman namman ay nangangatal sa galit.
Mababalik pa kaya si Cecille?
BINABASA MO ANG
Jeepney Driver
AcciónHingal na hingal na tinignan ng lalaki ang umiiyak at gulat na dalaga. Nagkatagpo ang kanilang mga mata; ang unang beses na nagkita sila. Ang matapang na mga mata ng tigapagligtas at ang maaamong mata ng dalaga na lumalangoy sa luha at takot. Sa ila...