Mayroong apat na estudyante na napili ng isang misteryosong tao upang maging agents. Sila ay sasanayin upang mailigtas ang mga tao sa mundo mula sa isang insidente na patuloy na nangyayari--ang pagsabog ng Mt. Etna--na halos bente kwatrong oras palamang ang nakalilipas ay namiminsala nanaman ito.
Maraming tao ang namatay, namamatay at mamamatay dahil dito. Kaya't kailangan nilang alamin kung saan ba ito nagmula, sino ang may kagagawan nito, o ano ang gumawa nito, at paano nila ito mapipigilan.
---
Habang naglalakad ako sa hallway ng aming school ay nakasalubong ko ang secretary ng ssg ng senior high school. Kinausap niyaako at sinabi na pinapatawag daw ako ng teacher namin sa philosophy na si Sir Blythe.
Kinabahan ako ng sinabi sakin yon ng secretary dahil alam ko na marami akong nagagawang kasalanan kay sir Blythe.
---
"tok, tok,"
Ito ang unang beses na papasok ako sa room ni sir. Nakakakaba dahil siya ang pinaka kinagigiliwan at kinatatakutan ng lahat.
S..si....sirrr. pautal-utal kong sabi.
Pi...pinapatawag niyo daw po ako??Parang hindi ako narinig ni sir dahil nakatalikod padin siya habang hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Ilang saglit lang ay humarap na saakin si sir Blythe.
Sabi niya saakin, "Mhiya, kailangan kita bilang aking leader. Ikaw ang napili kong gawing leader."
Tinanong ko si sir kung leader ng ano o saan at para saan. Ngunit ang tanging sinabi niya lang saakin ay, "leader ng Mystikó"
--
Note: Mystikó is a greek word that means "secret".
YOU ARE READING
Mystikó
Mystery / ThrillerThis story is about four young students who were chosen to save the world from a destructive phenomenon made by the God of Immortality - Empedocles.