Kriiiiiiiinngggggg!!!!!!
Nak! Gising na! Gumising kana dali mag si-six na! Dalian mo naliligo na ang papa mo alam mo naman mabilis kumilos yon. Tsaka late kana!
Kriiiiiinnnnggggg!!!!!
Muling tumunog ang alarm. Akala ko ay nananaginip lang ako nung sinabi sakin ni mama na late na daw ako sa school chenachena mabilis daw kumilos si papa. But actually I was really late. First day of second sem pa naman tapos late ako. Agad ako naligo at nagbihis pero pagkababa ko at paglabas ng kwarto ay nakaalis na pala sila mama. Iniwan na nila ako dahil papasok panga pala kase sila. Ang hirap pa naman mag commute dito sa lugar namen dahil bihira lang may dumaan na jeep.
Pagkadating ko sa school ay binigyan ako ng guard ng late slip. Pumunta nako sa room namen at ayun na nga. Nagkaklase na sila at ang first subject pa namin ay si sir. Siya yung sinasabi ng lahat na terror daw. I heard rumors about him saying that he was the most intelligent and most handsome teacher in this school. I am not close with him yet so di ako natakot na pumasok sa room.
Binigay ko sakanya ang late slip. Hindi niya ito kinukuha mula sa aking mga kamay. Tinititigan niya lang ito habang walang emosyon na makikita sa mukha niya.
He looks so cold.
Napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin dahil sa sobrang katahimikan sa klase. Nang yumuko ako ay nakita ko ang I.D ni sir. Ang gwapo nga......ng pangalan. Kinuha bigla ni sir ang id niya at itinapat sa mukha ko. Nagulat ako dahil napakabilis niya itong ginawa at sinabi niya sakin na,
Say good morning and say my name properly.
Hindi ko alam kung gagawin koba o hindi ang sinasabi ni sir dahil medyo natatakot ako sa tingin niya ngunit ginawa ko rin naman ito ng walang emosyon sa aking mukha.
Gu....goo...good morning sir. Blythe
You may sit down and don't be late again
Ang sabi ni sir pagkatapos niyang kunin ang late slip sakin at pinirmahan at biglang hinulog sa harap ko ang papel! Arghhh!!! Nakakainis!
---
Break time na nang makita ko ang bestfriend ko na si Mica. Kinuwento ko sakanya ang nangyari kanina kung paano ako ipinahiya ni sir sa buong klase. Grabe. Tinawanan niya lang ako at inasar.
So annoying! Haha
-
--
Uwian na namin at naglaro kami ng volleyball ng mga kaibigan ko. Dahil sa paglalaro namin ay napagod ako ng sobra. Hampas dito serve doon. Salo dito salo doon. Ay mali. Puro para saluhan ang naganap. HAHAHA nakakatawa kami maglaro kunwari professionals but the reality is tawanan lang ang nangyari.
I got home late walking in the dark night without someone to talk to, just looking at the street which is quiet. Very quiet.
Bagsak. Di naako nakapagbihis nakakain o ano paman. Nakatulog na agad ako ng mahimbing.
----
Naglalakad ako at nagmamadali para makapasok sa room dahil as usual late nanaman ako. Bigla kong nakita si sir Blythe na naglalakad habang pinupunasan niya ang kanyang eyeglasses. Inaayos niya ang kanyang necktie na kulay gray. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. Grabe ang gwapo ni sir. Someone every woman would admire. Ngunit nang mapatingin ako sa paa niya, nakita ko na nakarubber shoes si sir habang naka slacks. Ang corny grabe. Pero natakot ako dahil nakatanggal ang lace non at dahil don...... nadapa siya nang papasok sa room namen at tumama sa ulo niya ang pinto ng napakalakas at dumugo ito.
Sirrrrrrr!!!!!!
Nagising ako at nalamang panaginip lang pala ang nangyari. Napatingin ako sa bintana, ang ganda ng sunrise. Napakaganda. Napatingin ako sa wall clock. Ang ganda rin ng oras dahil late nanaman ako.
School.
Tumatakbo ako habang hawak ang late slip. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko ay nadapa ako at pinulot ko yung slip. Napatingala ako nang makita ko ang isang rubber shoes. Nakatanggal ang lace nito. Suot ito ng isang lalake na papunta sa room namen. Nagpupunas ng eyeglasses at inaayos ang necktie.
Sirrrrrr!!!!!!
Tumayo ako agad at binitawan ang lahat ng gamit ko. Tumakbo ako papunta kay sir. Pagbukas niya sa pinto ay tinulak ko siya.
...
Patay! Nadapa si sir Blythe at nakita ito ng lahat ng kaklase ko. Binalot ng katahimikan ang buong room. Tumayo ang mga kaklase kong babae at lumapit kay sir. Tinulungan nilang tumayo si sir. Habang ako nakatulala sa kawalan.
Humarap sakin si sir. Naka-poker face siya. As usual napaka-cold ng tingin niya. Lumapit siya sakin at pinaluhod ako at sinabi niya sakin....
Itali mo ang shoe laces ko, this is the second mistake that you have done to me, and another humiliation and disrespect you've done to me. Ms. Reyes, stay in this room after class for 1 hour for detention.
---
Mag isa ako ngayon. Nakaupo ako sa upuan ko sa classroom para sa detention. Kumakanta nalang ako para alisin ang boredom. Napatingin ako sa pinto namin at naalala ko ang moment kanina ni sir habang nadadapa siya. Hahaha sa totoo lang natatawa ako noon. Natatawa ako hindi dahil sa nadapa siya, kundi dahil hindi niya napansin na late ako dahil sa nangyari.
Pero habang nakatingin ako sa pinto. Naalala ko ang panaginip ko. Nagkatotoo ang panaginip ko. Nag iba nga lang ito dahil niligtas ko si sir. Is it just a coincidence? The eyeglasses, the slacks, the necktie, and everything that happened, they were the same.
---
Nang matapos na ang isang oras ay nakauwi na ako. Dumeretso ako sa kwarto. Sinilip ko ang aking cellphone kung may updates ba sa group chat namin. Kung may mga assignment ba. Nilabas kona ang mga gamit ko. Pinalibot ko ito saakin. Binasa ko ang ilan sa mga lectures ko pero pagkatapos ng isang sentence, tulog na agad ako.
---
Okay class our new lesson is about the great philosophers and what reality is for them. Now I need you to guess whom I am about to introduce based on your stock knowledge and your past learning about philosophy. First, his name is composed of six letters. He is the very famous philosopher, the father of western philosophy. Water for him is the substance of reality. He assumed that the world was flat. He let us know about philosophy. Predicted an eclipse. He was also one of the seven sages. Who is he?
---
Sir! Plato!
Sagot ng kaklase ko. Ngunit sabi ni sir Blythe ay mali daw ang sagot. Nagtaas ng kamay ang kaklase ko na si Edward. Tumayo siya at lumapit sa board. Sinulat niya ang lahat ng sinabi ni sir na description sa board.
Sir. Sinabi mo na his name is composed of six letters. That was the clue. If you'll look at the description clearly you will see the pattern. Mula sa mga sentences ng description ay makikita ang bilang na tig aanim para sa words na nagbibigay ng clue. Every six words ay makukuha mo ang words na mahalaga. The, Him, Assumed, Let, Eclipse, Seven. Ang mga unang letra ng mga words na ito ang bumubuo sa pangalan niya. THALES.
Verygood Edward! Sabi ni sir.
Kringggggg!!!!
Umaga nanaman! At panaginip lang pala ulet ang nangyare. Hayyyy!!!
YOU ARE READING
Mystikó
Mystery / ThrillerThis story is about four young students who were chosen to save the world from a destructive phenomenon made by the God of Immortality - Empedocles.