Chapter 3 - First Meeting

112K 2.9K 235
                                    

Chapter 3 – The First Time I am Near You

Lagadab… lagadab… Janine don’t panic! Carry mo ‘to, just do it the Felicity style_ sa likod ng university ka dumaan para safe sa mga bashers…

Bogsh! ‘Di ko alam na may pader pala sa gitna ng daan.

“Finally, nakita ko na rin ang supposedly girlfriend ko_”

Hala! Nagasalita ang pader. Lumingon ako sa likod at whoa! Si Marco Zobel, siya pala ‘yung inakala kong pader.

“Marco Zobel?” napanganga ako at umabot ang baba ko sa sahig, hindi ko alam possible pala yun.

“In flesh” nilapit niya ang mukha niya saka niya sinara ang nakabukas ko pang bibig.

Oh shoots! Sa sobrang kaba ko tumakbo ako papalayo sa kanya pero nung nakapasok na ako sa uni, nakasalubong ko naman ang grupo ni Nathalia.

“Girls?” sabi nung isa sa kanila, “Di ba siya si Janine, ‘yung umaangkin na girlfriend ni Marco?”

“Yeah right!” kinonfirm ni JP, “and alam n’yo na kung ano ang dapat gawin sa mga feeler na katulad niya” sabi niya sabay turo sa akin.

OMG! Anong gagawin nila sa akin?  Pinalibotan nila ako at nagsimulang hilahin ang buhok ko.

“Hey! Why are you bothering my girlfriend?” ang sabi ng lalaki sa likod ko.

Lumingon ako at nakita kong papalapit sa amin si Marco.  Did he just call me his girlfriend?

“Hoi buds gising! Huwag ka ngang mag-imbento ng istorya para hindi lumaki ang problema mo,” kinalog ako ni Arlene para matapos na ang pag-d-day dreaming ko.

“Hindi ko imbento ‘yan.  Inisip ko lang kung ano ang mangyayari sa akin if ever katulad ng My Tag Boyfriend ang kahihinatnan sa experience kong ‘to” sabi ko sa kanya.

“Naku! Himbis na mangarap ka na matulad sa Wattpad ang istorya ng lovelife mo,” ipinatong niya ang mga siko niya sa mesa at lumapit sa akin, “mas mabuti pang isipin mo kung paano mo maipaliwanag na panaginip mo lang ang lahat na narinig nila tungkol sa date ninyo ni Marco.”

“Buds,”tingin ko sa relos, “malapit nang mag-2pm. Anong gagawin ko?”

“Simple,” nag-cross arms si Arlene tapos sumandal sa upuan niya, “Just tell them the whole truth and nothing but the truth!”

Hindi ko tinuloy ang pagdaan ko sa likod ng uni kasi kahit saan man ako dadaan, marami pa ring taong makakakit sa akin.  Nakatingin ako sa daan habang  naglalakad sa corridor pero kahit hindi ako tumingin sa paligid, alam ko na ang lahat ng mga mata ay nasa akin. Good Lord, sana naman it won’t get worst.  And please keep Marco away muna, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng guidance office.  Nakita ko ang student assistant sa may reception area pero bago ako magsalita ay may sinabi na siya.

“Janine, hinihintay ka na ni Miss Dominguez sa loob,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Ganito na ba talaga ka-kalat ang istorya ko na kahit ngayon lang ako nakabalik sa guidance office simula nung first year ay nakilala pa rin ako ng SA? Sana Lord hindi talaga ganito ka-lala ang sitwasyon.

“Janine del Rosario, umupo ka” pinapasok ako ni Miss Dominguez.

“Do you have an idea why you were called in this office?”tanong niya sa akin nung nakaupo na ako.

When the Foolish Heart Beats (Adonis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon