Chapter 4 - To Tell the Truth or Not?

115K 2.5K 110
                                    

                “Hi Janine,” bati ni Patricia sa akin, “O, hindi  mo kasama si Marco? Sabagay, busy rin yun, kasi di ba nga, next month na ang concert nila,” patuloy niyang pagsasalita habang nakayakap ang isang kamay niya sa isa kong braso. Feeling close?

                Oo nga pala, andito ako ngayon sa dance practice namin.  Si Patricia Sandoval nga pala ang president ng Dance troupe.  Senior ko rin siya sa ballet class namin at dahil talagang magaling siyang sumayaw, siya na ang nag-train at gumagawa ng choreography para sa mga performances ng dance troupe namin dito sa university. 

                “Hey Janine, I heard na dineny ka raw ng magaling na Marco na yan.  Di bale, may gagawin tayo na siguradong hindi siya makapagpigil at siya na rin mismo ang aamin na talagang naging kayo,” sinabi niya yun habang naglakad kami patungo sa gitna ng dance room.

                Hindi pa pala niya alam na panaginip ko lang yung nababalitang date namin ni Marco kaya eto siya ngayon, feeling close.  Siya naman kasi ang dakilang stalker ni Stuart Cordoval, ang drummer ng Adonis band.  She befriends anyone na ma-link sa Adonis band members as long as hindi kay Stuart na-link. Ginagawa niya ito para siguro gamitin niyang daan upang maging close kay Stuart. Hindi kasi siya pinapansin ni Stuart kahit gaano pa siya KSP pero ayaw niyang magpatinag at talagang binakuran niya talaga si Stuart.  Kawawa nga lang siya kasi ilang taon na siyang nagpapapansin kay Stuart but Stuart would rather date other girls than date her.

                So eto na kami ngayon. Siyempre nag-warm-up at nag-stretching muna kami bago sinimulan ang pag-aral sa choreography.  Mejo strict si Patricia pagdating sa practices, lalong lalo na sa pag-execute ng routines and she never tolerate late comers. Wala ring makakapag-angal sa kanya kung mag-iimpose siya ng punishment.  Kahit naman kasi nakaka-turn off ang pagiging certified Stuart-Cordoval-stalker niya, hindi naman siya bitin sa beauty, body and brains.

                Beauty – dahil maganda siya.  Sa katunayan, isa siya sa mga sikat na modelo ng Bellas, isang sikat na intimate apparel line dito sa Pilipinas. 

                Brains – dahil kahit marami siyang extracurricular activities, isa pa rin siyang consistent dean’s lister.  Narinig ko nga na candidate siya sa pagka-comlaude sa batch niya.

                Body – hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag pa.  Di ba nga isa siyang modelo ng mga intimate apparels, ibig sabihin sexy siya at sobrang taas ng sex appeal.  Isama na rin nating ang fact na dahil siya ang best performer ng dance troupe and ballet class namin, which implies na perfectly fit talaga ang figure niya.

                Una naming inaral ang choreography para sa opening number ng foundation day.  Dahil contemporary ballet ang concept sa choreography ni Patricia para sa kanta ni Iggy Azalea na “Black Widow,” napili ako na mabilang sa mga main performers.  Wala naman akong problema doon, ang kaso, alam kong mejo masikip at skimpy ang costume na gagamitin para sa performance. 

                Ayoko sana ng skimpy kasi feeling ko, magiging mapansin ang pag-aalog-alog ng boobs ko habang sasayaw ako.  Halos lahat naman kasing ballet dances mejo flat chested.  Although hindi flat chested si Patricia, hindi naman agaw pansin ang boobs niya pagnagso-sout siya ng masikip na damit.

                Mabait sa akin si Patricia during the whole practice session.  Feeling ko nga, binibigyan niya ako ng special treatment.  Nate-tempt na nga ako na sakyan ko na lang ang maling akala niyang nagka-date talagi kami ni Marco.  Minsan lang kasing magkaroon ng ka-close si Patricia sa groupo, siguro dahil she wanted to maintain a gap para may authority pa rin siya pagdating sa trainings at practices.  She did join and jam with us, pero pagnangyari yun, she does not get too involve with anyone of us.

When the Foolish Heart Beats (Adonis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon