Chapter 5 - Foundation Day

100K 2.2K 128
                                    

Author’s note:  Ang music para sa sayaw nila Janine, nasa side ---> (click niyo para mas feel)

__________________

                Would you believe how time flies so fast at ngayon foundation day na. I am now putting on my toe shoes and as expected, suot ko na rin ang skimpy laced black dress na costume namin para sa opening number. 

Hindi naman pangit ang katawan ko, mejo nakaka-conscious lang talaga.  Hindi kasi ako comportable sa mga ganun na damit.  Mas gusto ko ang mga baggy pants at loose shirts.  Buti na lang napagpasyahang gumamit kami ng face paint.  Pininturahan ng puti ang buong mukha namin tapos gamit ang black face paint ay ginuhitan ang mukha namin ng cobweb.  Ideya ito ni Patricia, para daw ma-complement ang damit at music namin. Dahil sa face paint, hindi ako mahihiyang sumayaw dahil wala namang makakakilala sa akin.

Dahil hindi pa dumating ang school officials kasi hindi pa natapos ang motorcade, napagpasyahan ko na mag-warm-up muna.  Ginagawa ko talaga ito para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. 

I was trying to balance in arabesque when I heard Marco vocalized at my back.  Dahil sa gulat, na-out balance ako.  Buti na lang mabilis ang kamay ni Marco at sinalo niya ako sa aktong pagkatumba ko.

“Okay ka lang?” narinig ko ang mala-anghel niyang boses habang nakahawak siya sa bewang ko. 

“Uhm, yeah,” I tried to collect myself.  Mahirap na, buti na lang naka-face paint. Hindi ko maimagine kung ano pang pangungutya ang masabi niya sa harap ko kung sakaling namukhaan niya ako.  Nagi-guilty pa rin ako at wala pa rin akong mukhang ihaharap sa kanya. So bago pa niya ako mamukhaan, iniwan ko nalang siya at sumali na sa ibang members ng dance troupe. 

Ilang sandali ang lumipas at nagsimula na rin ang foundation day celebration.  On Patricia’s cue, pumwesto na kami sa stage.  Nagsimula na ang music habang bumukas na ang stage curtains.  Nakakagana ang mga hiyawan at palakpakan ng audience.  Feeling ko, nakikita nila kami bilang mga diyosang bumaba galing sa langit. 

I'm gonna love ya
Until you hate me
And I'm gonna show ya
What's really crazy
You should've known better
Than to mess with me, honey
I'm gonna love ya, I'm gonna love ya
Gonna love ya, gonna love ya
Like a black widow, baby

Nagsimula na kaming gumalaw nung marinig namin ang cue sa music. Ini-internalize ko ang bawat mensahe ng lyrics para ma-i-portray kung mabuti ang sayaw pero nang sumilyap ako sa gilid ng stage, nakita ko si Marco at ang ibang Adonis band na nanonood din sa amin.

Shet! Galingan mo Janine del Rosario, huwag kang magkakamali!

Mas lalo kong ginalingan ang bawat ikot, sipa at balanse para naman maging kanais-nais akong tignan.  Alam kong hindi ako makikilala pero kung sakali mang makilala ako, at least kahit nakakahiya, ma-aapreciate naman nila yung galaw ko.

Dali-dalli akong lumabas ng stage pagkatapos naming sumayaw dahil kailangan ko pang mag-ayos para sa solo singing contest.  Sa field kasi ang venue nun dahil gagamitin ang auditorium para sa event ng mga alumni.

Dahil mejo masikip ang isang entrance ng stage, na-traffic kasi dahil nakipagkamayan pa ang mga members ng Adonis band sa mga lumalabas pang dancers kaya napagpasyahan kong gamitin na lang ang isang entrance.

“Congratulations, you did great out there,” nakita kong inabot ni Marco ang kamay niya sa akin. Tumango na lang ako saka ko tinanggap ang kamay niya.  Magsasalita pa sana siya pero tinawag na siya ng band members niya kasi sila na ang sunod.  Hindi na rin ako nag-tagal sa harap niya.  Kailangan ko na talagang makaalis para makag-ayos na.

When the Foolish Heart Beats (Adonis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon