2. My First, My After Happy Ending (1)

3.5K 166 17
                                    


Maswerte ako dahil tulad ng gusto ng lahat na mangyari, mahal ako ng taong mahal ko. Finally, I had my happy ending. He is my first. And I did hope that he would be last, my happy ending..


 ***


Maganda naman ang naging takbo ng relasyon namin. Umabot rin kami ng tatlong taon. Hindi naging madali ang lahat, pero nung kasama ko siya pakiramdam ko kakayanin ko ang ano mang humarang sa amin. Alam kong baduy pero ganon talaga eh. Ganon ang naramdaman ko. Ganon ang pag-iisip ko.. Dati.


Magfo-fourth year na kami noon. Walang masyadong nagbago. Parati pa rin kaming nagtutuksuhan. Pero alam kong tinutukso niya ko dahil gusto niya lang na masaya ako.

Kami ay hindi normal o typical na couple. Dahil nga sa naging simula namin, hindi kami sanay na sweet-sweetan, touchy-touchy. Puro kami tawanan at tuksuhan. Masaya lang. Hindi rin kami showy na couple-- ang tanging public display of affection namin ay ang kurutan at pingutan. Pero masaya naman kami na magkasama. Masaya na kami nang ganun.. Masaya na ako. Ako lang..


Ako lang dahil nakita ko siya isang araw. Ginagawa niya sa iba ang hindi niya ginagawa sa akin. Mukhang hindi naman siya kuntento sa kung paano kami naging "kami" at kung pano namin nairaos ang tatlong taon sa pamamagitan ng biruan, tuksuhan, at tawanan LANG. Kulang yata para sa kanya.

Nakita ko siyang pa-sweet sa ibang babae. Inalok niyang buhatin ang bag at mga libro na NEVER-- as in EVER-- niyang ginawa sa akin. Para namang pilay o baldado ang babae. Wala ba siyang mga kamay?

Inaalalayan niyang makababa sa stage habang ako pinapaikot at pinadadaan pa sa hagdan. Sino naman kasing matinong babaeng nakapalda ang tatalunan ang stage imbes na dumaan sa hagdan di ba?

At may pasandal-sandal pa sa balikat niya ang babae. Maswerte siya dahil seatmates sila at nasa likod nila ako. Ilang beses kong pinlanong kalbuhin ang babae mula sa likod.

Maraming beses na nangyari ang mga ganung eksena. Palibhasa hindi klaro sa mga kaklase namin ang tunay na estado ng relasyon naming dalawa. Dahil sa hindi nga kami nagpi- PDA --at ayoko rin naman-- akala nila simpleng harutan lang ng close friends ang biruan, tuksuan, at tawanan namin.Samahan pa ng madalas na pagsasama namin. Akala siguro nila wala lang. Pero ganun kami eh-- committed sa isa't isa pero parang hinde, kasi hindi halata.

Kaya nung napuno na ako--dahil mukhang nag-eenjoy naman siya kasi hinahayaan lang niya-- hindi ko siya kinausap ng isang linggo. Iniwasan ko siya, hindi kami sabay kumain, hindi niya ako nasusundo sa bahay dahil maaga akong umaalis, hindi niya ko nahahatid pauwi dahil maaga akong umuuwi. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglalakad ko pag hinahabol niya ko. Pero ang masaklap, hinahabol niya nga ako pero patuloy niya pa rin pinahihintulutan na landiin siya ng babaeng linta. Napuno na talaga ako.

Dalawang araw akong di pumasok. Pinuntahan niya ako sa bahay, pinapasok lang din siya ng nanay ko kasi kilala naman na siya. Sa tatlong taon ba naman.

Nagulat ako nung makita ko siya, galit na galit. Pero nag-asta akong walang pakialam. Kinakausap niya ko pero umiiwas ako. Lumalayo ako, nilalapitan niya ko. Hanggang sa na-corner niya ko sa may kusina..

"Ano ba kasing problema?!" Hindi ako sumagot. Narining kong napamura siya. Malapit lang ang mukha niya sa akin kaya kitang-kita ko ang expression niya. Magkahalong inis at concern ang nakita ko sa mga mata niya na maluha-luha na. "Bakit mo ba ako iniiwasan?!" sabi niya ulit. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi niya alam?! Kalokohan! Ano siya? Manhid? Bulag?

"Ano?! Bat ayaw mong sagutin?! Ano bang problema??"

"Ikaw! Ikaw ang problema!"

"Anong ako?! Ikaw tong umiiwas!"

"Malamang umiiwas ako dahil kasalanan mo! Ano yon, kasalanan ko kaya umiiwas ako?!"

"Hindi ko nga alam kung bakit! Kaya sabihin mo na!"

"Hindi mo alam?! O hindi mo lang pinapansin?! Manhid ka ba?!" at nagsimula ang walang katapusang sigawan namin. Sa sobrang inis ko nasabi ko tuloy lahat ng hinanaing ko tungkol sa babaeng linta at kung paano niya hindi namalayan na nilalandi na pala siya. At siya naman nagpalandi. Talak ako nang talak nang bigla niya ko lunurin ng halik. Halik na hindi ko mapigilang gantihan. At naghalikan kami. Ang halik na yon.. Wala na ang una kong halik. Nakuha na niya.

And again, he is my first.

***

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko. Tinignan ko ang oras, alas singko na pala. Nakangiti lang ako, naalala ko kasi ang nangyari kahapon--yung first kiss ko, ninakaw na niya. At hindi simpleng kiss yon. Isa yong ma--

"Kakain na!"

Nasira ang internal monologue ko ng marinig kong tinatawag na ako ni Mama para kumain. "Andyan na po!" at nag-unat unat muna nang.. may parang natamaan akong matigas sa may paanan. Pagtingin ko..

"Ba't nandito ka?!!!" sabay upo. Pero mas ikinagulat ko na tanging kumot lang ang saplot ko. At niya. Parehong nakalapag sa sahig ang mga damit namin..

Asdfghjkl! May nangyari sa amin.. Pero.. K-kelan? P-paano? Paanong halik lang tapos.. O_O

Muli.. He's my first.

***
After three weeks nalaman kong buntis ako. Sinabi ko sa kanya. Sabi niya pananagutan niya. Pinakamalaking problema namin noon ay ang mga magulang namin--lalo na ang mga magulang ko. Isa pa, graduating na kami. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral. Sayang.

Noong sinabi namin sa mga magulang namin, syempre nagalit sila. Pero wala naman daw na silang magagawa, nangyari na raw. Pinayuhan nila kaming ituring na blessing ang magiging anak namin. Pilit nila kaming pinapakasal pero tumanggi ako. Mahal namin ang isa't isa pero ayaw kong magpapakasal lang kami dahil sa nangyari. Nung tinanong nila kung paano ang pag-aaral ko, sinabi kong itutuloy ko. Expected date ng panganganak ko ay bandang third to fourth week of October. Sembreak. Makakabalik agad ako ng second sem pagkapanganak. Planado na ang lahat. Pinaghandaan namin ang mga pwedeng mangyari. Alam naming puputok ang balita isang araw. At hinahanda ko na ang sarili ko para pagpiyestahan ng tsismis sa school. Pero kahit na paanong paghahanda pala ang gawin, may mga bagay na hinding-hindi ko mapapaghandaan.. Personally.

Parati kaming nag-aaway. Hindi ko alam kung dala ng pagbubuntis, pero napapadalas. Dala rin siguro ng pressure sa studies, mapangmata na tingin ng mga tao sa lumolobo kong tiyan, AT lalo na ng di pa rin matigil-tigil na paglapit-lapit ng babaeng linta. Walang araw na hindi kami nagkakainitan ng ulo. Parang kami na yung dating kami. Yung parating nagbabangayan. Pure away, walang halong paglalambing. Minsan nga naiisip ko na baka napapagod na rin siya sa akin. At baka tuluyan ng nahulog ang loob niya sa babaeng linta pero di niya ko maiwan-iwan dahil sa anak namin. Naisip ko nang bitawan siya pero parati akong pinangungunahan ng kaba at takot na baka lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama. Ayaw kong mangyari yon. Kaya pinipilit kong kumapit. Kahit pa ayaw na niya, hinding-hindi ako bibitaw.

Hanggang sa dumating ang araw ng panganganak ko. Nung nakita ko ang mukha ng anghel ko, parang nawala lahat ng masasakit na nararamdaman ko. Napawi na ang lahat ng sakit at paghihirap na dinanas ko ng siyam na buwan. Kinailangang kong maging matatag para sa baby ko-- at para sa Daddy niya. Naibsan ang lahat ng sakit ng kalooban ko nang makita ko ang masaya niyang mukha habang karga karga sa braso ang munti naming anghel. Dahil sa nakita ko, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tuluyang maging masaya, maging matatag. Para sa kanya.. at para kay baby..

Dati, masaya na ako dahil nandyan siya. Masaya na akong kaming dalawa lang. Naisip kong nakuha ko na ang happy ending ko sa piling niya. Pero may mga pangyayaring sinubok ang aming katatagan.. Kaya ayun, nabuo si junior. Hindi naging madali ang lahat. Mapagbiro ang buhay eh. Pagkatapos akong bigyan ng masayang lovelife ay nabigyan kami ng pagsubok.. Pagsubok sa relasyon, pagsubok sa kung papaano harapin ang mga naging desisyon namin sa buhay at kung papano panindigan ito. Pero kinaya namin. Kinaya ko. Magiging masaya na ulit kami. Lalo na't may anghel na dumidipende sa amin. Happy ending na ulit ang buhay ko.

What's After Happy Ending? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon