3. His First, His After Happy Ending, Their Ending

3.8K 353 148
                                    

She isn't perfect. She's not even normal.

But she was..

My first.

***

Alam ko namang nanggagalaiti siya sa akin. Sinabihan niya pa ako na masamang tao. At madalas niyang sabihin na inis siya sa akin.

Hindi naman kasi ako pala-tawa. Pero hindi ako pikon! Pag umiinit na kasi ang asaran namin, alam kong di siya titigil. Kaya minsan titigil na lang ako sa pang-aasar, tatahimik tapos tatalikod.

Pala-asar din ako. Parati ko siyang tinutukso. Siguro minsan naiinis na siya. Pero yung tuksuhan lang namin ang tanging bagay na na-eenjoy ko sa eskwelahan eh. Sa sobrang asaran namin ni hindi ko na alam kung paano kami magkakaroon ng seryosong usapan. Minsan nasabihan ko pa siyang plastik. Di ko lang kasi maintindihan kung bakit siya nagtitiis ng ganun.. Sa dalas din ng pang-aasar ko sa kanya, hindi ko alam kung paano ko siya mako-comfort. Nakita ko siyang umiiyak minsan pero sinabihan ko pa siyang iyakin. Gusto ko lang naman na ilabas niya yung sakit na nararamdaman niya. Hanggang sa maging maluwag sa pakiramdam kasi naiyak niya na ang lahat.

Hindi rin kasi ako expressive at demonstrative na tao. Gaya nung sumali siya sa competition. Maraming mga bagay na hindi na kailangan pang sabihin. Pwede na yung alam ko lang sa sarili ko. At alam kong kaya niya naman.

Ewan. Hindi ko maintindihan. Pero iba kasi siya. Hindi siya perpekto at hindi siya typical.

Siya ang babaeng masarap asarin. Hindi siya madaling sumuko, at madalas lumalaban. Dahil sa isang beses na pagsagot niya sa asar ko, naging hobby ko na ang asarin siya parati. Eh sa natutuwa akong kaasaran siya e. Ang kaso, pag nagsimula siyang lumaban, wala nang tigil ang bibig niya. Parang machine gun ang bunganga. Daig pa ang nanay ko pag nanenermon.

Siya rin ang babaeng brutal. Tutuksuhin ko siya ng konti, sasagot siya. Pero may kasama nang violence! Madalas niya kong batuhin ng bolpen at sasadyain niyang nagtatae yon para pag natamaan ako, hindi lang ako nasaktan, nadumihan pa. Kaya madalas akong pagalitan ng nanay e. At nung minsang nag-ga-gardening kami, binato niya ko ng pebbles na hawak niya--na dapat sana ay pang design sa bago naming tanim.

Siya ang babaeng nagpapakumplikado ng bagay-bagay. May kaklase kaming Anthony Christopher ang pangalan. Tinatawag niyang Anthony, Anton, Tonio, Tony, Ton, Christopher, Christoph, Chris, Topher, Tope, Top, at nung nahabaan pa siya, tinawag niya nalang na AC. Pero minsan A nalang o kaya C. At yung kaklase naming Tim lang ang pangalan, tinatawag niyang Timmy, Tim-Tim, Timothy, Timmy boy at kung anu-ano pang pinahabang version. Di ba ang gulo? Mahaba ang pangalan, papaikliin. Pag maikli ang pangalan, papahabain. Tsk.

Siya rin ang babaeng weird. Nung nasa canteen kami, bumili siya ng softdrinks. Tapos naglabas siya ng baso, sinalin doon ang softdrinks tapos sinawsaw ang tinapay na binili niya rin. Nung may natira pang softdrinks sinawsaw naman niya ang may palamang biskwet tapos ininom yon. At tuwing kumakain siya ng lunch, puro kanin ang uunahin niya tapos saka niya papapakin ang ulam. Ang weird..

Kaya naging routine na namin ang mga asaran. Ginagamit ko ang ka-weirduhan niya laban sa kanya. Kaso matapang eh. Ayaw patalo. Mula high school hanggang college ganyan kami. Minsan, napapaiyak ko siya. Minsan, nakakapikon rin siya. Kaya ayun, walang tigil na bangayan.

What's After Happy Ending? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon